The start of a New Chapter <3

157 2 0
                                    

4:30 pm... Sa bahay nina Nadine...

"Anooooooo?!!", galit na sabi ng daddy ni Nadine.

Nakayuko lang si Nadine.

"Sorry tito! Hindi ko po ginustong magsinungaling. Ayoko lang pong magalit kayo kay Dindin. Sorry po!", sabi ni BriX na todo yuko na sa paghingi ng sorry.

Napatayo ang daddy ni Nadine at hinawakan ang kwelyo ng polo ni BriX. Sinuntok nito si BriX at hinawakan ulit ang kuwelyo nya.

"Sir, tama na po!", pakiusap ni Jhake.

"Dad, please!!!", pigil ni Nadine sa daddy nya.

Ang mommy naman nya, walang magawa dahil takot din naman ito sa daddy nya.

Nakatungo lang naman si BriX at iniiiwas ang tingin sa daddy ni Nadine.

Nagpipigil pa din ng galit ang daddy ni Nadine.

Itinulak nito si BriX kaya naman napaupo ito sa sofa.

"Okay ka lang?", nag-aalalang sabi ni Nadine kay BriX.

"I deserve this.", sabi ni BriX sabay punas sa dugo sa labi.

"Sorry!", sabi ni Nadine.

"Bakit ka nagsosorry dyan? Sakin ka magsorry, wag dyan. Sakin kayo may kasalanan.", sabi ng daddy ni Nadine sa kanya.

"Sir, ako na lang po ang pagalitan nyo... Wag si Nadine... Wag din po si BriX... Pakiusap po!", sabi ni Jhake.

"Tumahimik ka! Sino ka para utusan ako?!", galit na sabi ng daddy ni Nadine.

Pero di pa rin tumigil si Jhake.

"Hindi ko po kayo inuutasan Sir. Nakikiusap po ako at di nag-uutos.", matapang na sabi ni Jhake.

Napatingin naman sa kanya si BriX pati na rin si Nadine.

"Sir, kung kasalanan na po ngayon ang magmahal, di po ba dapat ay madami ng tao ang nasa kulungan? Wala naman pong batas na nagbabawal magmahal di po ba?", dire-diretsong sabi ni Jhake.

"Jhake, tama na...magagalit lang lalo si daddy!", gustong-gusto na itong sabihin ni Nadine pero wala syang magawa.

Natatakot sya sa daddy nya.

Sinuway nya kasi ito kaya tanggap na nyang magagalit ito. Yun nga lang, di nya alam na sobrang tindi.

"Sir...", di na naituloy pa ni Jhake ang sasabihin.

"Bata pa ang anak ko... Pinayagan ko sya dahil alam kong mapapagkatiwalaan ko si BriX. Nagkamali pala ako ng akala.", sabi ng daddy ni Nadine.

Napayuko naman si BriX.

"Pano mo mapapatunayang mapapagkatiwalaan kita?", tanong ng daddy ni Nadine kay Jhake.

Napangiti naman si Jhake.

"Ka---Kahit ano po, gagawin ko...para po pagkatiwalaan nyo lang ako.", sabi ni Jhake.

"Kahit ano?", mapanghamong tanong ng daddy ni Nadine.

"Opo!", mabilis namang sagot ni Jhake.

"Kung ganon...", nag-isip ito saglit.

Naghintay lang sila ng sunod nitong sasabihin.

Nadine---> (T_______T) *lunok *lunok *lunok

BriX---> (#_______-) *putok ang labi

Jhake---> (=________=)

"Makipaghiwalay ka sa anak ko at hintayin mo syang mag-18.", sabi ng daddy ni Nadine.

My Nerdy GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon