CHAPTER 8

441 7 0
                                        

CHAPTER 8

"Masakit pa rin?"

"Hindi. Magaling na sya." sarkastikong tugon ni Sherry sa kaibigan. She winced in pain hanggang sa muli na naman itong kumalma.

Kanina pa gustong-gusto ni Mia na kaladkarin ang kaibigan sa infirmary ang kaso hindi nya mapilit ang babaeng ito. Kung pwede nga lang gamitan nya ito ng dahas ginawa na nya kanina pa.

"Teka nga. Kukuha na lang ako ng gamot para mawala 'yang pamamaga sa daliri mo. Arte mo kasi dapat do'n na tayo sa infirmary e." tumayo si Mia at iniwanan ang kaibigan.

"Ayos lang kasi 'to. Di naman masakit—ouch!"

Gigil na natakbo si Mia papalayo. "Kainis ka talagang babae ka!"

Natatawa si Sherry sa inaasta ng kaibigan. Hanggang sa bigla na namang sumakit ang daliri, and then napangiwi ulit ito sa sakit.

Siguro nga dapat na talaga nya itong ipatingin na lang sa doktor. But the moment na tatayo na rin sya ay bigla namang lumapit ang isang binata at humarang sa kanyang makatayo.

Nanlaki ang mata nya nang mapansin si Noah. Sobrang lapit na nito sa kanyang mukha. Pansin na pansin nya ang lakas ng tibok ng puso at pag-iinit ng buong katawan nang lumuhod ang binata sa harapan nya.

"What happened to you?" punong-puno ng pag-aalala ang boses na 'yon. Akmang hahawakan ni Noah ang daliri nya nang ilayo ito ng natatarantang dalaga. "It's okay. Don't curl it, baby. Mas mabuting ayusin 'yan agad kung nabali talaga bago pa matagalan."

Hindi alam ni Sherry kung magpapasalamat o babatukan ang binata dahil tinawag na naman sya nitong 'baby'.

"I-I'm okay. Pupunta lang ako sa infirmary ngay—"

"No. Let's go to my locker." nabigla ang dalaga sa sinabi nito at inalalayan na sya para makatayo.

"Hindi. Sa infirmary tayo pumunt—"

"Malayo ang infirmary dito. Gusto mo bang lumala pa 'yan lalo? Hilutin na lang natin."

"Tapos sa locker room mo gagawin? Akala mo ba malokoko mo 'kong manyakis ka?" bulyaw ng dalaga rito.

"Well. That's my initial plan after nating pagalingin 'yang kamay mo." may ngisi sa labing bulong ng binata.

"Oh see? Umalis ka nga sa harap ko?!"

"Don't let me drag you, baby."

"A gusto mong magkasubukan?—ouch!" kumirot ang daliri ng dalaga kaya't wala na ring nagawa ito ng kaladkarin na nga sya ni Noah papunta sa kung saan man sya dadalhin ng binatang ito.

When they both arrived to the locker room. Kaagad ni-lock ni Noah ang pinto, making sure no one will disturb them.

"Bakit mo ni-lock?" tanong ng dalaga.

Wala syang narinig na sagot sa binata. First time nyang makapasok dito sa locker room ng mga lalaki kaya't napalunok sya nang maamoy ang mga pabangong naiwan dito na galing mismo sa mga lalaki.

Hindi matigil sa kakalingon ang leeg nito habang nakaupo sa isang bench. Then not long after. Luhod na muling humarap sa kanya si Noah at may hawak na itong ointment sa kamay.

He removed its lid at nilagyan ng kaunting content ang palad. Kiniskis ito sa dalawang palad bago hiningi ang kamay ng dalaga.

At first, natatakot pa si Sherry na ipaubaya sa binata ang kung ano man ang gagawin nito pero wala na rin naman syang magagawa dahil nandito na rin sila.

Hanggang sa bumigay si Sherry at hinayaang hilutin ng marahan ng binata ang kanyang daliri.

Surprisingly. Masarap sa pakiramdam ang ginagawa ng binata sa kamay nya. Though medyo may kirot pa rin ito kaya't parang maiiyak pa rin ang dalaga.

Classmate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon