Past and Secrets...

223 4 0
                                    

3 days later...

Pumasok na si Nadine sa school nila. Maaga syang dumating pero mas maaga sa kanya si Jhake.

Naupo na sya sa upuan nya at di nya ito pinansin.

Naub-ob lang sya sa upuan nya at hindi nya namalayang tinabihan na sya nito.

"Kamusta ka na?", seryosong tanong ni Jhake.

Nagulat tuloy si Nadine dahil bigla na lang itong nagsalita sa tabi nya.

"OA ng reaction mo ah. Para kang nakarinig ng nagsasalitang multo.", pabirong sabi ni Jhake.

"Ah...eh... Hindi noh! Nagulat lang ako na katabi na pala kita. Okay na naman ako... Salamat sa concern mo.", sagot ni Nadine.

Napangiti si Jhake.

Nagblush naman si Nadine.

"Ano'ng nakakatawa?", tanong nya kay Jhake.

Tumitig naman sa kanya si Jhake.

"Sana lagi na lang ganito noh?!", sabi ni Jhake.

"Ha?", nagtatakang sambit ni Nadine.

"Sana lagi na lang ganito... Tayong dalawa lang tapos kinakausap mo ako... Masaya lang, nagbibiruan...nagkukwentuhan!", sabi ni Jhake.

Gulat na gulat naman si Nadine habang binawi ang tingin kay Jhake at tumingin na lang sa bintana.

"Si Sophia...", sabi ni Nadine.

"Ano'ng si Sophia?", tanong naman ni Jhake.

"Pa'no mo sya nagagawang lokohin?", tanong nya.

"Lokohin?", sabi ni Jhake.

"Sabi mo iiwasan mo na 'ko... Masasaktan sya sa ginagawa mo!", naluluhang sabi ni Nadine.

Hinawakan ni Jhake ang pisngi nya. Pinahid ang luha nya at saka nagsalita...

"Hindi ko sya niloloko... Kung may niloloko man ako dito, sarili ko yun at di sya...", sabi ni Jhake.

Napayuko naman si Nadine.

"Bumalik ka na...", sabi ni NAdine.

"Ha? Nadine... Anong ibig mong sabihin?", tanong ni Jhake.

"Jhake... salamat sa concern mo... Pwede ka nang bumalik sa seat mo... Bumalik ka na dun!", sabi ni Nadine at naub-ob na ulit.

"Sige... kung yan ang gusto mo...", sabi ni Jhake.

Naiyak naman si Nadine sa upuan nya.

Nang makaupo na si Jhake, saktong dating naman ni Sophia.

Dumiretso agad ito sa tabi ni Jhake.

"Good morning babe! Kadadating mo lang din?", tanong nito na parang nagsisigurado kung naglalapit na naman sila ni Nadine.

"Ah... Oo... Kanina lang ng konti ako dumating.", sagot nito.

"Ah ganun ba?", sabi ni Sophia.

Pagkaupo nito... tinawag agad nito si NAdine.

"Hey Nadz... How are you?", tanong nito.

Tumunghay naman si Nadine bago nagsalita.

"I'm okay Sophia... Salamat sa concern!", sagot nito na biglang napatingin naman kay Jhake na katabi lang ni Sophia.

My Nerdy GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon