CHAPTER 29

330 4 1
                                        

CHAPTER 29

"Oh, Din. Saan ka pala nagpunta?"

"Hello, dad."

"Dumating dito ang kapatid mo. Kasama nya ang girlfriend nya. You should have met her. She's lovely." ngiting saad ng mama nito.

Hindi nila alam kung ano ang koneksyon ni Din sa babaeng 'yon hanggang ngayon. Kahit nga no'ng sila pa ni Sherry, walang ideya ang mga magulang nya dahil hindi nya ito gustong ipaalam kahit kanino. She kept it to himself dahil marami rin syang iniilagan noon.

But now.

It felt like he got hit by a lightning right through his heart. Hindi naman bago sa kanya kung maiwan sya ng isang babae dahil kung tutuusin. Mas malaki pa ang atraso nya sa babaeng 'yon pero sa pagkakatoang ito'y, nakakapagtakang sumisikip ang dibdib nya habang iniisip na may iba na talagang gusto si Sherry.

Idagdag pang galit din sa kanya ang kapatid nya kaya't hindi nya na alam kung ano ang gagawin sa mga sandaling ito.

Nagpaalam syang umalis ulit para naman magliwaliw muli at kalimutan ang mga nangyari. He just wanted to get drunk and passed out for the night. Pero bigla-bigla'y mula sa mahabang pag-iisip nito habang nagmamaneho ay napahinto naman sya nang mapansin sa isang kalsada ang dalawa na naglalakad.

Mas bumilis ang kabog ng dibdib nya nang masigurong si Sherry nga ang babaeng ito na kasama si Noah.

They both looked pretty closed together. Din couldn't help but to clench the steering wheel of his car. Pero kahit na ano pa mang galit o inggit ang maramdaman nya. Wala na rin naman syang magagawa dahil nga ni ang palapitin sya ng kapatid nya sa babaeng ito ay hindi sya pinapayagan.

He heaved a deep sigh in frustration. "Dammit!" nang magpapatuloy na sana sya sa pagmamaneho paalis do'n, nang mahinto rin ito dahil sa kanyang napansing babae na tila nagmamadaling lumalapit kina Noah at Sherry.

He thought at first na dadaanan lang ang dalawa, ngunit nanlaki agad ang mata ni Din sa sandaling huminto ang babae sa tapat nga mismo ng dalawang 'yon.

Noah turned and shockingly, malakas na sampal ang natanggap nya sa babaeng ito. Wow! What the heck?

Naintriga si Din na manood at nakikita nyang nagtatalo na sila roon. Then Sherry's expression gradually become sad. 'Yong tipong naiiyak na ito habang si Noah naman ay hindi alam ang sasabihin o ipapaliwanag sa dalawang babaeng ito.

"What's happening, Noah?" Din whispered, squinting his eyes to look even closer.

Too curious.

Bumaba si Din sa kotse at nang sakto lang ang lapit nya, narinig nya agad ang pinag-uusapan nila na kanya namang ikinabigla.

--

Few minutes earlier.

Tuluyan nang madilim nang makarating sina Noah at Sherry sa isang park. Maraming bilihan sa paligid at mga naggagandahang lights kaya't hindi mapigilan ng dalagang mamangha.

First time nyang makapunta sa ganito kaya't hindi nya alam kung ano ang ire-react maliban sa pag-ngiti.

"You like it?" tanong ni Noah na hinawakan sya sa kamay. "Let's go." sabay hila nito sa dalaga.

Parang may festival sa paligid. Maraming mga palaro ang bawat stands kaya't nahihirapan silang pumili.

"Do'n na lang tayo." turo ni Noah sa isang stand doon na obviously, pinakagusto nya sa lahat. May ring doon at binigyan sila ng maraming bola sa harapan.

When the time starts, mabibilis na hinagis ng binata ang mga bola at napamaang na lamang si Sherry nang makitang walang kahit ni isang mintis sa tira na 'yon.

Classmate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon