PROLOGUE

736 7 6
                                        

PROLOGUE

Nagbabasa nang tahimik si Sherry sa kanyang mga notes dito sa isa sa mga library tables ng kanilang paaralan.

Maya maya pa ay biglang tinakpan ng dalawang malambot at mainit na palad ang kanyang paningin ng taong nasa kanyang likod.

Napabuntong-hininga ang dalagang may kaunting ngiti sa labi. "Mia. Alam kong ikaw 'yan."

"Uy, galing. Paano mo nahulaan?" ngiting yumakap ang babae mula sa likuran niya't nagtawanan sila.

Ang babaeng ito'y si Mia Gonzales. Matalik na kaibigan ni Sherry mula pagkabata at hindi sila kailanman mapaghiwalay hanggang sa nag-dalaga.

Mia sat acrossed Sherry. "Saan mo balak pumunta mamaya? Birthday ni Ivan mamayang gabi. Sama ka na lang sa 'kin, I'm sure you'll love it! Maraming pogi ro'n at talagang matitipuhan mo kahit sino sa kanila agad." kinikilig nitong sabi.

Sherry grimaced by the thought.

"Anong klaseng mukha na naman 'yan? 'Wag mong sabihing tatanggihan mo na naman ako." alam na alam ni Mia ang napaka-simpleng takbo ng utak ng kaibigan nya.

Parang telepathy lang. Kunting kibot, mababasa na nya agad ang gustong sabihin ng kaibigan kahit hindi pa man ito nakakapagsalita. Ito na ang epekto sa matagal nilang pagkakaibigan.

"Sorry talaga, Mia. Pero malapit na kasi ang mid-term exam natin. I need to focus kung ayaw kong bumagsak at malagot kay mama. Alam mo naman 'yon, namamalo kahit pasado naman ako. I really need to have the highest score possible o 'di naman kaya ay ipe-perfect ko na lang ang mga tests." aniya.

Walang nagawa si Mia at napabuntong-hininga na lang. "O sya sya. Buhay mo 'yan. Galing mo e. Top 1 ka palagi kaya go lang. Magpaka-stress ka sa buhay mo hangga't gusto mo."

Matamis na ngumiti si Sherry sa kanya. "Teka lang. Nag-text na ba sya sa 'yo?"

Tumitig si Mia sa kaibigan nang mariin. Napalunok si Sherry at binalik sa notes ang kanyang tingin. Nahiya yata sa kanyang tinanong sa kaibigan.

Mia pressed her lips and pulled her phone out of her knee up skirt. Tapped a little bit from its screen bago tinapat ito sa direksyon ng kaibigan. "Ayan. Nakita mo? Wala syang reply." ang excited na mukha ni Sherry ay napalitan ng lungkot dahil sa kanyang nakita at yumuko sa kanyang notes.

"Ano ka ba, Sherry. Hanggang kailan ka ba magkakaganyan? Two years ka nang hindi nire-reach out ni Din. Nag-break na kayo tapos eto ka. Nagpapaka-pagod kakahintay na bumalik 'yong taong naka-move on na sa 'yo ng napakatagal."

Lumingon si Sherry sa kaibigan. "I know he still loves me. Gusto nya lang akong mag-first move para balikan ko sya."

Hindi alam ni Mia ang gagawin sa kaibigan nyang ito. Parang gusto nya na lang itong sabunutan o 'di kaya'y ipakain na lang ng literal ang salitang 'Hindi ka na mahal ni Din!' para lang matauhan ito.

"That guy cheated on you. Pinagpalit ka lang naman sa mas mayamang girl pero hindi gano'n ka-ganda. I mean. Panget! Panget 'yong pinalit sa 'yo kaya pwede ba, Sherry? Stop ka na, okay? Give yourself a favor. Mag-move on ka na. Sumama sa akin at kumilala ng mas matinong lalaki na approved ng mama mo. Just like Ivan." Mia said.

Tiniklop ni Sherry ang notes. Binalik ito sa kanyang bag at matapos nitong maisara, sinablay nya 'yon sa balikat at tumayong nagtungo palabas. "May girlfriend na si Ivan. Baliw ka ba?"

Nakasunod sa kanya si Mia at sinamaan ng tingin ang kaibigan. "Sira. Sinabi ko bang si Ivan mismo ang jowain mo? I said just like Ivan."

Nang makalabas sila. Lumiko sa corridor at napapadaan sa iba pang mga estudyanteng paroon at parito.

Classmate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon