CHAPTER 21
"Kita tayo bukas, Sherry! Proud na proud talaga ako sa 'yo!" kinikilig na saad ni Mia sa kaibigan.
Ito namang si Sherry ay parang isdang binilad ng matagal sa araw, sa sobrang panghihina nito. "Ang saya mo a. Kung ikaw na lang kaya gumawa no'n, hindi 'yong pinapahirapan nyo pa ako."
Natawa lang si Mia at niyakap ang kaibigan. "Ano ka ba, grow up girl! Naka-move on ka na nga sa ex mo o. Ituloy-tuloy mo na 'to para naman mas lapitan ka pa ni Noah!"
Noah na naman? Sherry rolled her eyes by the mention of that guy's name again. "Feeling ko talaga shini-ship mo 'ko sa mokong na 'yon e."
Mia laughed. "Nakakatawa ka talaga. Pero kahit lutang ka minsan, mahal pa rin kita."
"Umuwi ka na nga. Nakakapagod kang kasama ngayong araw. Dapat umabsent ka na lang e. Wala pa sana akong problema ngayon." inis na reklamo ni Sherry dito.
"E ikaw naman pinakiusapan. Alangan namang agawin ko opportunity mo, baliw ka ba?"
"E hindi ko nga kasi tinatanggap. I politely declined!"
"Pero tinanggap mo naman sa huli."
"Dahil wala akong choice!"
"Ang ganda mo raw sabi ng buong team!"
"Umalis ka na nga lang!"
--
Nang mawala sa paningin ni Sherry ang kaibigan, mag-isa na sya ngayong naglalakad sa kalye. Ilang beses na syang napapabuga ng hangin at pilit inaalis sa isip ang mga bagay na bumabagabag sa kanya.
Naiinis sya. Yet she doesn't have a reason to hate them. Dahil sa totoo lang, mas nababahala pa nga sya para sa team dahil baka ipahiya pa nya ang mga ito.
All her life. Ni hindi nya naisipang rumampa sa harap ng maraming tao. Naisip nyang mag-practice sa kwarto nya 'pag dating nya pero hindi pa rin sya confident na magagawa nya ito ng maayos.
"Tuturuan kaya ako ni Shaine? E? Paano kung hindi? Naku naman. Si Mia. Marunong kaya 'yon? Ba't ba hindi ko man lang natanong ang babaeng 'yon? Kainis!" nagsasalita sya mag-isa.
Hanggang sa naisip nyang mag-practice rito sa kalye. Tutal wala namang tao rito, mas mabuti na ring sanayin nya kahit sandali. Pero paano nga ba? Asar! Hindi ko talaga makuha!
"Shaine's better than you." nabigla si Sherry nang may magsalita sa likod nya.
Nang malingon ng dalaga ang nagmamay-ari no'n ay mas lalong sumama ang tingin nya. "I know that, idiot."
Then Noah smirked. "But you're prettier than her."
Ang masamang titig ni Sherry ay mas lalo pang sumama. "Thanks for the lie."
"Hindi mo naman kailangang manalo e. You'll just represent our team."
Nang marinig 'yon ni Sherry. Napalingon sya muli sa binata. "E paano ang reputasyon ni Shaine?"
"You're not Shaine." sagot lang ni Noah na umiiling dito. Sabay naglakad ang binata palapit kay Sherry. Naiilang ang dalaga na tumalikod subalit bago pa man sya makahakbang paalis, mahigpit na yakap ni Noah ang kaagad gumapos sa buong katawan nya mula sa likod.
Mukhang bagong ligo lang ang binata mula sa practice nila. Mabango ito sa pang-amoy ng dalaga at para syang mahihipnotismo sa bango nito.
"Kahit hindi ka manalo. Ikaw pa rin ang pinakamagandang muse na nakilala ko. To be honest. Nabigla ako na ikaw ang ipinalit ni Shaine sa pwesto nya."
"Temporary lang 'yon."
"You surprised me, baby. And I'm worried. Too worried na baka hindi ako makatulog mamaya. Pwede bang makitulog ako sa iny—"
BINABASA MO ANG
Classmate [COMPLETED]
RomanceWhen Sherry and Noah got stucked inside a closed classroom. They need to stay there for the whole one night with only the two of them. Until something happened to them uncontrollably that eventually changes into a wild lust of satisfaction. Mature C...
![Classmate [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/354519193-64-k658500.jpg)