EPILOGUE

402 6 3
                                        

EPILOGUE

Nagising si Sherry nang saktong mag-la-landing na ang eroplanong sinasakyan nito.

She stretched out her body mula sa napakahaba nitong tulog at humihikab-hikab pa habang lumalabas ng airport at nakahanap agad ng taxi sa gilid ng highway.

She told the driver the address of her home kaya't umandar ang taxi na tinuloy naman ng dalaga ang kanyang pagkaka-idlip.

"Ma'am. Nandito na po tayo." naalimpungatan ang dalaga nang tawagin sya ng driver kaya't nagpasalamat sya't nagbayad bago lumabas dala-dala ang kanyang maleta.

She let out a deep sigh nang mapagmasdang wala man lang pinagbago ang bahay nila mula nang iwan nya ito.

Napangiti sya habang dahan-dahang lumalapit sa nakasarang pinto at nag-doorbell.

"Sino 'yan?" mas lalong napangiti ang dalaga nang marinig ang boses ng kanyang ina sa loob. Excited sa magiging reaksyon nito kapag nakita sya.

She pushed the doorbell button again. "Nandyan na." Sherry prepared herself. Kaya't nang mabuksan ang pinto agad syang sumigaw.

"Surpr—"

"WELCOME HOME, SHERRY!"

But instead, sya pa ang mas nagulat sa lahat dahil marami palang tao sa loob ng bahay at sumigaw ng sobrang lakas habang napapaulanan sya ng mga confettis.

Sabay tawanan nang makita kung gaanong nabigla ang dalaga na dapat ay sya sana ang nanggugulat ngayon. Pero sa kanyang gulat ay sya pala itong naloko nila.

"Ma? Paano nyo?"

Niyakap sya ng ina na sumagot. "Sinabi sa 'kin ng kaibigan mong si Mia ang advance flight mo. Welcome home, anak! Nagulat ka ba?"

"SOBRA!"

Tinawanan lamang sya ng lahat. Sabay lingon ni Sherry sa kaibigan. "Kainis ka. Sabi ko sa 'yong wag mong ipagkalat di ba?"

Mabilis syang niyakap ni Mia na natatawa. "Sorry na besh! Na-miss ka lang talaga namin kaya ko 'to nagawa! Ilang taon ka ring nasa States para lang mag-aral maging arkitekto. I'm so happy for you dahil ganap na karpintero ka na!" Sabay tili ng kaibigan.

Binatukan sya ni Sherry kaya't nagtawanan ang lahat.

Sunod ay lumapit naman si Tree sa dalaga. "Hi! You still looked pretty as always."

"Nambobola ka na naman. Kakauwi ko pa nga lang e." sabay niyakap ang lalaki. Natawa na lang si Tree.

And then, sumunod si Din. "Hello, pretty girl."

"Nambababae ka pa rin ba?" simangot na tugon ni Sherry dito.

"Anong tingin mo sa 'kin? Sinungaling? Hell yeah."

"You're hopeless." sagot ni Sherry at niyakap din ito.

Niyakap naman ang dalaga ng mga magulang ni Din na surprisingly ay nakisali rin pala sa surprise gimmick nilang ito. "Hindi ko po alam na kasabwat din pala kayo rito."

"We don't want to miss the fun, honey." Sagot ng papa ni Din. Kaya't napangiti na lamang ang dalaga rito.

"And I'm the fun, am I?"

Natawa ang dalawang mag-asawa sa sinabi nya.

Nagsimula na rin silang kumain doon. Nagsaya at nagkuwentuhan.

Hanggang sa mapag-isa si Sherry at Tree kaya't agad nyang tinanong ang binata. "Where is he?"

"Nasa mansyon nila." he sips a cup of coke bago bumulong. "He didn't know you're coming now. Sya lang ang walang alam tungkol dito kaya mas mabuti pang pumunta ka na ro'n habang nandito pa ang pamilya nya."

Classmate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon