Pagpasok sa classroom, nadatnan na nina Kristoffer at Nadine na nakaupo sina Razzel at ang iba pa nilang close friends tulad nina Jhake at Sophia.
"Good morning! Bakit sabay ata kayong 2?", tanong ni Raz.
"Ah, wala... Nakasabay ko kasi itong si Kris sa paglalakad sa corridor tapos nagkwentuhan pa kame kaya inabot tuloy kami ng bell.", sagot ni Nadine.
"Ah...", sabi lang ni Raz.
Nakatingin lang naman mula sa likuran sina Jhake at Sophia.
"Sige Nadine... Uupo na ko sa seat ko.", pagpapaalam ni Kristoffer.
"Sige!", sabi ni Nadine.
2 mins later, dumating na din si Kylie.
"Good morning Kylie!" bati ni Razzel.
Palabati talaga itong si Razzel, kaya nga medyo marami na din itong friends.
"Ah, good morning din!", bati naman ni Kylie.
Mabait naman talaga si Kylie kaso may pagka-mysterious din ang dating. Close na close sila ni Kristoffer dati pero walang nakakaalam kung bakit bigla na lang silang hindi nagpapansinan.
3 mins later, dumating na si Ms. Dela Vega at nag-umpisa na ang klase.
Di tulad kahapon, hindi masyadong boring ang topic ngayon kaya ganado ang lahat na sumagot sa mga tanong.
DISCUSSION...
DISCUSSION...
DISCUSSION...
END OF DISCUSSION...
After ng discussion, may mahalagang announcement si Ms. Dela Vega.
"Today is March 6, _____. 10 days from now, gaganapin na ang recognition day. After that, graduation na ng mga 4th year students sa hapon. Next week, gaganapin na ang final exam nyo... Siguro by wednesday, computed na ang grades nyo at pwede nyo na ibigay sa parents nyo ang report cards nyo.", sabi ni Ms. Dela Vega.
Kabado naman ang lahat.
"Gosh!!! Sana makapasa ako!!!", sabi ni Razzel.
"Kaya natin yan! Basta, mag-aral lang tayo.", sabi ni Nadine kay Razzel.
Habang nagbubulungan ang dalawa, kasabay naman na nagpapaliwanag si Ms. Dela Vega.
"Ehem... Baka mas mahalaga pa yang sinasabi nyong dalawa dyan... Baka gusto nyong ishare samen?", sabi ni Ms. Dela Vega.
Napatigil tuloy sila sa pagchichikahan.
"Sorry po!", sabi nila.
After several mins, dinismiss na din ang klase.
"Ah, maaga po ata tayo ngayon?", tanong ni Razzel.
"Ah... Hindi kasi nakikinig... May meeting daw ngayon ang faculty members para sa graduation!!!", sabi ng kaklase nilang si Hiedi.
"Ganun? Sorry ha!', sabi ni Razzel na medyo naiinis.
"Raz... Okay lang yun, at least maaga tayo ngayon di ba?", sabi ni Nadine.
"Yeah right!", sabi ni Razzel.
Nag-uwian na nga ang mga estudyante.
Nag-offer si Kris na maghatid kay Nadine pero tumanggi ito. Magbabike na lang daw sya pauwi.
Pagkaalis na pagkaalis ni Kristoffer, nagpaalam na din si Razzel sa kanya.
"Bye Nadz! Are you sure na di ka sasabay?", tanong nito.
BINABASA MO ANG
My Nerdy Girlfriend
Novela JuvenilNadine Rivera is transferee at St. John Academy and she's somewhat nerdy. She fell in love with his classmate Jhake Angelo Yamamoto who doesn't seem to like her. This makes her heart break and she decided to transform herself for Jhake. But there ar...