CHAPTER 23

278 4 0
                                        

CHAPTER 23

"Ang galing-galing mo!" nang matapos ang eksena ng mga muse, gaya ng mga awards, mabilis na lumapit si Sherry kay Mia at masaya silang nagtatatalon-talon na magkahawak kamay.

"Ang corny ng sayaw ko. Nakakahiya!"

"Ano ka ba! Nabingi lang? Ang lakas kaya ng impact no'ng ginawa mo sa mga tao. Tapos nakita mo reaksyon ni Noah? Hahaha! First time kong makitang natulala sya sa buong kantang 'yon."

Napabuga ng hangin si Sherry at niyakap ang sarili. "Kinilabutan ako sa ginawa ko. Ayos lang ba talaga 'yon?" hindi nila alam kung gaano nagpipigil si Sherry na tumigil kanina, pero dahil nasimulan na rin naman nya, it's better to finish it than be ashamed more later.

"Ikaw ang nanalo bilang Best Muse! Hindi ba 'yon sapat para malaman mong the best ang ginawa mo? You hyped the whole crowd! At alam mo namang kilala si Noah na player di ba? I'm sure pag-uusapan 'to ng lahat!"

Sumama ang timpla sa mukha ni Sherry. "Nakakatakot naman."

"Gaga. Halika na nga. Magsisimula na 'yong laro kaya manood na tayo ro'n sa bench."

Pero bago pa nito tuluyang makaladkad ng kaibigan, biglang humarang si Noah kay Sherry. Nagulat ang dalaga at nandilat ang matang napalunok. "H-hi. Goodluck sa game!" sabay ngiti sa binata. But before she can leave, agad namang isinuot ni Noah ang jacket sa dalaga at sinara ito hanggang leeg kaya't nabigla ang dalagang tumitig dito.

Tapos ay seryoso ang mukha ni Noah na isinuot din sa mata ng dalaga ang salamin, pagkatapos ay hinawakan ang buhok ni Sherry at ang binata na rin mismo ang nag-ayos nito para sa kanya.

Natulala si Sherry at hindi man lang sya maka-react. Gusto itong i-video ni Mia kaso huli na sya dahil mabilis pa sa kidlat na nakaalis si Noah doon.

Napahawak sa kanyang dibdib si Sherry na nilingon ang likod ng binata. Kinabahan ako ro'n a.

--

Natapos ang kanilang laro at nangunguna ng panalo ang kanilang team.

Masaya silang umuwi pero sabi ng kanilang coach ay masyado pang maaga upang magdiwang.

Monday afternoon.

Habang nasa labas ng campus, nakaupo sa dating bench si Sherry. Kasama sina Shaine at Mia na aliw na aliw sa kanilang pinapanood sa cell phone.

"Hindi ko inakalang magagawa mo talaga 'to, Sherry." manghang-mangha si Shaine na sabi sa dalaga.

Nasa libro ang tingin nito na sumimangot. "Ang cringe di ba?"

"Ano ka ba. Proud na proud ako sa 'yo. Kahit ang buong team gano'n din ang komento sa 'yo." saad ni Shaine.

"Kahit sa internet pinag-uusapan kayo." saad ni Mia. "Nakakakilig daw!"

It turns out, hindi lang si Mia ang may copy sa video na 'yon dahil napakaraming angle ng recordings ang kumalat sa internet tungkol sa pagsayaw ni Sherry sa basketball opening.

Nag-aalala tuloy sya na baka malaman ito ng mama nya dahil talagang lagot sya 'pag nagkataon.

--

And she's not wrong.

Dahil nang makauwi nga sya isang hapon, masungit na nanay nya agad ang sumalubong mula sa sala pa lang. May hawak itong featherduster sa kamay na nakapamaywang.

"Mama? May problema ba?" tanong nito sa kanyang ina. Kinakabahan sya pero pinilit nyang wag ipahalata 'yon.

Aasahan nyang papaluin sya nito dahil ito lang naman ang pupwedeng dahilan kung bakit maiinis sa kanya ang mama nya.

Classmate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon