CHAPTER 26
"O. Akala ko ba iihi ka lang? Anyare girl? Ba't ang tagal mo?" tanong ni Mia sa papalapit na kaibigan. Halos twenty minutes din kasi si Sherry na hindi nakababa kaya't nang mapansin sya ng guro, as usual, napaulanan ng sermon ang dalaga.
The activity was simple. Magbibigayan lang kayo ng roses sa isa't-isa. Each of them has two roses. At ang taong may pinaka-maraming natanggap na roses ay bibigyan ng guro ng regalo. Sounds fun, right? At hindi lang 'yon. Dahil ang taong 'yon ay ang mauunang magshi-share ng affections nya sa isang tao. Experiences nya sa kahit na ano. And then. Tuturo sya ng classmate and 'yon naman ang susunod magshi-share. Paulit-ulit hanggang silang lahat ang makagawa.
Kahit na na-late si Sherry nang dating. Marami pa rin syang natanggap na bulaklak. At sa bandang huli. Sya ang may pinakamaraming roses na nakuha at nakatanggap ng prize na isang box ng chocolate.
Hindi nya inasahan 'to. Pati si Mia ay hindi rin makapaniwala but at the same time, masaya rin sya. "Hati tayo sa chocolate mamaya ha?" and of course. Hindi nya nakakaligtaan ang bagay na 'yon.
After nyang mag-share ng ka-dramahan sa buhay. Tinuro nya agad si Mia kaya't nang tumakbo ito papalayo nagtawanan ang buong klase.
"Minus points ka, Mia!" sigaw ng kanilang natatawang guro.
Kaya't nagkakandarapa ulit itong bumalik na nakasimangot. "Sir naman. Iba na muna. Hindi pa ako ready sa speech ko e." palusot nito.
Ngumiti lang si Sherry. "Ayos lang 'yan."
"Ayos lang? E english speech dapat e. Ayos lang 'yon? Kunsabagay, magaling ka mag-english kaya sisiw lang sa 'yo 'to. May sayings-sayings ka pang nalalaman." saad ni Mia kaya't natawa lang si Sherry.
Kahit na nawi-weirduhan bigla si Mia sa biglaang pag-iiba ng mood ng kaibigan nya. At least, kampante na syang makakapag-enjoy na rin ito ngayon. Though hindi nya alam kung paano sumigla bigla kaibigan nya. Pero iisipin pa ba nya 'yon. Malamang hindi na.
Kunting pilit pa at kirot. Napatayo si Mia sa harapan ng lahat kaya't tumahimik na rin silang naghintay sa sasabihin ng kaklase.
"Uhm... let... let us pray?"
Sabay nagtawanan na naman ang lahat dahil sa kalokohan ng babaeng ito. She's nervous obviously kaya't napapailing na lang talaga ang guro nila habang nanonood dito.
--
Mabilis na lumipas ang kulitan ng buong klase at medyo malalim na rin ang gabi kaya nagpasya na silang tapusin na muna ang activity sa sandaling 'yon.
Antok na antok si Sherry na dumiretso agad na bumagsak sa kama ang katawan, face first. Nang maisara ni Mia ang pinto, naupo ito sa higaang tinabihan si Sherry. "Hoy."
"Hmm?" ungol ni Sherry.
"Bakit ka ba natagalan kanina? Ano ba ginawa mo rito ha?"
Lihim na napalunok ang dalaga. "Napaidlip lang. Alam mo namang antok na antok na ako kanina pa di ba?"
"O sya sya. Paniniwalaan ko na muna 'yang palusot mo."
Inangatan ni Sherry ng tingin si Mia. Sumimangot ang magandang mukha nito kaya't natawa si Mia na pinanggigilang pinisil ang pisngi ng kaibigan. "Aray!"
Tumayo si Mia at nagtungo sa bathroom. "Hindi ka ba muna maliligo?"
"Ayoko." nakadukdok na naman ang mukha ng dalaga sa kumot.
"Tamad mo. Paano ka ba naging top 1 sa klase natin? Nakapagtataka na talaga."
"Goodnight."
Mia just sighed. "Ewan ko sa 'yong babae ka."
BINABASA MO ANG
Classmate [COMPLETED]
Любовные романыWhen Sherry and Noah got stucked inside a closed classroom. They need to stay there for the whole one night with only the two of them. Until something happened to them uncontrollably that eventually changes into a wild lust of satisfaction. Mature C...
![Classmate [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/354519193-64-k658500.jpg)