---> Sa ospital kinabukasan...
Nakasalubong ng mommy ni Nadine sina Razzel, Sophia at Jhake sa entrance ng ospital. Bibili sana ito ng maiinom samantalang bibisitahin naman ng magkakaibigan si Nadine.
"Hi Tita!", bati ni Sophia habang nakahawak sa braso ni Jhake.
"Hi!", bati naman ng mommy ni Nadine na nakatitig sa kamay nya na parang nagtataka.
Sa pagkakaalam kasi ng mommy ni Nadine ay sa anak nya nanliligaw si Jhake.
"Ahmmm... Tita, sa'n po kayo pupunta? Kamusta na po si Nadine?", tanong naman ni Raz na bumasag sa katahimikan nilang apat.
"Ahhh... bibili ako ng maiinom. Okay na naman si Nadine. Andun sya sa kwarto, nagpapahinga.", sagot naman nito.
"Ganun po ba? Eh Tita, gusto nyo po samahan na namin kayo para sabay-sabay na lang tayo pumunta kay Nadine mamaya?", sabi ni Raz.
"Hindi na... Salamat na lang Raz. Tumuloy na lang kayo kay Nadine. Matutuwa yun pag nakita nya kayo.", sagot nito.
Hindi na naman sila nakatanggi pa. Dumiretso nga sila sa kwarto ni Nadine at nakita nila itong natutulog. Naupo muna sila sa isang tabi at nakipag-usap sa daddy ni Nadine na syang nagbabantay dito.
"Tito, sorry po ah... Nangyari po kasi ito sa party ko. Sorry po talaga!", pasweet na sabi ni Sophia.
Umiling lang ang daddy ni Nadine saka nagsalita...
"It's okay, hija. Wala ka namang kasalanan e. Sa totoo lang, natutuwa nga ako na meron na syang mga kaibigan ngayon sa St. John. Akala ko kasi ay magiging anti-social na lang itong anak ko forever.", sabi ng daddy ni Nadine.
"Ganun po ba? Salamat naman po at hindi nyo ako sinisisi...", sabi ni Sophia.
"Wala yun. Ligtas na naman ang anak ko e. Ang mahalaga, sa susunod ay mag-iingat na lang kayo lalo na pag ganyang mga okasyon.", sabi pa nito.
"Yes, Tito!", sagot ni Sophia.
Ilang minuto pa ang itinagal ng usapan nila. Gayunpaman, nakatitig lang si Jhake kay Nadine at hindi sumasali sa usapan. Halos maubos na ang kwentong baon nina Sophia at Raz pero di man lang ito nakikisali sa kanila. Samantala, hindi pa din bumabalik ang mommy ni Nadine.
"Ang tagal naman ni honey... Sandali lang at susundan ko na sya. Baka kung napaano na yun sa daan. Pwede bang samahan nyo muna si Nadine?", tanong ng daddy ni Nadine.
"Opo naman Tito! Bff naman kami e. Dont worry, kami po'ng bahala sa kanya. Sundan nyo na po si Tita.", sagot ni Raz.
Umalis nga ang daddy ni Nadine para sunduin ang asawa nito.
Pagkaalis nito, nagpaalam naman na mag-c-CR si Sophia. Naiwan naman nagbabantay sina Raz at Jhake.
Tahimik lang ang dalawa... Nakaupo sila sa isang tabi nang magpasyang tumayo si Jhake. Nakatingin lang sa kanya si Raz.
Lumapit si Jhake sa kama ni Nadine. Hinawakan nya ang kamay nito at saka hinalikan (ang kamay).
Nagulat si Raz sa ginawa ni Jhake kaya tumayo din ito at lumapit sa kanya.
Raz tapped Jhake's shoulder na para bang naiintindihan nya ang feelings nito.
"You still like her right?", sabi ni Raz.
Napaluha naman si Jhake habang nakatalikod kay Raz.
"Jhake, bakit mo ba talaga niligawan si Sophia? Alam naman nating dalawa na si Nadine ang mahal mo at hindi sya di ba?! Sabihin mo nga saken... Bakit?!", mariing sabi ni Razzel.
BINABASA MO ANG
My Nerdy Girlfriend
Teen FictionNadine Rivera is transferee at St. John Academy and she's somewhat nerdy. She fell in love with his classmate Jhake Angelo Yamamoto who doesn't seem to like her. This makes her heart break and she decided to transform herself for Jhake. But there ar...