CHAPTER 13

348 5 0
                                        

CHAPTER 13

Napabuntong-hininga na lamang si Sherry at inis na isinuot ang seatbelt. Kung magpupumilit pa man syang tumakas, wala na rin naman syang mapapala dahil saradong-sarado ang kotse.

At bigla rin syang na-curious dahil nadamay dito ang kaibigan nya. Wala syang oras para sa eksenang ito, all she really wanted ay ang malaman ang dahilan ng lahat ng ito. May tiwala sya kay Mia kaya't napilit nya rin ang sariling mapapayag na pagpadukot na lang sa lalaking ito.

Noah starts the car afterwards, at umalis na sa lugar na 'yon.

Habang nasa byahe. Nagsimula nang magtanong si Sherry. "Ano bang pinag-usapan nyo ni Mia?" hindi nya tinitingnan ang binata dahil nasa gilid lang ang tingin nya. Pinagmamasdan ang bawat tao. Buildings at mga intersections na nalalagpasan nila.

"She said she's worried." simpleng sagot ni Noah. Nasa harap ang tingin at maingat ito sa pagmamaneho.

"Worried saan?"

"Dahil 'yon kay Din." sagot ulit ni Noah. Dahil dito'y napalingon na sa kanya ang dalaga. "That bastard. Hindi ka na nya dapat pa binalikan."

Nagtataka talaga si Sherry kung anong kinalaman ni Noah sa mga nagyayari rito. Though may hinala na sya pero gusto nyang manggaling ito mismo sa bibig ng binata at nang hindi na ito magpaligoy-ligoy pa.

"I told her na hindi na nya dapat pang inaalala ang buhay ko. Binalikan na ako ni Din at ibig sabihin lang no'n, mahal nya talaga ak—"

The car abruptly stops kaya't halos masubsob ang mukha ng dalaga sa harapan ng kotse. Naalog ng kaunti ang ulo nito at inis na tiningnan ang binata. "Ano bang problema mo?" sigaw nito rito.

"Kung mahal ka talaga nya. Bakit hindi natin tingnan kung totoo nga." sabay patay ni Noah sa makina ng kotse at tinulak pabukas ang pinto. Na-unlocked ang pinto sa tabi rin ni Sherry kaya't nakalabas din sya roon.

Sumalubong ang malamig na hangin sa kanyang katawan. Nayakap nito ang sarili habang nililingon ang kanyang paligid. Nasa bandang cliff sila ngayon. Medyo mapuno ang paligid at sa mismong ibaba naman nito ay ang isang resort house.

Maingay na sigawan ang maririnig mula roon kasabay ng tutog na talagang magpapa-alog sa dibdib ng kahit na sinong makakarinig.

May pool party doon at mula rito sa itaas. Makikita ang mga nagsasayawang kababaihan at kalalakihan doon.

Naghahalikan na ang iba at parang gumagawa na ng milagro 'yong iba sa may pool. Sobrang wild ng gabi nila at talagang sagad na sagad ang kasiyahan.

Nagtataka si Sherry na tumingin kay Noah na tumabi rito. "What are we doing here?"

Tinanggal ni Noah ang jacket at tanging v-shaped shirt na lang ang natitira sa kanya. He wrapped it around Sherry para maibsan ang lamig na nararamdaman ng dalaga.

"Bakit ba kasi ganyan ang suot mo?" hindi mapigilang reklamo ni Noah. Sinamaan lang sya ng titig ng dalaga.

"So ano na nga ginagawa natin dito?! Kung manonood tayo sa kanila magdamag pwes uuwi na ako."

Pero inabutan agad ni Noah ng binoculars ang dalaga at nagsalita. "Kapag nahanap mo sya riyan. Ipangako mong lalayuan mo na sya habambuhay."

Napatingin si Sherry sa bagay na 'yon at inangatan ng tingin si Noah. She's a bit hesitant, dahil sa rason na baka nga mahanap nya sa pool party na 'yon ang lalaking mahal nya. Pero mayroon ding namumuong bumabagabag na pakiramdam sa loob nya at kailangan nya itong bigyan ng sagot sa lalong madaling panahon.

She heaved a very deep sigh, bago nagpasyang tanggapin ang binoculars na 'yon. Mabilis nyang itinapat ang lenses nito sa mga mata nya't hinanap kaagad ang mukha ni Din mula sa lugar na 'yon.

Classmate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon