CHAPTER 22
The day of the event finally came.
Maingay ang byahe habang papunta sa venue na pagdadausan habang nakasakay sa school bus na nirentahan ng kanilang manager.
Si Sherry lang ang sumabay sa bus dahil hahabol na lang daw si Mia sa kanya roon. Ayaw sana ng dalaga kaso hindi naman sya makatanggi dahil ang coach na rin ang nakiusap dahil malaking problema kapag huli syang makarating do'n. Muse pa naman sya.
Hindi man halata. Pero malakas talaga ang kutob nyang papalya ang plano nya. Why? Dahil para mismo kay Noah ang gagawin nya.
And bukod sa mga babaeng nai-kama ng lalaking ito, alam na alam nya rin kung gaano ka-demonyo ang binatang ito sa kaloob-looban. She's risking her whole life with this stupid and selfish act pero anong magagawa nya. Tutal opportunity na rin 'to, mas mainam na kainin imbes na iluwa at talikuran.
Nang makarating sila sa venue na napakalaking stadium. Dinadagsa na ng iilang kotse ang parking lot at mga mayroon na ring nakapilang mga tao na mga manonood sa entrance.
Long walk cut short! Narating nila ang locker room at doon nagsimulang magbihis na rin. Kaya't nanatili na lang si Sherry sa labas sa may bench. Nakasuot pa rin sa kanya ang bilog na salamin nya.
Naka-PE uniform at jacket na naka-zipper hanggang leeg. Hindi mahahalata ang hickeys sa leeg nya dahil may nilagay syang foundation dito. Kung titingnan. Para syang bookworm na naligaw lang sa lugar na 'to. May ibang basketball players sa kabilang teams nga ang nasisitsitan sya't inaasar ng mga ito.
Minsan may humihingi ng number nya pero dedma nya agad. Gusto nya kasing mag-concentrate sa pinapanood sa cell phone.
Nang sa bigla namang may kamay ang tumanggal sa isa sa headset sa tainga nya kaya't gulat at inis nya itong nilingon.
Nang magmumura na sya bigla syang na-pipi nang makita si Noah doon. Naka-jersey shorts na ito at naka-sapatos na rin na panglaro. Pero nakasuot pa ang jacket na nakapamulsa sa bulsa nito ang isang kamay.
Tumaas ang isang kilay ng dalaga rito. "May problema ba?"
"Kanina ka pa raw tinatawag ng manager, sabi nya maghanda ka na raw. Wag mong sabihing ganyan lang isusuot mo." saad naman nya.
Napatayo si Sherry. "Magsisimula na ba?" masyado syang naka-concentrate sa panonood, kalahating oras na pala syang nandoon sa upuan na 'yon.
Nakalabas na ang buong team kaya't mag-isang pumasok si Sherry sa locker room upang tanggalin ang suot nya. "Hay. Kalma ka lang, Sherry. Rarampa ka lang naman sa harap nila e. Hindi ka naman babarilin kapag natalo ka." saad nito sa kanyang sarili sabay ngiti sa salamin na naka-attached sa locker.
Hindi kalaunan, bumukas ulit ang pinto at niluwa roon si Mia.
"Ginulat mo 'ko! Akala ko kung ano na."
"Sorry! Na-late ako! Daming tao sa entrance e! Dami pang sumisingit, nakakaasar. Sarap agawin 'yong shotgun ni manong guard para pagbabarilin sila e."
Natawa si Sherry sa sinabi ng kaibigan. Huminga ng malalim si Mia, inayos ang hibla ng buhok at ngumiting humarap sa dalaga. "Ready?"
Sherry inhaled before breathing out the air, smiling. "Ready!"
"Wow! Confident!"
Sabay tanawan ang dalawang ito.
--
Nasa gitna na ng court ang mga players. Since opening ito ng basketball league. Excited na excited talaga ang lahat ng manonood maski ang buong manlalaro.
BINABASA MO ANG
Classmate [COMPLETED]
RomanceWhen Sherry and Noah got stucked inside a closed classroom. They need to stay there for the whole one night with only the two of them. Until something happened to them uncontrollably that eventually changes into a wild lust of satisfaction. Mature C...