---> Feb. 28, sa resort ng Family Friend ng mga Buenavista...
"Salamat sa pagdalo nyo sa birthday ko ha! Salamat di sa gifts!", sabi ni Sophia kina Nadine at Raz na nag-abot sa kanya ng kani-kanilang gifts.
"You're welcome!", sabi ng dalawa.
"Ah, please help yourself... May pupuntahan lang ako. Sya nga pala, may iaannounce ako mamaya ha kaya wag muna kayong aalis...", sabi ni Sophia.
"Ah sige... Dito na muna kami ni Raz.", sabi ni Nadine na kumuha ng isang basong juice at naupo sa upuan ng mga special guests.
Umalis nga si Sophia at lumapit kay Jhake na nakikipag-usap sa mga kaibigan nilang boys.
"Hi Jhake!", bati ni Sophia.
"Hi...", sabi ni Jhake.
Nagpaalam naman sa kanila si Kristoffer.
"Ah sige pare... maiwan ko muna kayo.", sabi ni Kristoffer.
"Sige.", sabi ni Jhake.
Samantala, umalis na nga si Kristoffer at lumapit kay Nadine. Si Sophia naman ay may ibinulong kay Jhake.
Pagkatapos nyang bumulong dito, nagpaalam na siya para mag-entertain ng ibang bisita.
"Salamat ulit dito ha... Basta wag kang aalis, may iaannounce akong super important mamaya. I'm sure matutuwa ka.", sabi ni Sophia na kinidatan pa si Jhake.
Tumango lang naman si Jhake sa kanya.
Pagkatalikod ni Sophia, lumingon-lingon agad si Jhake at hinanap si Nadine. Gayunpaman, napayuko na lang sya ng makitang nagkakasiyahan sila nina Raz at Kristoffer.
After several hours, nagsimula na ang program para sa b-day ni Sophia. May sayawan, kainan, kantahan at iba pa. Syempre, may speech din si Sophia.
"Good evening everyone! Thank you for coming to my party! Ahmmm... Nasabi ko na din po ito sa parents ko at pumayag naman po sila na iannounce ko ito. Mukha ngang di lang ako ang nakuha nya ang loob. Parang pati parents ko din ata...", sabi ni Sophia.
Naintriga naman ang mga nakikinig sa kanya.
"Ano kayang ibig sabihin ni Sophia?", tanong ni Raz kay Nadine.
"Ewan...", sagot naman ni Nadine.
"Baka may bagong business partner ang mga Buenavista?!", sabi naman ni Kristoffer.
"Siguro...", sabi naman ni Raz.
Napansin naman ni Raz ang pamumutla ni Nadine.
"Nadz, are you okay? Medyo namumutla ka ata...", sabi ni Raz.
Hinawakan naman ni Kristoffer ang noo nya.
"Wala ka namang lagnat...", sabi nito.
Umiling lang si Nadine.
"Ewan ko ba... PArang kinabahan ako bigla... Pero don't worry, ayos lang ako.", sagot ni Nadine.
"Are you sure?", tanong ni Kristoffer.
"Ah, oo.", sagot ni nadine.
Naging medyo mahaba ang speech ni Sophia. Sa bandang huli, ang importanteng announcement nya ay gumulat sa lahat... lalo na kay Nadine.
"Everyone, please meet my BOYFRIEND, Mr. Jhake Angelo Yamamoto!", sabi ni Sophia.
Palakpakan ang lahat... Hindi naman maintindihan ni Jhake ang gagawin. Wala ito sa mga plano nya, hindi nya akalaing ipapakilala sya ni Sophia sa lahat.
Upang di naman mapahiya si Sophia, umakyat sya sa stage, tinabihan si Sophia at hinawakan ang kamay nito.
Palakpakan muli ang lahat... Samantalang nakatulala lang si Nadine sa kawalan... Matagal bago nya nabawi ang ulirat.
Nang marealize nya na totoong-totoo ang lahat ng pangyayari, tumayo sya at patakbong umalis sa kinauupuan nya.
Sinundan naman sya ni Kristoffer at ni Razzel. Kita sila ni Jhake pero hindi nya sila magawang sundan lalo't ayaw nyang mapahiya si Sophia sa mismong kaarawan nito.
Sa katatakbo ni Nadine, natakid sya sa batuhan at napahampas ang ulo nito sa isang malaking bato.
"Naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaadine!!!", sigaw nina Kristoffer at Razzel.
Nang marinig ni Jhake ang sigaw ni Raz, naramdaman nyang nasa panganib si Nadine.
Hindi na nya naisip ang mga maaaring mangyari. Binitawan nya ang kamay ni Sophia at patakbong bumaba ng stage para puntahan si Nadine.
Naabutan naman nyang buhat-buhat ito ni Kristoffer kaya wala na syang nagawa kundi ang pagmasdan silang sumakay ng ambulansya patungo sa pinakamalapit na ospital.
Samantala, sumunod naman sa kanya si Sophia.
Hinawakan ulit nito ang kamay nya at habang nakatitig sa kanya ay nagsalita...
"Don't worry about her. She'll be fine!", sabi ni Sophia na may bahid ng pagseselos sa mukha.
Napahiya naman si Jhake sa mga ikinilos nya kanina kaya't nag-isip na lang sya ng palusot.
Bagamat nag-aalala pa rin sya kay Nadine, kailangan nyang harapin si Sophia.
"No... I'm not worried about her. I'm actually worried about you.", sagot ni Jhake.
"Me?! Why me?", tanong ni Sophia.
"Kasi nangyari lahat ng 'to sa party mo, I'm worried about you and your family's reputation...", sabi ni Jhake.
Napangiti naman si Sophia.
Samantala, narinig naman ng Daddy at Mommy ni Sophia ang mga sinabi ni Jhake dahil hindi nya namalayan ang paglapit ng mga ito sa kanila.
Sophia's dad tapped his shoulders.
"Hindi nga nagkamali ang anak ko sayo. As what I've expected from my daughter's boyfriend.", sabi nito sabay abot ng kamay para makipagshakehands.
"Thank you sir!", sabi ni Jhake at nakipag-shakehands nga sa daddy ni Sophia.
"So, shall we continue the party? Sayang naman ang handa kung hindi mauubos...", sabi ng mommy ni Sophia.
"Yeah... Sure... Let's go babe!", sabi ni Sophia at saka pumulupot sa braso ni Jhake.
Wala ng nagawa si Jhake kundi ang sumunod sa kanila kahit sa loob-loob nya'y hinihiling nyang sana hindi na lang nya ginawa ang lahat ng 'to.
Ngayon, wala na syang magagawa kundi ang panindigan ang nagawa nyang desisyon... kahit pa ang kapalit nito'y ang lalong paglayo ng loob sa kanya ng babaeng totoo nyang mahal.
BINABASA MO ANG
My Nerdy Girlfriend
Teen FictionNadine Rivera is transferee at St. John Academy and she's somewhat nerdy. She fell in love with his classmate Jhake Angelo Yamamoto who doesn't seem to like her. This makes her heart break and she decided to transform herself for Jhake. But there ar...