Kinabukasan...
"Good morning Nadz!!!", bati ni Jhake na maaga pumasok sa school para makita sya.
Ngumiti lang si Nadine at saka umupo sa tabi ni Raz.
Samantala, kasunod naman nyang pumasok sa pintuan si Sophia na nakatingin lang kay Jhake. Halatang-halata na masama ang loob nito dahil hindi sya ang binati ni Jhake. Umupo na ito sa seat nya.
Pagkaupo ni Sophia, panay ang titig sa kanya ni Raz. Pagkatapos ay kinausap niya si Nadine.
"Nadz, tingnan mo yang Sophia na yan. Pagkatapos ng ginawa nya kahapon, pagkatapos nyang flatin yung gulong ng bike mo...", sabi ni Raz.
"Raz!!! Hindi naman tayo siguradong sya yung may gawa nun e.", sagot ni NAdine.
"Hay naku! Masyado ka kasing mabait e. Di ba, inggit sya sayo dahil ikaw ang type ni Jhake at hindi sya? Yun na yun. Pinapahirapan ka nya. Ginagantihan!", dagdag pa ni Raz.
"Raz, oo alam kong galit sya sakin, pero...", hindi na naituloy pa ni Nadine.
"Pero masama mambintang, ganun?!", sabi ni RAz.
"OO", sabi ni Nadine.
"Ah, basta... I know she's the culprit... Tingnan mo, papatunayan ko sayo.", sabi ni Raz sabay tayo at lapit kay Sophia.
Hindi na sya napigilan pa ni Nadine. Maaga pa naman at may meeting pa ang mga teachers kaya wala pa silang klase. Naku, baka mag-eskandalo si RAz.
"Hoy Sophia!", galit na sabi ni Raz.
"Bakit? Anong kailangan mong bakla ka?!", sagot ni Sophia na galit din ang itsura habang nakaupo.
"Aba't talagang... Umamin ka nga, ikaw ang may gawa ng pagkaflat ng gulong ng bike ni Nadine kahapon ano?!", sabi ni Raz.
"Ano yun? Ano yun? Naflat ang gulong ni Nadine?", sumingit sa usapan si Jhake habang nakatingin kay Sophia na parang disappointed.
Napatayo na si Sophia sa upuan nya samantalang lumapit naman si Nadine at pinigilan si Razzel sa pag-eeskandalo. Nakatingin na lahat ng kaklase nila sa kanilang apat. Ang iba'y nagbubulungan pa.
"Raz, tama na...", sabi ni Nadine habang nakahawak sa braso ni nito.
"Nadz, wag mo nga akong pigilan. Papatunayan ko sayo na itong bruhang 'to at yung mga kasama nyang mangkukulam ang may gawa nun.", sagot ni Raz.
Naguguluhan naman si Jhake. Hindi nya alam kung sino ba kina Raz at Sophia ang nagsasabi ng totoo. Ilang sandali pa, humarap ito kay Sophia.
"Sophia, look... wala akong kinakampihan sa inyo. I just want to know the truth. Ikaw ba talaga ang may gawa nun?", tanong ni Jhake kay Sophia.
BINABASA MO ANG
My Nerdy Girlfriend
Teen FictionNadine Rivera is transferee at St. John Academy and she's somewhat nerdy. She fell in love with his classmate Jhake Angelo Yamamoto who doesn't seem to like her. This makes her heart break and she decided to transform herself for Jhake. But there ar...