CHAPTER 17
"Gusto mo?"
"O eto na lang."
"What about this?"
"How about this one?"
"O bilhin na lang natin lahat."
Naiingayan na ang dalaga sa kulit na pagtatanong sa kanya ng binata. Kanina pa sila naglilibot-libot sa bilihan ng damit pero hindi mahanap ni Sherry 'yong whole dress na favorite nya.
Habang itong si Noah naman kahit anong mahawakan at mahagilap ng mata ay bibilhin na lang nya para sa dalaga.
Hanggang sa natigil si Noah sa isang underwear sets kaya't bago pa man makapagsalita ito'y kaagad na umalis sa banda ro'n si Sherry bago pa sya mapahiya. Sila na nga lang kasi ang pinagtitinginan ng mga nakabantay doon. Maski na ang ibang namimili.
In the end. Si Noah lang ang bumili ng damit na feeling nya'y magka-kasya kay Sherry. 'Yong dress lang naman talaga na napunit ang gusto sana nya kaso nga naubos na pala 'yong stock.
"Di ba sabi ko wag na lang tayong bumili? Ano 'yang ginagawa mo?" simangot ng dalagang saad sa binata.
Nakarating sila sa taas habang sumusunod lang sa kanya ang lalaking ito.
Nilapag ni Noah ang mga shopping bags sa kama at dumiretso naman si Sherry sa banyo. Kanina pa kasi sya naiihi sa byahe or even kahit no'ng nasa stores pa sila. Ayaw nyang gumamit ng public restrooms.
"Gusto mo bang kumain?" tanong ng binata.
Still inside the CR. Sumagot ang dalaga. "Lumabas ka nga. I mean. Pwede ka nang umuwi, Noah. Malapit nang maggabi o. Baka hinahanap ka na sa inyo."
He looked at his wristwatch and tama nga si Sherry. Ngunit jmbes na malungkot ay napangiti pa ang binata. "Bakit ba lagi mo 'kong tinataboy? Masyado na ba akong nakakasakal?"
Lumabas si Sherry sa banyo at tinitigan sya. "Do I really still need to explain that?"
"I can court you if you want. Just for normal procedure. Maging akin ka lang. I mean. Doon din naman 'yon pupunta di ba?"
Lumapit si Sherry sa kama at inusisa ang laman ng shopping bags. "Hindi ka ba nanonood ng love stories? Hindi mo alam manligaw? Oh! Kunsabagay, kailan ka ba nanligaw e kunting kindat mo lang naman napapasagot mo na agad 'yong babae."
"Insulto ba 'yon?"
"Compliment siguro?" may mapang-asar na tugon din ng dalaga at nilingon si Noah.
Saktong nagtama ang kanilang tingin kaya't nakakapatay na kindat naman ang binigay sa kanya ng lalaki.
Though Sherry's heart was about to explode in shock dahil sa nakakapigil-hiningang karisma ng lalaking ito, mas pinili nyang kontrolin ang sariling wag tumili sa kilig, bagkus ay, "Yuck. Ugh."
"Ungol ba 'yon? Sarap pakinggan e."
"Bakit ba puro bastos lumalabas sa bibig mo ha? Dapat pala hindi ka na lang natuto ng alphabet. O di kaya ay naging mute ka na lang. Mas masaya pa siguro ang mundo ngayon kapag nagkataon."
Natawa si Noah. Sumandal sa pader at nagwika. "E di hindi mo maririnig ungol ko. Sayang naman kung gano'n."
"Sipa gusto mo?"
"If you'll spread your legs, baby. It's totally fine."
"You know what. Wag na nga lang tayong mag-usap."
"Let's talk on bed. Later."
Kung pwede lang sana nyang ihagis sa bintana palabas ang lalaking ito, kaninang-kanina pa nya ginawa. Pero nafu-frustrate na lang sya dahil kahit ang lapitan o hawakan ang nilalang na ito ay katumbas na nang paglapit nya sa isang napaka-delikadong leon na handa syang kagatin anumang oras.
BINABASA MO ANG
Classmate [COMPLETED]
RomanceWhen Sherry and Noah got stucked inside a closed classroom. They need to stay there for the whole one night with only the two of them. Until something happened to them uncontrollably that eventually changes into a wild lust of satisfaction. Mature C...
![Classmate [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/354519193-64-k658500.jpg)