Kinabukasan...
"Good morning!", bati ni Nadine kay Raz na nakaupo na sa seat nya.
Laging maaga ang dalawa dahil malapit lang ang bahay nila sa school. Kaya nga nagbabike lang si Nadine e samantalang maarte naman si Raz kaya nakakotse pa ito. :))
"Hmmmmmmmm... I smell something fiiiiiiiiiishy...", sabi ni Raz habang nakataas ang kilay at nakatingin kay Nadine.
"Ha?", si Nadine.
Kitang-kita ang glow sa mga mata nito. Parang may spark sa bawat pagsulyap.
"Anong meron? I feel like you're different today. You know, parang may something.", sabi ni Raz.
"Ha? What do you mean?", tanong ni Nadine.
"Ayan oh... Yan, yan... Kitang-kita talaga sa mata mo oh. May sparks!!! Chika-chika din naman pag may time.", sabi ni Razzel habang nakaturo sa mukha ni Nadine.
"Ah......... yun ba? Wala lang to. Bumisita lang naman si Jhake sa bahay kahapon.", sagot ni Nadine na halatang kinikilig.
"Awwwww... di ba absent sya. Talagang pumunta pa sa bahay nyo? SWEET!", sabi ni Raz.
Nagpatuloy pa ang kwentuhan ng dalawa. Maya-maya pa'y dumami na ang tao sa room. Dumating na din si Jhake, naupo sa likuran at pasulyap-sulyap sa nililigawan.
Ilang saglit pa'y hindi na ito nakatiis. Tumayo na ito at akmang lalapit kay Nadine ngunit biglang dumating si Ms. Dela Vega dala ang isang memo.
"Good morning class!", bati nito.
"Good morning Ms. Dela Vega!", bati naman ng mga estudyante.
"As you can see, hawak ko ngayon ang memo para sa calendar of activities this year. Gagawa na lang ako ng mas malaking copy nito para maipost natin sa bulletin board.But for now, babanggitin ko muna ang mga highlights ng hawak kong memo.", sabi ni Ms. Dela Vega.
Excited ang lahat samantalang inis naman si Jhake dahil hindi natuloy ang paglapit nya sana kay Nadine (para magpacute, hehe).
Sinimulan na idiscuss ni Ms. Dela Vega ang CALENDAR OF ACTIVITIES.
"Okay... JANUARY 20 - Math Contest by year level
JANUARY 25 - Declamation Contest school level
FEBRUARY 6 - Art Exhibit for a cause
FEBRUARY 14 - Junior- Senior Prom
FEBRUARY 28 - Field Trip at CCP
MARCH 5 - Recollection
MARCH 10 - Recognition Day
MARCH 15 - Graduation Day
Yun lang muna for now. Yung iba, tentative pa ang dates pero pagmimeetingan pa namin yan ng ibang faculty members. Baka may mapadagdag pa dyan o may mabawas. Watch out na lang for further announcements.", sabi pa ni Ms. Dela Vega.
Masayang-masaya ang lahat. Excited sila para sa mga activities tulad ng JS Prom at Field Trip. Sana talaga matuloy lahat ng activities na ito at madagdagan pa.
After ng announcement, nagsimula na ang klase.
DISCUSSION...
DISCUSSION...
DISCUSSION...
END OF DISCUSSION...
Lunchbreak na. Sabay na naglakad sina Raz at Nadine puntang canteen. Samantala, di kalayuan sa kanila ay ang grupo nina Sophia at ng mga sosyalera nyang friends.
Pagdating sa canteen, umupo agad ang dalawa sa favorite nilang table. Sina Sophia naman ay sa malapit lang naupo at pinag-usapan ang tungkol sa dalawa.
"Gosh Sophia! Don't tell me na that cheap girl lang ang ipinalit sayo ni Jhake.", sabi ng isang girl from section II.
"Correction my dear... Hindi ako pinalitan ni Jhake okay. Pero you're definitely right na CHEAP nga yang si Nadine.", sagot nito sa kasama.
