CHAPTER 7

213 5 0
                                    

CHAPTER 7

Malakas na tumikhim ang kanilang guro kaya't natahimik ang lahat. "Good morning class!" masiglang bati ng guro rito.

"Good morning, Sir Gale." tugon naman ng lahat.

Habang nagpapaliwanag ang guro, hindi talaga kayang alisin ni Noah ang titig sa dalagang ito. Palihim man 'yon subalit ramdam na ramdam din naman ito ni Sherry kaya't pilit man syang umiwas o makipagsiksikan sa mga babaeng kasama nya, para bang tumatagos pa rin ang titig ng binata at dahilan para mapanindigan ng balahibo ang dalaga dahil dito.

But when she decides to glanced back to this guy, hindi naman ito nakatingin sa kanya. Inaasar sya nito kaya't mas lalo pa itong naiinis.

Dahil kapag inaalis nya ang tingin sa binata. Doon na ulit bumabalik ang kakaibang pakiramdam na para bang may hayop na gusto syang lapain anumang sandali mula sa kahit anong direksyon at oras.

The first activity for them is ang mag-shoot ng bola mula sa free-throw line. Ang isa sa mga ring sa kabilang dako ng court is okupado ng mga lalaki sa kaparehong activity, samantalang sa kabila naman ang mga babae.

Tinawag ang kanilang guro para sa isang faculty meeting kaya't binilin ng guro ang secretary ng klase na bigyan ng scores ang nagpa-participate.

Nasa linya si Sherry habang isa-isa silang pinapalapit sa freethrow line kasunod ng kanyang kaibigang si Mia.

When Mia's turn. Buong lakas nyang inihagis ang bola to point a score pero ang nangyari'y dumiretso sa kanilang secretary ang lipad no'n kaya't nagtawanan sila.

"Naku naku! Sorry, Aileen. Ayos ka lang?" paulit-ulit na hingi nito ng paumanhin.

Nagkakatuwaan sila habang ang mga lalaki naman ay  gano'n din, ngunit nagpapasikatan lang kung sino ang makakaunang magkaka-three points sa kanila.

"O. Nasaan na pala si Noah?" tanong ng isang lalaki sa kanila. Napalibot na rin ang tingin ng iba subalit nakapagtatakang wala silang makitang Noah sa paligid.

Sa dako ng court ng mga babae.

"O si Sherry na ang sunod." naipasa ng isa sa kanila ang bola kay Sherry ngunit medyo malakas ito and dahil nabigla sya'y natamaan ang daliri nya. "Aray!"

Nabigla ang mga ito sa sigaw ng dalaga't namilipit sa sakit ng daliri.

"Ay OA."

"Ano ba 'yan. Di marunong sumalo."

Lumapit si Mia na nag-aalala sa kaibigan. "Ayos ka lang? Wag nyo kasing lakasan! Baka na-sprain 'yong daliri nya!" sita nito sa mga kaibigan.

"E di sorry. Malay ko bang baby fingers 'yan."

"Kailangan nating pumunta ng infirmary. Halika na." yaya ni Mia sa kaibigan subalit tumingin lang dito si Sherry.

"Ano ka ba. Ayos lang. Di naman masakit." pagdadahilan nito.

Pinisil ni Mia ang daliri nito. Napa-aray ulit si Sherry at umasim ang ekspresyon ng mukha. "Hindi masakit? Talaga? Kung putulin ko na lang kaya 'yan. Halika na." matigas na anyaya ni Mia rito. "Tingnan mo o. Namamaga. Hindi ko alam na napaka-maselan ng kamay mo."

"Kasalanan ko ba kung nagkamali ako sa pagsalo? Tsaka ang OA mo naman kung sa infirmary pa tayo. Kunting yelo lang 'to gagaling din." naglakad na sila paalis nang magsalita rin ang secretary nila.

"So paano na 'yan. Wala kang points dito dahil hindi ka nakapag-shoot."

Kinuha naman bigla ng isang lalaki 'yong bola at mula sa three-point line, pasimple nyang ibinato ang bola at pumasok ito sa ring ng walang kahirap-hirap.

Classmate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon