March 16, recognition/graduation day...
Dasal. Speech. Awarding.
Isa-isa tinawag ng MC ang mga honors from 1st year to 3rd year. Syempre, hindi kasama ang 4th year kasi mamaya pang hapon ang graduation nila.
Sa 3rd year, tulad ng dapat asahan, honor student si Nadine.
1st Honor: Hiedee Delgado
2nd Honor: Sophia Angela Buenavista
3rd Honor: Nadine Rivera
After ng awarding, may konti pang program.
Nagpaalam si Sophia sa parents nya na may bibilhin lang sya sa labas. By the way, alam na ng parents nya ang tungkol sa break-up nila ni Jhake.
Nakita sya ni Nadine na papalabas kaya sinundan nya ito para makapagsorry na din. Nagpaalam din sya sa parents nya.
"Sophia!", Nadine called her.
Pero sa halip na intayin ay tinakbuhan lang sya ni Sophia.
Habang papatawid si Sophia, di nya napansin ang mabilis na sasakyang papalapit.
Sa isang iglap...
"Sophiaaaaaaaaaaaaaaa!!!", sigaw ni Nadine.
After that, nagkagulo na ang mga tao.
Maririnig ang tunog ng ambulansya.
After a few minutes, nasa ospital na ang parents nina Sophia at NAdine. Nandun din sina Raz at Jhake pati yung ibang kaklase nila.
"Kasalanan ko to!", sabi ng isang babaeng humahagulgol ng iyak.
"Wala kang kasalanan. Aksidente ang nangyari.", sabi ni Raz tapos hinawakan sya sa left shoulder nya.
Umiiyak pa din sya.
Habang nakatayo si Jhake ay niyakap naman nya ito sa pagkakaupo nito. Ayaw pa din nyang tumigil sa pag-iyak.
"Sorry! Sorry!", sabi nya.
"Wala kang kasalanan. Aksidente ang nangyari Sophia. Hindi ka naman namin sinisisi. Basta ipagdasal na lang natin na maging okay na si Nadine.", sabi ng mommy ni Nadine.
Tapos tumahan na si Sophia pero sumisinok sinok pa din.
FLASHBACK:
"Sophia!", Nadine called her.
Pero sa halip na intayin ay tinakbuhan lang sya ni Sophia.
Habang papatawid si Sophia, di nya napansin ang mabilis na sasakyang papalapit.
Sa isang iglap...
"Sophiaaaaaaaaaaaaaaa!!!", sigaw ni Nadine.
Tumakbo si Nadine papalapit sa kanya. Itinulak sya nito.
Napapunta si Sophia sa tabi ng kalsada. Medyo may scratch sya sa braso dahil sa nangyari.
Si Nadine naman, nabundol / nabangga ng kotse. Iniligtas nya si Sophia kaya sya ang nabangga at hindi ito. Sobrang bilis ng mga pangyayari...
After that, nagkagulo na ang mga tao.
B2R:
Lumabas na ang doktor mula sa operating room.
Tumayo agad ang parents ni Nadine. Sinalubong nila ang doktor. Sumunod na din ang iba pa nilang kasama sa ospital.
"Doc, ano pong lagay ng anak ko? Okay na naman po sya di ba?", tanong ni Mr. Rivera na halatang nag-aalala.
BINABASA MO ANG
My Nerdy Girlfriend
Teen FictionNadine Rivera is transferee at St. John Academy and she's somewhat nerdy. She fell in love with his classmate Jhake Angelo Yamamoto who doesn't seem to like her. This makes her heart break and she decided to transform herself for Jhake. But there ar...