Friend Zone?!

211 4 0
                                    

Pagdating sa bahay, agad na nagbihis si Nadine at itinuloy ang pagbabasa ng novel na hiniram nya sa library.

Serius na serius sya... Gusto nyang malaman kung sino ang nakatuluyan ng bidang lalaki sa bandang huli.

Ilang oras pa at gabi na. Tinawag na sya ng mommy nya para magdinner. Sabay-sabay silang nagdinner ng kanyang mommy at daddy dahil medyo maaga nakauwi ang daddy nya galing sa trabaho.

"Ang sarap talaga ng luto mo, hon!", sabi ng daddy nya na ganadong-ganado sa pagkain.

'Syempre naman. Niluto ko yata lahat ng paborito mo ngayon!!!", sagot naman ng mommy nya na medyo confident din sa sarap ng luto nya.

Hindi naman nagsasalita si Nadine. Nagmamadali nyang tinapos ang pagkain at saka tumayo upang bumalik sa kwarto.

"Tapos na po ako... Salamat po sa pagkain.", sabi ni Nadine na tumalikod agad.

Pagkaalis nya, nagkatinginan naman ang mag-asawa.

"Anong problema nun? Parang ang bilis naman ata nya natapos kumain.", sabi ng daddy nya.

"Hindi ko din alam e. Mukhang busy. Kanina pa yan nagkukulong sa kwarto nya, may binabasa atang libro para sa book report nila sa school.", sagot ng mommy nya.

"Ganun? Okay lang yun basta tungkol sa studies nya. Naku, wag na wag ko lang malalamang nagboboyfriend na yang anak nating yan ha!", dagdag pa ng daddy nya.

Napailing naman ang mommy nya na nagtuloy na sa pagkain.

Samantala, sa loob ng kwarto nya ay seryosong nagbabasa si Nadine. Mabuti na lang at wala silang masyadong maraming assignment ngayon kaya naituloy nya ang pagbabasa para sa book report na malapit na ang deadline.

Habang nagbabasa, parang nakakarelate sya sa mga pangyayari dito.

--->

Arranged marriage ang mangyayari kina Avril at Joseph bagamat hindi talaga si Avril ang mahal nya.

Si Kylie naman na best friend ni Avril ay mahirap lang kaya't hindi sya nagustuhan ng parents ni Joseph. 

Upang mailayo sa kanya ang anak, ipapakasal nila si Joseph sa kaisa-isang anak ng may ari ng Lim Group of Companies, Inc.

Bagamat masakit, hindi naman kayang kumontra ni Kylie dahil best friend nya si Avril at natatakot sya sa maaaring gawin ng pamilya ni Joseph sa pamilya nya.

Sa araw ng kasal, kusa ding umayaw si Avril dahil alam nyang hindi sya ang mahal ni Joseph.

Samantala, patakbong umalis si Joseph sa simbahan upang habulin ang papaalis na eroplano kung saan sakay si Kylie upang magtrabaho sa abroad.

Pagdating sa airport, hindi na nya ito naabutan.

Noong inakala nyang wala na syang pag-asa, aalis na sana sya pero may biglang sumigaw ng pangalan nya.

In the end, nagkatuluyan pa rin ang dalawa dahil hindi pala tumuloy si Kylie sa abroad.

Nagpatuloy sya ng pag-aaral, naging lawyer at nagustuhan din sya ng parents ni Joseph kaya't pumayag na ang mga ito na magpakasal ang dalawa.

Samantala, si Avril naman ay nahanap ang tunay nyang pag-ibig sa katauhan ni Von, isang doktor na minsan na din niyang nakabanggaan noon ngunit hindi nya napansin dahil si Joseph ang pinagtutuunan nya ng pansin.

Sa bandang huli, happy ending pa rin ang nangyari.

--->

"Kung marerealize lang sana ni Sophia na ako ang mahal ni Jhake... Kung marunong lang sana syang magparaya tulad ni Avril...", naisip na lang ni Nadine.

"Teka! Ano ba 'tong naiisip ko?", sabi ni Nadine sa sarili na nagbablush ang pisngi.

Itinago na nya ang libro at nagbukas ng computer upang simulan ang book report nya.

Ilang oras pa ang lumipas, medyo madami na din ang nagagawa nya pero hindi pa sya tapos. Mukhang kelangan na nyang ipagpabukas ang paggagawa nito.

Nagpahinga muna sya saglit pero hindi muna nya pinatay ang computer.

Naisipan nyang magfacebook dahil hindi pa sya inaantok.

Pagkalog-in nya, bumungad agad ang post ni Jhake Angelo Yamamoto...

"I think it's over... Sana mali ako!"

Alam nyang sya ang pinatatamaan ni Jhake sa post nyang ito. napaluha tuloy siya habang nakatitig sa profile pic ni Jhake.

Nagpost din sya para masabi ang nararamdaman nya bagamat hindi nya binanggit ang tungkol sa usapan nila ni Sophia.

"It's better if we just stay like this. Loving each other from a distance, telling ourselves that it's fine as long as we don't hurt people around us. I love you, FRIEND!"

Yun lang ang inilagay nya sa post nya pero malaman.

Hindi nya napansin na online pala si Jhake. Ni-like nya ang post ni Nadine.

"It hurts!!! Dapat siguro di na lang ako nagpost ng ganito.", sabi nya sa sarili.

Maya-maya pa'y may nagchat sa kanya...

Si Jhake ito, di nya alam ang gagawin.

--->

CHAT CONVO:

Jhake: Gud eve!

Nadine: sori, an2k na q.

Jhake: ganun ba? pwede wag ka muna m2log?

Nadine: pero maaga pa q bukas.

Jhake: I LOVE YOU!

Nadine: Jhake,pls! Stop this nonsense!

Jhake: I Love You, FRIEND!

Nadine: ahhhhhhhh, haha :) cge, ma22log n q.

Jhake: Ganun? Gudnyt! Dream of me. <3

Nadine: cge

Jhake: cge?

Nadine: i mean, cge...ma22log n q.

Jhake: aaaaaaaaaah... :)

--->

After that conversation, naglog-out na si Nadine.

Hindi nya alam kung kikiligin ba sya o maiinis kay Jhake.

"Bakit sya pumayag na friends lang kami? Is he really giving up on me?", naisip ni Nadine.

After maglog-out, pinatay na nya ang computer at nahiga na sa kama nya para matulog.

"Maybe it's better like this. Bakit ko pa ba sya iniisip? Masmabuti na yung malinaw, hanggang friends lang kami... Para kay Sophia... at para sakin.", sabi nya.

Unti-unti nang pumikit ang mga mata nya at nakatulog na si Nadine.

My Nerdy GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon