Painful Decision

233 4 0
                                    

1 week later...

"Nadine, pwede ba tayo mag-usap?", tanong ni Jhake kay Nadine na nakita nyang papasok sa library para magresearch ng report nya.

Hindi alam ni Nadine ang gagawin. Gustung-gusto nya itong kausapin pero alam nyang hindi pwede. Okay na sila ni Sophia at ayaw nyang magkagalit na naman sila.

"Ah, ano... kasi, pasensya na Jhake! Busy kasi ako e. Hinihintay na ako ni Raz sa loob (ng library).", tugon nya.

Patalikod na sana sya para umalis kaso napigilan sya nito.

"Please! kahit 5 minutes lang... Nadine,please!", pagmamakaawa ni Jhake.

Humarap muli si Nadine.

"Ano ba'ng kelangan nating pag-usapan? Pakibilisan lang at nagmamadali ako.", pagmamasungit ni Nadine habang nakatingin sa wrist-watch nya.

"May---may problema ba tayo?", tanong ni Jhake.

Napayuko si Nadine bago nagsalita.

"Ano bang sinasabi mo? Anong problema?", tanong nya.

"E kasi, napapansin ko lang na lagi kang umiiwas saken. Isa pa, parang nagiging masungit ka na ata.", sagot ni Jhake.

"Umiiwas? Masungit? Ano bang sinasabi mo? Okay lang naman tayo di ba?", tanong nya.

"Okay ba talaga? Para kasing iba yung nararamdaman ko e.", sabi ni Jhake.

Alam naman ni Nadine ang sinasabi nito pero wala syang magawa. Hindi sya pwedeng umamin sa kanya.

"Jhake, look... I'm busy at wala akong panahon para sa mga ganitong bagay. I'm sorry kung pakiramdam mo binabalewala lang kita. Ang mabuti pa siguro, ituon mo na lang sa iba yang pagtingin mo para saken kasi hindi ko kayang suklian yan. Masyado akong maraming gawain para isipin pa  yang pag-ibig na yan. Si Sophia, bakit di na lang sya ang pagtuonan mo ng pansin? Di ba matagal ka na nyang gusto?", sabi ni Nadine.

Gulat na gulat si Jhake. Hindi nya akalaing masasabi ito ni Nadine sa kanya.

"No! Alam kong gusto mo rin ako. Ano ba talagang pumipigil sayo? Si Sophia ba? Napansin ko kasi, mula nang lumabas kayo ng CR last week, nagbago ka na saken e. May sinabi ba sya sayo upang layuan mo ko?", tanong ni Jhake.

Tiningnan sya ni Nadine ng mata sa mata.

"Wag mong idamay si sophia sa usapan , Jhake. Wala syang kinalaman dito. Masyado lang talaga akong busy, wala na kong time sayo.", sabi nya.

Napayuko si Jhake. Saka tumunghay at ngumiti sa kanya (halatang malungkot ang mga mata).

"Ganun ba? Sorry ha! Sorry kung nakakagulo ako sayo. Akala ko kasi okay tayo e. Wag kang mag-alala, hindi na kita kukulitin. I'm sorry!", sabi nito sabay talikod.

"I'm sorry din!", sabi ni Nadine na tumalikod na din.

Akmang papasok na si Nadine nang muling nagsalita si Jhake. Napahinto tuloy sya sa pagpasok sa library.

"Nadine! Wag mo sanang pagsisihan ang desisyon mo na 'to.", sabi ni Jhake.

Hindi naman nagsalita pa si Nadine. Dumiretso na ito sa loob na nagpapahid ng tumulo nyang luha.

Pagdating sa loob ng library, nakita nya agad si Razzel na nakaup at nagbabasa.

Nilapitan nya ito. Pagkababa nya ng bag nya, naupo sya sa tabi nito at naub-ob sa table.

"What's the problem?", tanong ni Razzel.

Tumunghay sya at tumingin kay Raz ng maluha-luha ang mga mata.

"Ui, anong problema? Why are you crying? Tell me.", sabi ni Raz.

Niyakap nya ito at saka nagsalita.

"Raz, ang sakit lang kasi e. Alam mo, sabi sakin ni Jhake... lalayuan na daw nya ko. It's over between us!", sabi nya.

"Ha?! Ano bang nangyari?", tanong ni Razzel na hindi makapaniwala.

Pinagtitinginan na sila ng tao sa library kaya't nagyaya siyang sa labas na lang mag-usap.

Pagkalabas nila, humagulhol na ito ng iyak.

"Ui, ano ba talagang nangyare? Maybe you'll feel better kung mailalabas mo yang sama ng loob mo.", sabi ni Raz.

"Sabi ko kasi, I have no time for him na e. I was so busy, I couldn't find time para makasama sya or even makausap man lang.", sabi nya.

Napailing si Razzel.

"Nadz, look... Hindi naman sa kinakampihan ko si Jhake noh pero... Para kasing may pagkakamali ka din naman e. Bakit nga ba nagpapakabusy ka na, ni hindi mo na nga sya pinapansin e.", sabi ni Raz.

"Raz...", sabi ni Nadine.

"What? Tell me!" sabi ni Raz.

"Raz, wala 'to.", sabi ni Nadine. 

Naisip nya na di nya pwedeng sabihin ang lahat kahit na kay Razzel pa. Hindi nya pwedeng ipahamak si Sophia.

"Anong wala?! Sabihin mo na sakin... May problema, alam ko...", sabi ni Raz na pinipilit talaga sya.

Umiling si Nadine. Hindi nya talaga pwedeng sabihin

Samantala, sa di kalayuan ay nakita sila ni Sophia. Natakot itong umamin si Nadine kay RAzzel kaya lumapit ito at binati ang dalawa.

"Friends!!! Nakapagresearch na kayo?", tanong niya. 

Nakita niyang mapula ang mata ni Nadine, parang umiyak. Yun nga lang, di na nya ito pinasin at nagpatuloy sa pag-arte na parang inosente.

"So, nakapagresearch na ba kayo?', tanong ulit nya.

"Ah, hindi pa nga e. Tara!", pagyayaya ni Nadine.

Hindi na nakaimik pa si Razzel. Basta, ramdam nyang may SOMETHING...

"Sige, tara na!", sabi ni Sophia na humawak pa sa braso ng dalawa papunta sa loob ng library.

"Para talagang may SOMETHING...", naisip na lang ni Raz habang papaupo na silang tatlo.

My Nerdy GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon