Secret Admirer's Identity REVEALED

362 10 1
                                    

Mabilis na lumipas ang araw...

Dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Syempre, pati na rin ni Nadine na kahit walang date ay nag-paganda pa rin para sa taong nagligtas ng buhay nya nung nakaraang araw.

Mamimeet na din nya ang Secret Admirer nya. Excited sya and at the same time, nervous.

Sabay sila pumunta ni Razzel sa party. Tutal wala naman kadate si Raz (syempre...bakla e, alangan naman mag-invite sya ng girl), si Nadine na lang muna ang kasama nya dahil wala din naman sinagot si Nadine sa lahat ng nag-invite sa kanya.

Sakay silang dalawa sa kotse ni Raz. Sinundo na siya nito dahil maaga pa din naman para pumunta sa Christmas Ball. Isa pa, ayaw nya dumating dun mag-isa.

Pagdating pa lang ng dalawa, agaw pansin na agad ang itsura ni Nadine na naka-hair-extension na medyo kulot ang dulo, naka-light make-up at syempre, walang salamin. Ayaw nyang magmukhang nerd sa harap ng buong St. John at sa harap na din ng lalaking hinihintay nya.

"Grabe pare...ganda talaga ni Nadine ano?! Ang laki na talaga ng pinagbago nya mula ng dumating sya dito sa school naten.", sabi ni Kristoffer sabay tap sa balikat ng katabing si Jhake.

"Ha?", napatingin ito sa katabi. "Ah, oo...", sabi nya sabay inom ng juice na hawak nya. Medyo namumula ito habang nakatingin kay Nadine na dumiretso naman para batiin ang teacher nila.

*****

"So... Kayo palang dalawa ang magkadate. Hahaha! Kawawa ka naman. Wala bang nag-invite sayo?", sumulpot na naman si Sophia para mang-asar.

"Girl, wag mo kong simulan ng away ha! Maganda ang mood ko ngayon...wag mong sirain. Para sabihin ko sayo, madami nag-invite kay Nadine pero may date na sya...", sabat naman ni Razzel.

"Hoy Razzel Martinez, hindi ikaw ang kausap ko ha. At saka kung may date sya, asan na?", tanong ni Sophia.

"Wala pa.", sabi ni Razzel sabay irap sa mataray na si Sophia.

"Hahaha! Wala pa? Ano ba namang sagot yan?! Ang sabihin mo, wala talaga!", sabi ni Sophia na nang-aasar na naman.

"Meron...", sabi ni Nadine sabay tingin kay Sophia. "Hindi ko pa alam kung sino...pero meron... Sabi nya ngayon sya magpapakilala."

 

"Hmp... bahala ka na nga dyan! Maghintay ka sa wala. I'm sure kung meron man talagang dadating, chaka ang face nun at nerd din. bagay kayo!", sabi ni Sophia saka bumalik sa mga friends nyang mayayaman.

*****

Maya-maya pa'y nagsimula na ang event. Prayers, speeches and then sayawan at kantahan.

Nakaupo lang si Nadine sa isang sulok at patuloy na naghihintay sa kanyang Secret Admirer.

My Nerdy GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon