CHAPTER 20

153 4 0
                                    

CHAPTER 20

"Sorry, pero kahit gusto kitang tulungan, hindi ko talaga kayang gawin ang pinapagawa mo."

"Your courage to help is enough para magawa mo ito, Sherry. Please. I really need you to do this. For me." pagmamakaawa ni Shaine.

Nang marinig ni Sherry ang pakiusap sa kanya ng babaeng ito, para bang nanginig ang buong kalamnan nito. Uminit ang mukha at nanindig ang balahibo sa sobrang imposibleng bagay na pinapakiusap sa kanyang gawin.

Nahihiya nga sya kahit umubo sa classroom, tapos gagawin pa syang muse ng basketball team ng campus. The heck!

Hindi sya naiinis kay Shaine para malinaw. She's just feeling sorry of this girl dahil hindi nya talaga kayang gawin ang nais nitong ipagawa sa kanya. It's just. Too much for her character. Mahilig syang manood ng mga beauty pageants o Miss Universe pero ni minsan hindi nya naisip rumampa sa napakaraming tao nang may napaka-iksing kasuotan.

She's just not too confident about it.

Dismayang umalis si Shaine dahil hindi nya talaga napilit ang dalaga. Napabuga ng hangin si Sherry na nasa upuan nya at itinuloy na lamang ang pagbabasa sa kanyang libro.

"Hey, pretty girl?! Wanna hang?" bigla namang lumitaw si Tree sa tabi nya at nakiupo na rin na nakangiti sa kanya.

"Mag-hang ka mag-isa mo. Enjoy." masungit na tugon ng dalaga na hindi man lang sinusulyapan ang binata. Alam na alam nya kasing kasunod lang ito ni Noah sa pagiging babaero kaya instant deadma nya rin ito palagi.

Parang gusto rin kasi syang pormahan kaya hindi nya talaga pinapansin kahit anong gawin nito.

"Ano bang pinag-usapan nyo ni Shaine kanina?" hindi pa rin ito umaalis kaya't napaismid ang dalaga.

"It's not that important."

"Alam mo. Si Shaine na ang pinaka-magandang muse ng campus namin mula pa no'ng bago pa lang ang team namin. Palaging agaw-pansin ng ganda nya ang lahat ng naging katunggali namin sa bawat tournaments. Tinanghal pa nga syang Best Muse palagi kaya proud na proud kami sa kanya."

At nagkwento pa talaga ito.

"Uh-huh. May gusto ka sa kanya?" Sherry asked.

Tree chuckled. "She's my cousin. At ex din sya ni Noah."

Tumalon naman sa kaba ang puso nya nang maalala na naman ang lalaking 'yon. Pinakli nito ang pahina sa libro at tumikhim.

Tumahimik ang hangin sa pagitan nila.

Namamalayan talaga ni Tree na kahit anong gawin nya'y wala talagang interes sa kanya ang babaeng ito. Ni ang tingnan sya habang nakikipag-usap ay hindi na nito ginagawa kumpara no'ng una nilang pagkikita sa bench ng gym.

Tumayo si Tree at namulsang lumingon sa dalaga. "You know. Hindi sa nangingialam ako dahil sa gusto kita pero. Siguradong mas gaganda ka pa kung magiging confident ka pa lalo sa katawan mo. I'm sure mas gaganahan pa ang buong team kapag ikaw ang naging muse namin sa darating na tournament. No offense to Shaine dahil sya pa rin ang best muse ng school namin. But. Ito lang kasi ang unang beses na may nilapitan syang isang tao at hiningan ng pabor. Magaling din syang kumilatis ng natural na ganda kaya hindi na ako nagulat no'ng ikaw nga ang unang nilapitan nya."

Sherry didn't look back. Nagbabasa pa rin ito sa libro. Flipping another page away. "I feel sorry for her. Pero siguradong may mas deserving namang iba riyan. Ako lang ang una nyang nakita pero may mas magaling pa naman kaysa sa akin."

Tree couldn't convince her either. Napapailing na lamang ang binata at buntong-hiningang umalis. "See ya."

Nang makalayo na ang binata, tsaka naman naisara ni Sherry ang libro at napatingin sa likod ni Tree. Mahinang napabuga ng hangin na nag-iisip. Matapos ang ilang sandaling pagkakatulala roon. Umiling na lamang din sya. I'm not doing this! Seriously, Sherry! Bakit ba parang nako-konsensya ka? Ikaw na nga ang nagsabi di ba? Hindi ka confident na gawin 'yon! Just move on and leave that matter alone.

Classmate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon