CHAPTER 12
Alas-dos ng hapon.
Nasa sariling kwarto lang nya itong si Sherry. Hindi sya pinapagalaw-galaw ng kanyang ina dahil nga kailangang fully-recovered ang mga daliri nito mula sa pagkaka-injured.
"Anak. May bisita ka." sigaw naman ng mama nya ang kaagad pumukaw sa dalaga kaya't mabilis itong napabangon din doon.
"Sino 'yan ma?" sigaw nito pabalik habang pumapanaog sa hagdan. Nang mahinto rin kalagitnaan nang mapansin ang kakapasok lang na si Mia.
Matagal silang nagkatinginan kaya't naging awkward saglit ang paligid. Biglang bumalik sa kanila 'yong naging eksena kahapon kaya't hindi maiwasan ni Sherry na kiligin muli sa kaloob-looban nya. Subalit ibang-iba ang sinasabi ng utak ngayon ni Mia.
"Kumain ka na ba, Mia?" tanong ng ina ni Sherry sa kaibigan.
Ngumiti si Mia rito. "Ah. Tapos na po ako. Kakausapin ko lang po anak nyo tungkol sa projects namin."
"Ah sige."
Inaya na ni Sherry ang kaibigan at nagmadali silang pumasok sa kwarto ng dalaga. When they got inside, napabuntong-hininga naman si Sherry na ni-lock ang kanyang pinto.
Itong si Mia naman ay naupo sa kama at gano'n din kalalim ang paghinga nito.
Lumingon sa kanya si Sherry. "May problema ba? Lalim ng hininga natin a."
Inangatan ni Mia ng tingin si Sherry nang seryoso. "Sherry. Pasensya ka na. Kasi... nilihim ko 'yon sa 'yo. Ayoko kasing—"
Ngumiti lang si Sherry dito. Hinawakan ang kamay ng kaibigan at niyakap. "Ayos lang, Mia. Gusto mo lang akong protektahan kaya mo 'yon ginawa at naiintindihan kita ro'n. And I'm thankful dahil ikaw ang naging kaibigan ko."
Mia exhaled. "But Sherry. You need to understand something."
Kumalas sa yakap si Sherry at nagwika. "There's no need to understand anything, Mia. Bumalik na sya sa 'kin at 'yon lang ang mahalaga ro'n, di ba? He still loves me so ano pa bang ibang bagay na kailangan kong maintindihan bukod do'n?"
Hinila ni Mia ang kaibigan at pinaupo ito sa tabi nya. Naiinis ang mukha ni Sherry. Kaya't niyakap sya ng kaibigan. "Babaero ang lalaking 'yon, Sherry."
"Lahat naman ng lalaki babaero. Pero iba sa Din sa 'kin." giit pa ng dalaga. "Mahal ko sya at mahal nya rin ako."
Napabuga ng hangin si Mia. "May girlfriend na sya sa ibang bansa, gumising ka na nga. Pinaglalaruan ka lang ng lalaking 'yon."
Hindi makasagot at umiwas na lamang ng tingin ang naiinis na si Sherry. Tumayo ito at binuksan ang pinto. "Sorry pero. Pwede bang umuwi ka na lang muna? Salamat at binisita mo 'ko pero pwede bang iwan mo na muna ako ngayon? Please?" malumanay na saad nito nang hindi tumitingin sa kaibigan.
Nag-aalala si Mia sa nangyayari sa kaibigan nya. Kilala si Sherry bilang matapang, kalmado, at matalino. Pero pagdating sa pag-ibig. Dito sya bumabagsak at 'yon ang pinaka-ikinatatakot ni Mia para sa dalagang ito.
"Okay." Mia surrendered. Tumayo sya at niyakap mula sa likod ang kaibigan. "Sorry for the trouble. Kita na lang tayo sa school, okay? Just... be careful."
At hindi na sila nagtinginan pa nang umalis na rin si Mia. Nagpaalam ito sa mama ni Sherry. Habang ang dalagang ito naman ay isinara ang pinto at isinandal ang noo rito.
Mula sa labas. Kinuha agad ni Mia ang phone nya at habang naglalakad sa kalsada. May chi-nat syang isang tao mula sa phone. Kung hindi man tatanggapin ng kaibigan ang tulong nya rito. She still knew someone who can undoubtedly help her, kahit si Sherry na mismo ang tatanggi.
BINABASA MO ANG
Classmate [COMPLETED]
RomanceWhen Sherry and Noah got stucked inside a closed classroom. They need to stay there for the whole one night with only the two of them. Until something happened to them uncontrollably that eventually changes into a wild lust of satisfaction. Mature C...