CHAPTER 9
"Sherry?... Hoy. Nakita nyo si Sherry?" Nang makabalik si Mia dala-dala ang gamot mula sa infirmary, hindi na nya nahagilap pa ang kaibigan.
Kaya't nag-aalala sya't nagtataka na rin kung saan nagtungo ang babaeng 'yon.
Hanggang sa nagpasya syang bumalik sa court at tinanong ang mga kaklase. "Nakita nyo ba si Sherry?"
Taka lang din syang tiningnan ng mga ito. "Si Sherry? Wala sya rito. Akala ko ba nasa infirmary na kayo?"
Mas lalong naguluhan si Mia sa sagot at reaksyon ng kanyang mga kaklase. Wag mong sabihing na-kidnap ka na, Sherry! Saan na ba kasi nagpunta ang babaeng 'yon?
--
Sa tahimik na hallway. Nakapamulsa at prenteng naghihintay lamang si Noah sa pader at nakatingin lang sa pinto ng locker room kung saan sya lumabas.
Hindi kalaunan.
Bumukas ito at niluwa ang isang dalagang nakasuot ng jersey shorts na above knee level at hindi rin gano'n kalaki para sa maliliit nitong makikinis at mapuputing hita.
Hawak-hawak ni Sherry ang susi at nakaipit sa kabilang braso ang kanyang hinubad na undergarment at P.E. pants nang sulyapan ni Sherry ang lalaking ito.
Kumurba na naman muli ang ngiti sa labi ng binata at umiral na naman ang pagiging-manyakis nito nang mapagmasdan ang walang kupas pa ring ka-sexy-han ng dalagang nasa kanya ngayong harapan.
"Ano ba 'tong jersey shorts na 'to. Sigurado ka ba talagang sinuot mo 'to dati? Bakit masikip sa 'kin? Ganito ka ba ka-payat noon?" reklamo ni Sherry na inihagis kay Noah ang susi.
Mas lalong natuwa ang binata na sinalo naman ang susing 'yon. Wala talagang ka-ide-ideya ang dalagang ito na hindi kailanman sinuot ni Noah ang shorts na 'yon. He bought it for her, pero hindi na 'yon mahalaga para malaman pa ng dalaga. Ang importante ay ang makita nya itong ginagamit ang binili nya.
And just like he expected. Mas lalong nakakapang-akit ang katawan ng dalaga dahil sa suot nito ngayon. Tamang-tama lang ang measurements na ginawa nya para mapili ang tamang sukat ng shorts na 'yon.
Lumapit si Noah kay Sherry. "Your thighs looked tempting. Balik tayo sa locker?"
Napangiwi na lamang agad si Sherry dahil sa bulong sa kanya ng binatang ito. "Shut up, pervert."
"No. Handsome pervert." pagtatama ni Noah dito habang sumasabay sa paglalakad ng dalaga.
At dahil wala pang tao sa hallway, marahang inikot ng binata ang isang kamay upang mahawakan sa baywang si Sherry at nahila ito papalapit sa kanya. Nabigla ang dalaga dahil dito at lumingon sa paligid. "Hey! Stop it."
Nagpumiglas sya't nakawala naman ito sa hawak sa kanya ng binata. Saktong nasa bandang girl's locker room na sila nang dumating din ang mga kaklase nila rito mula sa gym na sobrang iingay.
Kaya't bago pa man ito mapansin ni Noah ay nawala na sa kanyang tabi ang dalaga.
Nagmamadali naman si Sherry na magbihis sa kanyang skirt at saktong naitago nya sa locker ang shorts at ang basang PE pants ay sya rin namang pagpasok ng mga babaeng kaklase nya rito.
"O! Sherry! Nandito ka lang pala. Saan ka ba nagpunta, bruha ka, alalang-alala ako sa 'yo!" kaagad namang lumapit si Mia sa dalaga at hinawakan ito sa kahit saang parte sa katawan nya.
Ngumiti lang si Sherry sa kaibigan. "Nandito lang naman ako e. Nagpapahinga."
"Hindi kita nakita rito kanina no'ng i-check ko."
--
Sa may loob naman ng locker room ng mga lalaki. Nag-sisihubaran na rin ng shirts ang mga lalaking pawisan nang pumasok ang ngiting-ngiti na si Noah habang nakapamulsa.
BINABASA MO ANG
Classmate [COMPLETED]
RomanceWhen Sherry and Noah got stucked inside a closed classroom. They need to stay there for the whole one night with only the two of them. Until something happened to them uncontrollably that eventually changes into a wild lust of satisfaction. Mature C...
![Classmate [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/354519193-64-k658500.jpg)