Habang nasa kotse, napansin ni Sophia ang bracelet ni Nadine.
"Ganda ng bracelet mo ah... San mo binili?", tanong nito.
Bigla tuloy napatingin si Nadine sa bracelet nya.
FLASHBACK:
"Natutuwa naman ako at natanggap mo pala yung regalo ko.", sabi ni Jhake habang nakatingin sa silver bracelet na suot ni Nadine.
"Ah...oo, natanggap ko before Christmas. Thank you ha pero kakahiya naman, wala akong gift sayo in exchange for this.", sabi ni Nadine na nakayuko lang.
Unti-unting lumapit si Jhake sa upuan nya at hinawakan ang kanyang kamay. Kabado si Nadine na parang nakukuryente sa hawak na iyon. Medyo namumula na rin siya at pinagpapawisan.
Bago pa madala ng mga pangyayari, tinanggal na ni Nadine sa pagkakahawak ang kamay nya.
"Ah... ano... kasi...", hindi nya alam ang sasabihin nya.
Natawa naman si Jhake at napasandal sa sofa.
"Wala ka pa ring pinagbago. Mahiyain ka pa rin.", sabi nito habang nakatingin kay Nadine. "Okay lang kahit wala kang gift, sagutin mo na lang kaya ako.", pabirong sabi nito.
Napatingin naman bigla si Nadine kay Jhake.
"Hahaha! Biro lang... Alam ko namang hindi ka pa handa. Basta Nadine handa akong maghintay kahit gaano pa yan katagal.", sabi ni Jhake na nakatingin sa mga mata ni Nadine.
"Ah...uhm!", napatango lang si Nadine.
B2R:
"Nadine, is there something wrong?", tanong ni Sophia (worried kunwari)
"Ha? Wala, wala naman... May naalala lang ako.", sagot nya.
"Ano naman yung naalala mo?" tanong ni Sophia.
"Wala naman... Hindi naman mahalaga.", sabi ni Nadine at napasandal sa upuan ng kotse ni Sophia.
Napansin ni Sophia ang pagbabago ng mood nito kaya lalo syang na-curius kung ano'ng meron sa bracelet na yun.
"So, san mo nga ulit yan nabili?", tanong muli ni Sophia.
Ngumiti lang sa kanya si Nadine (teary eyes).
"Ah... ano, bigay lang kasi 'to sakin kaya hindi ko din alam kung saan.", sagot nito.
Naisip ni Sophia na baka si Jhake ang may bigay nito kaya binalak nya itong kuhanin kay Nadine.
"Pwede bang sakin na lang yan? Gusto ko kasi talaga yung design nyan e. I'll pay you na lang...Please!", sabi ni Sophia.
Nagbago naman ng mukha si Nadine, parang ayaw ibigay/ ibenta ang bracelet.
"Mahalaga kasi saken to e. Sorry Sophia ha! Don't worry... ibibili na lang kita ng sayo.", sabi ni Nadine.
Hindi rin pala kasing uto-uto tulad ng iniisip nya itong si Nadine kaya nagbago ng strategy itong si Sophia.
"Ah, okay... I understand! Pero wag mo na lang ako ibili, i can buy my own.", sabi ni Sophia.
Nakahinga naman ng maluwag si Nadine nang di na ito magpumilit pang bilhin ang bracelet na bigay sa kanya ni Jhake.
"Nadz...", sabi ni Sophia.
"Baket?", tanong naman ni Nadine.
"Because you're one of my CLOSEST FRIENDS, gusto sana kitang iinvite sa bday ko.", sabi ni Sophia.
Medyo malapit na ang birthday ni Sophia pero di ito alam ni Nadine kasi nga ngayon lang naman sila nagiging close ni Sophia. Isa pa, transferee kasi sya.
"Ah...ano, kelan ba bday mo?", tanong ni Nadine.
"Sa Feb. 28 na. Medyo malapit na nga e. Plano namin nina mommy at daddy, sa resort na lang namin gaganapin yung para sa mga CLOSEST FRIENDS ko tapos yung para naman sa panglahatan (kasama lahat ng classmates nila), sa hotel na lang.", sabi nya na parang gusto lang magyabang.
"Ga-ganun ba? 2 pa pala'ng party para sa bday mo noh?", sabi ni Nadine.
"Oo e. Ang totoo, gusto ko lang naman ng simpleng party pero mapilit sina mommy at daddy. Anyways, basta punta ka ha...Ipapadala ko na lang ang invitation sa inyo ni Razzel.", sabi ni Sophia.
"Sige!", sabi naman ni Nadine.
Ilang sandali pa, nakarating na sila sa bahay ni Nadine. Pagkababa ni Nadine, niyaya nya munang pumasok si Sophia. Hindi kalakihan ang bahay nina Nadine kaya mukhang naninibago si Sophia.
"Pasok ka muna Sophia!", pagyayaya ni Nadine.
Dahil medyo magdidilim na din, hindi na bumaba si Sophia sa kotse. Binuksan na lang nya ang bintana nito at nagpaalam kay Nadine.
"Ah... Hindi na, salamat na lang Nadine. Medyo gumagabi na rin kasi e. Baka hanapin na 'ko sa bahay.", sabi nito.
Pumayag naman si Nadine at nagpaalam na dito.
"Ganun ba? Sige, ingat ka na lang pag-uwe. Salamat sa paghatid!", sabi ni Nadine.
Tumango lang si Sophia at ngumiti.
"Sophia!", sabi ni Nadine na may pahabol pang sasabihin kay Sophia na magsasara na sana ng bintana ng kotse.
"Ano yun?", tanong ni Sophia.
"Thank you ha for being friends with me!", sabi ni Nadine na hinawakan pa ang kamay ni Sophia.
"Wala yun, ano ka ba? Basta friends na tayo, maging mabait ka lang sakin...magiging mabait din ako sayo.", sabi ni Sophia na iba ang tinutukoy.
Tumango lang si Nadine.
After that, isinara na nya ang bintana ng kotse.
"Mang Anton, tayo na!", utos nito sa driver nya.
"Yes Mam!", tugon nito at agad na pinatakbo ang kotse.
Kumakaway naman si Nadine habang nakatingin sa papaalis na kotse.
Samantala, tuloy hanap agad si Sophia ng hand sanitizer nya.
"Kadiri talaga! So cheap!", naisip nya.
Napailing naman si Mang Anton dahil sa ipinakitang ugali ng anak ng amo nya...
"Hay naku! Kelan kaya magbabago ang batang 'to?", naisip na lang niya.
BINABASA MO ANG
My Nerdy Girlfriend
Teen FictionNadine Rivera is transferee at St. John Academy and she's somewhat nerdy. She fell in love with his classmate Jhake Angelo Yamamoto who doesn't seem to like her. This makes her heart break and she decided to transform herself for Jhake. But there ar...