Nilubos-lubos na ng mag-ina ang bonding. Shopping dito, shopping doon. After magshopping, nagpunta naman sila sa parlor at nagpamake-over. Todo bonding sila buong weekends.
*****
Monday...
"Miss, bago ka ba dito?", tanong ni Raz sa babaeng nakaupo sa seat nya.
Lumingon ang babae at ngumiti sa kanya.
"Nadz, is that you?! Grabe ang ganda mo girl... The hair, parang CHANTAL GONZALES lang ah... Teka, gray ang mata? Contact lens ba yan?! At nakamake-up pa ng konti? Bongga!", gulat na gulat na sabi ni Razzel.
"Raz, dito na muna ko mauupo sa tabi mo ha... Siguro naman papayag si Kristoffer, alam naman nya na bff tayo e.", sabi ni Nadine.
"Ha? Bakit, Bakit ano yun?!", sabi ni Raz sa tonong VICE GANDA lang naman.
Natawa naman si Nadine...
"Wala lang... ayaw mo ba akong ,makatabi?", tanong nito.
"Sira! Syempre gusto noh... Sige, magpaalam ka na lang kay Miss Dela Vega.", sabi ni Razzel.
Pagdating na pagdating ni Miss Dela Vega, nagpaalam nga si Nadine at agad naman siya nitong pinayagan. Pumayag din naman si Kristoffer na tila nalove at first sight sa bagong Nadine.
Samantala, parang POKER FACE lang si Jhake. No reaction... :(
Nagsimula na ang klase. Pakitang gilas agad si Nadine. Inis na inis naman si Sophia sa kanya.
"Echuserang palaka... Mas maganda pa rin ako sayo.", bulong nito.
After 4 subjects, recess time na.
As usual, magkasama na naman kumain sina Nadine at Razzel.
Habang naglalakad papuntang canteen, tingin lahat ng lalaking makasalubong nila sa napakagandang si Nadine.
"Taray! ganda mo girl... Ikaw na, ikaw na talaga!", sabi ni razzel.
"Ano ka ba naman Raz, wala naman akong pakialam sa iba e. Alam mo naman na isa lang ang gusto kong makapansin saken e... Gusto ko lang naman na mapansin nya ang pagbabagong ginawa ko para sa kanya.", sabi ni Nadine sa kaibigan.
"Alam ko... Si Jhake di ba? E bakit dun ka umupo sa tabi ko? Pano ka mapapansin kung malayo ka naman?", sagot no Razzel.
Napayuko si Nadine...
"Ewan ko ba Raz, ewan ko ba... ", sabi lang nito.
Pagkarating nila sa canteen, kumain na silang dalawa. Ganun pa rin ang sitwasyon, nakatingin pa rin sa kanila ang mga boys, kahit nga yung may mga girlfriends na kasama ay naeenchant talaga sa beauty ni Nadine.
After several minutes, natapos na din kumain ang dalawa. Umalis na sila sa canteen at nagpunta na sa room nila.
Wala pang masyadong tao that time kaya panay na panay ang kwentuhan ng 2.
Biglang lumapit si Sophia sa kanila, nangangamoy away na naman sa paligid.
"Hoy Nadine, wag mong isipin na porque nagbago ka ng itsura ay masmagiging sikat ka na kesa saken. Isa pa, wag mong asahang papansinin ka ni Jhake dahil akin lang sya!", sabi nito.
Napalingon naman si nadine dito. Parang galit ang itsura...
"Girl, wag mo ng pansinin yan. Inggit lang yan dahil mas maganda ka dyan.", saway ni Razzel sa nag-iinit na si Nadine.
"Okay lang Raz. Wala naman akong gagawing masama. Hindi naman ako eskandalosa e.", sagot ni Nadine.
"So, anong sinasabi mo?! eskandalosa ako ganon?!", sabi ni Sophia na mukhang galit na rin.
"Wala akong sinasabing ganun Sophia... Kung tinatamaan ka, wala na kong magagawa.", sagot ni Nadine.
Inis na inis na si Sophia... Bigla namang dumating si Jhake sa pintuan. Dahil nakatalikod si Nadine, hindi niya ito napansin. Nagpatuloy lang ito sa pagsasalita. Samantala, hindi naman agad pumasok si Jhake at nakinig muna ito sa usapan ng tatlo.
"Ano bang problema mo saken? Simula pa nung dumating ako dito lagi ng mainit ang ulo mo saken... Ilang buwan na tayong magkaklase, bakit ba galit na galit ka saken?", tanong ni Nadine kay Sophia.
"Kelangan pa bang itanong yan?! Una, sa dami ng upuan dito, sa tabi ka pa ni Jhake naupo, ilang buwan din yun. Ikalawa, kinuha mo ang role ko bilang bida sa role playing naten. Ikatlo, nagpapasikat ka palagi sa mga tao. Nakakainis ka talaga!!!", sagot ni Sophia.
"Yun lang ba? Yun lang ba ha?! Ang babaw ng dahilan mo... Dahil lang sa role playing, sa pagpansin ng tao sa akin? Yun lang?!", sabi ni Nadine na nagtaas ng boses kay Sophia.
"Girl, tama na... Magdadatingan na ang mga tao maya-maya lang... Tama na yan.", pag-awat ni Raz kay Nadine.
"Sandali lang to Raz. Kelangan lang nya maliwanagan.", sabi ni Nadine na agad namang ibinalik ang tingin kay Sophia.
"Sophia, kung ang ikinagagalit mo e ang atensyon ng tao, sige... sayung-sayo na yan... Hindi ko naman kelangan yan e. Pero yung kay Jhake... wag mong sasabihin na sayo sya kasi hindi naman kayo. Wala kang karapatan sa kanya kaya wag mong sasabihin na sayo lang siya. Kahit sino sa atin, hindi sya pagmamay-ari.", sabi ni Nadine na medyo matapang ang boses.
Napahiya naman si Sophia na agad tumalikod at nagsalita.
"Kung ganun, may the best girl win na lang...", hamon ni Sophia.
"Oo... may the best girl win Sophia. Gusto ko talaga si Jhake... Gustong- gusto ko sya at hindi ako susuko... Papatunayan kong may karapatan din ako na mahalin sya.", matapang na sabi ni Nadine.
Umalis na si Sophia sa pwesto ng dalawa. Nagbalik na ito sa upuan nya. Siya namang pasok ni Jhake na medyo nakayuko at napapangiti.
Dinig na dinig niya ang usapan ng 3. Pati na rin ang pag-amin ni Nadine. Hindi tuloy niya alam kung anung mararamdaman nya... Pag-agawan ba naman ng dalawang pinakasikat ng girls sa campus. <3 Jackpot lang... pero syempre, hindi muna siya papahalata. POKER FACE ulit.
Samantala, nagklase na ulit sila at after several hours, lunch na.
Ganado sa klase si Jhake, syempre, lalo naman si Nadine at Sophia na nagpapatalbugan talaga.
Hmmmmmmmmm...... Love triangle is in the air!!! :) <3 (: haha!!!
*****
AUTHOR'S NOTE:
Sorry for the late update... Please continue to follow the story... Thanks!!! (05/19/13)

BINABASA MO ANG
My Nerdy Girlfriend
Ficção AdolescenteNadine Rivera is transferee at St. John Academy and she's somewhat nerdy. She fell in love with his classmate Jhake Angelo Yamamoto who doesn't seem to like her. This makes her heart break and she decided to transform herself for Jhake. But there ar...