CHAPTER 25
Naguguluhan si Sherry kung bakit ganoon na lang ang tiwala nya sa Noah na 'yon.
May gayuma kaya syang binigay kaya gano'n na lang ang trato ng mama nya sa binata? I mean, kilalang babaero si Noah pero kahit alam na alam ito ng mama ng dalaga, she still accepts the guy at tila ba'y ipinagkakatiwala talaga sya nito sa lalaking 'yon na para bang may taning na ang buhay nya.
Kaya nga kinaumagahan. Habang nagsasandok ng kanin ang mama nya. Bigla na lang tinanong ni Sherry ang bagay na 'yon at ang kinalabasan. Ay kumain ang dalaga na may bukol sa noo na pinapagalitan ng ina.
Nagtatanong lang naman e. Batok agad? Inis nitong saad sa sarili.
Sa gilid ng gate ng school nila. Nagtipon na ang buong klase at nando'n naman naghihintay din si Mia at nang mapansin nito si Sherry na paparating, kaagad nya itong masayang kinawayan at niyakap. "Miss kita, besh! Ano nangyari sa inyo ni N habang wala ako? Bilis! Kwento na! Ire-record ko baka kasi mahaba!"
Simangot namang umismid si Sherry dito at tinitigan ang kaibigan. "Tumigil ka nga. Ang aga-aga e puro ka harot."
Dumating ang kanilang teacher at nag-counting. "Sino ang kulang?"
Nagtaas ng kamay si Mia. "Si Noah po, sir!"
"Hindi na sya darating. Malamang busy 'yon dahil nga athlete kaya wag na nating abalahin." saad naman ng kanilang guro.
Ang mga babae ay halatang nadismaya sa kanilang narinig. Even si Sherry ay nalungkot din pero ayaw nya itong ipahalata.
Sinundot naman sya ng kaibigan. "Uy! Disappointed. Lungkot ka kasi hindi dumating ang labs mo?"
"Hindi 'no. Buti nga at hindi sya makakasama sa 'tin e. Mas komportable." sabi ni Sherry at nauna nang pumasok sa bus nang pumarada ito sa kanilang harap.
"Sige. Deny mo pa, girl. Hindi naman halata e." nangingiting tugon na lamang ni Mia habang sinusundan ang kaibigan sa sasakyan.
Sa gitna ng kanilang byahe. Tulala sa kawalan si Sherry. Habang ang buong klase ay masayang nagsa-soundtrip samantalang ang dalagang ito'y tila wala man lang pake sa paligid nya.
She's wondering to herself too. Bakit ba sya biglang nangulila sa lalaking 'yon? Why did she felt broke all of a sudden? Parang naglaho bigla ang kalahati ng puso nya nang malamang hindi nila makakasama si Noah sa buong trip na ito.
"Hay. Sayang talaga. Dalawang araw at dalawang gabi pa naman tayo sa bundok ngayon. Ang sarap sana kung may jowa kang kayakap sa gabi." halatang nagpaparinig si Mia sa katabi na nagsabi.
Bigla namang sumabat 'yong isang lalaki nilang kaklase. "Hoy, Mia. Don't be rude raw sabi ni sir."
"Ay sorry sir." agad namang hingi ni Mia rito ng paumanhin na ikinatawa naman ng buong klase.
Samantalang si Sherry ay hindi pa rin napapangiti. Instead, she just heaved a deep sigh and decided to close her eyes. Imbes na mag-isip ng kung anu-anong ka-weirduhan, mas pinili nya na lang na itulog ang lahat ng ito, wishing for it to go away.
Nagising sya sa mahinang yugyog ng kaibigan kaya't nang mapakurap sya ay napansin nyang nakahinto na ang kanilang sinasakyan.
Nilibot nya ang paningin at isa-isa na ring bumababa ang mga kaklase nila.
"Rise and shine, Shenshen!" masiglang bati ng kaibigan sa kanya.
"Anong klaseng nickname 'yan?" tumayo si Sherry at kinuha ang maleta sa tabi na nagsimula na ring magtungo sa pinto palabas. Sumunod sa kanya si Mia.
"Kamusta ang tulog mo?" Tanong ni Mia.
"Just fine." walang ganang sagot nito. Para itong batang hindi nabilhan ng gusto nitong laruan matapos makadaan sa isang toy store.
BINABASA MO ANG
Classmate [COMPLETED]
RomanceWhen Sherry and Noah got stucked inside a closed classroom. They need to stay there for the whole one night with only the two of them. Until something happened to them uncontrollably that eventually changes into a wild lust of satisfaction. Mature C...
![Classmate [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/354519193-64-k658500.jpg)