Busy Days

161 3 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw...

Oct. 29, sa St. John Academy...

"Hay! Kapagod!", reklamo ni Sophia.

Sya kasi ang head ng design committee para sa gaganaping Holloween Party sa school nila on Oct. 31.

Madami syang gawain and at the same time, may klase pa rin sila kaya nahihirapan syang humanap ng oras para sa pagdedecorate ng gym.

Ginagawa nila ito after class kaya medyo ginagabi na sya ng uwi these past few days. Buti na lang at madami namang members ang committee nila.

"Ito na yung mga tali na gagamitin as spider webs. San ba to ilalagay?", tanong ni Kristoffer.

Kasama di sya sa design committee.

"Ah. Dun na lang.", turo ni Sophia sa isang table na malapit sa pinto.

Nagnod naman si Kristoffer bago ilapag ang box ng mga tali.

Puspusan sila sa gawain since kelangan na talagang madaliin.

"Ah...Pwedeng patulong dito? Di ko lang abot.", pakiusap ni Sophia sa isa nilang matangkad na kaklase.

Isasabit na kasi nila yung skeleton model sa gitna ng gym.

Inabot naman sa kanya ng kaklase nila yung skeleton model at umakyat sa isang silya para isabit ito.

Nagpatuloy lang sila sa ginagawa.

*****

"Nadz, sure ka ba dito? Siguraduhin mo lang masarap lulutuin natin ha. Pagod na ko." angal ni Raz habang nag-go-grocery.

Sila kasi ang napatapat sa food committee.

Bawat section ay may representative sa  bawat committee kaya naman lahat ay may kanya-kanyang duties and responsibilities.

Syempre, galing sa fourth year ang mga heads ng bawat committee.

"Wag ka na nga magreklamo dyan. Buti nga may katulong pa tayo e. Buti humiwalay sila para bumili ng ibang goods. Kapagod!", sabi ni Nadine habang itinutulak ang cart.

"Hay... Kumusta na kaya sina fafa BriX at fafa Jhake?", buntong hininga naman nitong si Raz.

"Okay lang yung mga yun. Wag kang mag-alala.", sabi lang ni Nadine.

*****

"Guys, tinawagan ko na yung para sa mga monoblock chairs na irerent natin. Malapit na daw sila. Standby lang kayo dyan ha.", sabi naman ni Kylie.

Siya ang head ng maintenance. Kasama nya dito sina BriX at Jhake saka ilang mga third year.

KRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!

Nagring ang phone ni Kylie.

"Hello? Ah...sige po. Punta na po kami. Salamat po.", sabi ni Kylie sa kausap.

"Guys, move na. Asa gate na daw sila.", utos ni Kylie.

"Yes, Mam!", nagsalute ang dalawa.

Napatawa tuloy sila pareho.

"O, guys, tara na daw. Buhatan time na to. Maganda sa muscles. Hahaha!", biro ni BriX habang niyayaya ang iba pang members.

Dumiretso na sila sa gate.

*****

2 days later...

"Good evening! Salamat sa effort ng lahat lalo na ng bawat committee. This evening, enjoyin naman natin ang ating pinaghirapan. Wag na nating patagalin pa. Let's start the party! Happy Holloween!", sabi ni Hiedee.

My Nerdy GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon