CHAPTER 11

167 4 0
                                    

CHAPTER 11

Habang nasa sala si Noah. Prente lamang ito roong nakaupo. He's typing all the words he can para lang mapansin ito ng babaeng gusto nyang kausapin online.

Subalit dahil total stranger talaga sya para kay Sherry, ay hindi man lang ito binibigyan ng kahit kunting senyales na sasagutin sya ng chat.

Kung ika-count lahat ng words sa mga chats nya. Pwede na talaga itong maging isang nobela. Na may romance at tragedy genre, dahil hanggang ngayo'y walang pakialam ang babaeng kinakausap nya.

"Fuck." sa sobrang inis nya'y naihagis nya na lang sa gilid na sofa ang phone at napasandal sa likod ng upuan. Inilapat ang dalawang palad sa mukha't tumingala habang umuungol na tila naiinis.

Tumingin sya sa kanyang wristwatch at 6:39 na ng gabi. May ginagawa ba ngayon si Sherry? 'Yon ang palagi nyang idinadahilan sa utak kapag hindi napapansin ang mga chats nya.

Kinuha nya ang phone sa tabi at muling tiningnan ang kanyang mga messages.

Hey!

Pansinin mo na ako plss!

Kumain ka na ba?

I just want to talk with somebody. Pakiusap, reply ka naman

Why are you ignoring me?

Good evening! Ang ganda ng panahon ngayon.

Ayaw mo ba talaga akong kausapin?

Sorry kung medyo mapilit na ako

Hey! Binabasa mo man lang ba 'to?

Hi. I'll come clean. Gusto talaga kitang kausapin pakiusap naman, mag-reply ka na

Hindi nya malaman kung mahihiya ba sya o magagalit sa sarili dahil dito sa mga pinaggagagawa nya.

Obvious namang kinukuha nya talaga ang atensyon ni Sherry, pero sa kasamaang-palad, hindi naman nagkaka-interes ang dalagang pansinin sya kahit saglit lang.

Iniisip kasi ni Sherry na baliw na estranghero lang ito. O di kaya ay manyakis na gugustuhin ka lang makita sa nude pictures mo. They'll come nice at the first chat. Kakaibiganin ka, patatawanin, tapos kapag naging close na kayo.

Tatlo lang do'n ang mangyayari.

Una, aamin na gusto ka nila, tapos hihingi ng chance.

Pangalawa, ikaw ang mai-inlove at aamin ka pero hanggang friends lang pala kayo.

And pangatlo, nanghihingi ng bolds.

Ilang beses nang na-biktima si Sherry dahil sa mga gano'n, at ayaw na ayaw na nya ulit maka-chat ang mga ganitong klase ng tao so in the end. Completely denied ang chats ni Noah sa dalaga.

Buong buhay nya, ngayon lang sya nabalewala ng isang babae. All his life, sya kasi ang hinahabol ng mga ito but now. Sya na ang naghahabol and ang malala pa. Ay totally deadma rin sya. Look how the tables have turned. Saad sa kanya ng utak nya.

"Shut up, head." inis na bulong nito't itinapon ulit sa sofa ang phone.

Pinching the bridge of his nose with both eyes closed, leaning forward. First time nyang maramdaman ang ma-reject at nakakahiya ito sa ego nya. As in sobrang. NAKAKAHIYA.

Parang gusto nya na lang itago ang sarili sa pinaka-ilalim na parte ng dagat para walang makakita sa kanya kahit na sino pa dahil sa sobrang panliliit nito sa sarili.

Masyado itong traumatic sa kanya at gugustuhin nya na lang na uminom para itaboy ang sama ng loob na ito.

"What's wrong, son? Why the long face?" biglang dumating ang kanyang dad mula sa itaas. Nakapantulog na ito at naglakad na umupo naman sa single sofa kaharap ng anak.

Classmate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon