Kinabuksan, hindi na nagpahatid si Nadine kay BriX. Ayaw na daw kasi nyang magselos pa si Jhake.
Isa pa, pinakiusapan din nya ito na itago muna kina Jhake at sa iba pa nilang friends ang tungkol sa nangyari sa bahay nila. Pumayag naman si BriX dahil ayaw na din nya ng gulo.
Pagdating ni Nadine sa room, nandun na si BriX at nakita nya itong nakikipagkwentuhan kina Raz at Sophia. Wala pa naman si Jhake kaya mukha namang wala pang gulong nangyayari sa pagitan nila.
"Uy, Dindin. Andito ka na pala.", bati ni BriX na nakatingin sa may bandang pintuan.
"Hindi, wala pa ako dito. Imagination mo lang ako.", pabirong sabi ni Nadine tapos naglakad palapit sa upuan nya.
Narinig ni Kris ang sinabi ni Nadine. First time nya itong marining magjoke.
"Pfft...", pagpipigil ni Kristoffer ng pagtawa.
Siniko naman sya ni Kylie.
Samantala, tumayo naman si BriX at sinalubong si Nadine para kunin ang mga gamit nito at ilagay sa desk nya.
Pagkaabot na pagkaabot pa lang ng gamit ni Nadine, saktong dating naman ni Jhake.
Awkward...
Silence.
Silence.
Silence.
Hanggang makaupo sya, hindi lang sya nagsasalita.
Si Kris naman na nasa likod, kakalbuhin na ni Kylie sa panggaganot. Tawa kasi ng tawa kahit awkward moment na.
"Ah...Jhake...", si Nadine na ang nag-initiate na magsalita.
Hindi man lang sya tiningnan ni Jhake at nagsaksak ng earphones sa tenga.
Medyo nainis naman si Nadine sa ginawa nito.
"Matapos mong hindi sagutin ang mga tawag ko kahapon...tapos makikita pa kitang nakikipagflirt sa lalaking yan ngayon. Bahala ka dyan!!!", naisip ni Jhake pero syempre di naman nya sinabi.
Kinulbit kulbit naman sya ni Nadine.
Kulbit.
Kulbit.
Kulbit.
Ayaw pa din nyang tumingin.
"Uy! Ano ba? Galit ka ba?", tanong ni Nadine.
Hindi naman ganun kalakas ang sounds ng earphones kaya pakinig pa rin sya ni Jhake.
"Galit? Tinatanong mo talaga kung galit ako? Hello!!! Matapos mo kong di imikan kahapon, kahit tawag ko ayaw mong sagutin. Tapos mas nauna pa kayong nagkabati nyang 'hallow bolcks' na yan.", naisip pa rin ni Jhake. (hallow blocks--->bricks--->BriX)
Kulbit.
Kulbit.
Kulbit.
Hindi sya tinitigilan ni Nadine.
"Pabayaan mo na Dindin. Ayaw ata makipagbati.", sabi ni BriX na ipinarinig pa talaga kay Jhake ang sinabi dahil medyo lumakas ang volume ng boses nya.
Tagumpay naman sya at narinig talaga ito ni Jhake.
"Hay! Sige na. Sige na. Okay na ko. Sorry!", sarcastic na sabi ni Jhake habang nakatingin kay BriX at tinanggal ang earphones sa tenga.
"Bati na tayo?", sabi ni Nadine na medyo nagpasweet voice.
Nagnod si Jhake sa kanya tapos medyo ginulo ng konti ang buhok ni Nadine.
BINABASA MO ANG
My Nerdy Girlfriend
Teen FictionNadine Rivera is transferee at St. John Academy and she's somewhat nerdy. She fell in love with his classmate Jhake Angelo Yamamoto who doesn't seem to like her. This makes her heart break and she decided to transform herself for Jhake. But there ar...