CHAPTER 10
"Good afternoon po, sir Noah." bati ng guwardiya sa binata.
"Nandyan na ba sina dad?"
"Yes po. Kanina pa po kayo hinihintay."
"Okay." tinapik ng binata sa balikat ang guard bago ito lumagpas papasok sa mansyon.
Nagtataka ang guwardiya dahil do'n.
"Hoy. May sakit ba si Sir Noah ngayon?" tanong no'ng kasama nitong guard na nasa guardhouse sa gilid.
"Ewan. Ngayon ko lang kasi sya nakitang ganito ka-bait sa 'tin."
"Baka may girlfriend." biro pa no'ng nasa guardhouse at natawa.
"Malabo. 'Yang si sir? Naku! No'ng dito pa 'yan nakatira sa mansyon nila, hindi ko na mabilang kung ilang babae na kinama nyan sa kwarto nya gabi-gabi."
"Talaga?"
"Bago ka pa lang dito kaya hindi mo pa 'yon nasasaksihan."
"Hindi naman kasi makakatanggi babae riyan."
"Pero baka nga tama rin sinabi mo. Nagbabago dahil sa babae."
"Haha. Ewan. Wag na lang tayong maki-tsismis. Baka mawalan pa tayo ng trabaho."
--
Nang makapasok si Noah sa kanilang mansyon. Isang matinis na sigaw ng babae ang kaagad umalingawngaw habang papalapit ito nang papalapit sa kanya mula sa grand staircase.
"ANAKK!" sigaw ng isang middle-aged woman na maputi at napakarangya ang kasuotan na pumapanaog nang nakahanda ang kanyang yakap para sa anak.
Noah smiled mildly to the woman at tinanggap din ang yakap nito sa kanya. "I told you to stop doing hasty steps kapag bumababa ka sa hagdanan. Kailan ka ba kailangang pagsabihan, mom."
"See, Veronica? Told you he's gonna scold you about it." tapos ay isang boses lalaki naman ang sumunod at nang angatan ni Noah ang tingin sa tuktok ng staircase, there came emerge a guy with its complete tux attire and a raven black hair, tobacco on his left hand, and his other one is inside his pants' pocket.
Napakunot ang noo ng binata rito. "Dad. I also told you to stop putting your hands inside your pocket kapag bumababa ka ng hagdan."
Nagulat ang lalaki at napabuntong-hiningang inalis ang kamay sa bulsa. Ngumiti itong napapailing. "You always got me, son. I'm really proud of you."
Noah rolled his eyes. "It's nothing to be proud of, dad. Hindi nyo naman kasi tinutupad mga sinasabi nyo. Isa pa 'tong advance flight nyo. Akala ko sa iisang linggo pa ang lipad nyo rito mula sa Paris?"
Tumingin sa kanya ang kanyang ina. "E alam mo namang nami-miss ka na namin ng papa mo. Ilang taon na rin mula no'ng huling reunion nating magkapamilya. Didn't you missed us too, darling?"
Tumingin si Noah sa kanyang papa sa bandang likuran. But he only gave out a meaningful smile kaya't napabuntong-hininga si Noah na tumingin sa kanyang ina. "Of course, I missed you, mom. Lahat kayo."
His mother giggled, dahil sa tuwa nito. "I love you, son!" then she offered a kiss.
"No, mom. Hindi na ako bata so please, stop kissing me already."
"Why? You're still our baby, Noah."
"Mom! You promised not to do it anymore, remember? Nakalimutan mo na ba 'yon?"
"Nope. Hindi ko matandaan."
"Mom!"
Natatawa na lang ang padre de pamilyang si Ginoong Brown habang pinapanood ang kanyang mag-ina na ganito.
BINABASA MO ANG
Classmate [COMPLETED]
RomanceWhen Sherry and Noah got stucked inside a closed classroom. They need to stay there for the whole one night with only the two of them. Until something happened to them uncontrollably that eventually changes into a wild lust of satisfaction. Mature C...
![Classmate [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/354519193-64-k658500.jpg)