"Hahaha! You're right girls. Cheap nga sya. Look at her bag. Not even branded! And... nakikipagsosyalan pa sya, bakla naman ang kasama!", sabi pa ng isa nilang kasama.
Narinig ito ni Raz. Tatayo na sana siya pero napigilan sya ni Nadine.
"Raz... wag na! It's okay... Wag mo na lang silang pansinin.", sabi nya habang hawak ang kamay ni Raz.
"Nadz... sila kasi e.", sagot ni Raz.
"Hayaan mo na lang sila. Ayoko lang talaga ng gulo.", dagdag pa ni Nadine.
Hindi nila napansin ang pagdating ni Jhake na biglang sumulpot mula sa likuran.
"Gulo? Anong gulo?", tanong nito habang nakatingin kay Nadine.
Umiwas naman sa kanya ng tingin ang tatlong maldita.
"Ha? Anong gulo?", sabi ni Nadine.
"Nadz...", sabi naman ni Raz na parang gustong magsumbong.
"Anong gulo? Ano ba yun Nadine, Raz?", tanong ni Jhake.
Pigil-pigil ni Nadine ang kamay ni Raz sa ilalim ng mesa habang nakatingin dito na parang nagmamakaawang wag itong magsumbong. Ayaw lang talaga nya ng gulo.
"Ahhhhhhh... haha! Gulo? Anong gulo? Baka gulo-man (as in gulaman) ang narinig mo. Shinort-cut lang namen kaya GULA ang tawag hindi GULO. Baka mali lang ang dinig mo.", pagtatakip ni Raz sa pagsisinungaling ni Nadine.
"Ah...oo nga. Haha! Ayaw ko lang ng gula ang sabi ko, hindi gulo... Di ba Raz?!", sabi ni Nadine.
"Yeah right!", sagot ni Raz.
"Maupo ka na. Sabayan mo na kaming kumain!", pagyayaya ni Nadine kay Jhake.
"Ah... sige salamat!", sabi nito at naupo na nga.
Nakatingin naman ng masama sa kanila ang tatlong maldita. Wala nang nasabi pa ang mga ito dahil baka marinig pa sila ni Jhake. Itinuloy na nila ang pagkain. Maya-maya pa'y nagring na ang bell at tapos na ang break.
Nagsimula na ulit ang klase. Parang mabilis lang ang oras pag hapon na. Saglit lang at naglabasan na sila.
As usual, bike na naman ang mode of transpo ni Nadine. Gusto sana syang ihatid ni Jhake pero tumanggi ito kaya umalis na agad si Jhake. Pag punta nya sa parking area... gulat na gulat si Nadine.
"My God! Anong nangyari dito?", sabi nya habang nakayuko at tinitingnan ang flat na gulong ng bike nya.
"Nadz... What happened?", sabi ni Raz habang nakadungaw sa bintana ng kotse nya.
"Raz...look! Flat oh...", sabi nya at itinuro ang gulong ng bike.
"Awwwww... I'm sure sina Sophia ang may gawa nyan!", sabi ni Raz.
"Raz, masama mambintang... Maglalakad na lang ako or magcocomute. Ihahabilin ko na lang muna to dito.", sabi ni Nadine.
"Ah, basta... I know they're the culprit.", sabi ni Raz.
"Culprit agad?! Haha!", sabi ni Nadine.
Nagtawanan ang dalawa.
"Sabay ka na sakin. Ihahatid na kita...", sabi ni Raz.
"Eh, pano yung bike ko?", sabi ni Nadine.
"Kuya, pakilagay na lang ng bike nya sa compartment. Foldable naman ata yan e.", utos nya sa driver nya.
Agad naman sumunod sa utos nya ang driver samantalang sumakay naman si Nadine sa kotse at tumabi sa kanya. Then, chika-chika na sila hanggang makauwe. :)) :)) :))
BINABASA MO ANG
My Nerdy Girlfriend
Novela JuvenilNadine Rivera is transferee at St. John Academy and she's somewhat nerdy. She fell in love with his classmate Jhake Angelo Yamamoto who doesn't seem to like her. This makes her heart break and she decided to transform herself for Jhake. But there ar...