CHAPTER 19

304 5 0
                                        

CHAPTER 19

Tree couldn't respond.

Napangiti na lamang sya sa kaibigan.

Kasabay ay nilagpasan sya ni Noah. Hinawakan ang kamay ni Sherry na tulala at kinaladkad ito papalabas ng room na 'yon.

"Sherry? Ahm..." nilagpasan pati si Mia kaya't nagulat si Sherry na lumingon sa dalaga. As if asking for her help dahil hindi man lang ito makapagsalita dahil sa bilis ng mga pangyayari.

But Mia. Seeing how Noah protected her friend hindi nya maiwasang mapangiti na lang din kasabay ng buntong-hininga at ngiting kumaway sa kaibigan. "You're safe now. Don't worry." she mouthed.

Sherry glared at her kaya't natawa na lang si Mia.

Nang makawala sina Noah at Sherry sa mausisang mga mata, tsaka lamang binitiwan ng binata si Sherry at pinaharap ito sa kanya. "Are you okay? Sinaktan ka ba nya? Did she touched you? Ano, Sherry. Tell me everything. As in every detail of what he did to you!"

"OA ka. Tumigil ka na nga." sagot lang ng dalaga sa kanya bago ito naglakad palagpas kay Noah.

Ngunit mas mabilis na yakap ng binata sa likod ni Sherry ang nangyari kaya't gulat na nahinto sa paglalakad ang dalaga.

Ramdam nila ang init ng kanilang mga katawan. Naaamoy ni Noah ang pabango ng dalaga, at gano'n din ang dalaga kay Noah.

"Hindi ka man lang ba mag-thi-thank you?" bulong ni Noah dito.

Napabuga ng hangin si Sherry. "Ang harsh pala ng kapatid mo. Di mo man lang sinabing ka-dugo mo pala 'yon. Well. Mukhang hindi na nga nakapagtatakang related kayo—"

"Dami mo namang sinasabi."

"Thank you. Ayan. Pwede mo na ba akong pakawalan? Baka may makakita sa 'tin dito." saad ng dalaga at nagpilit kumalas sa bisig ng binata.

But Noah wasn't planning on doing it now. Instead mas mahigpit pa ang yakap nito sa dalaga. A tight hug just enough to keep the girl close to him. "Nasa gilid tayo ng gym court. No one will saw us here. Trust me."

"Oo na. Wala nga. So, bitiwan mo na ako. Kasi gusto ko nang umuwi."

"Hindi ka pa nag-thi-thank you."

Lito syang nilingon ng dalaga. "Bingi ka ba?"

"Yes."

Napabuga ng hangin si Sherry sa ka-weirduhang ipinapakita na naman ng lalaking ito sa kanya. "Ang clingy mo masyado. Bagsak ka na agad bilang manliligaw kapag ganyan ka lagi sa dalagang nililigawan mo."

Napabitiw si Noah sa dalaga kaya't malawak ang ngiti ni Sherry na humarap sa binata. "Thank you! Gentleman naman pala e. Alis na ako."

Sabay iniwang tulala si Noah doon. "So pinapayagan mo na akong manligaw sa 'yo?"

"Hindi. Asa ka pa. Mambabae ka na lang."

--

Nasa library si Sherry.

Wala pa ang kaibigan nya dahil may nilakad na naman daw itong emergency.

Tahimik na naghahanap ng libro si Sherry sa bookshelves. After a minute of searching may nahanap din syang literature book kaya't kinuha nya agad ito roon.

"Hi baby!" bigla namang sumulpot si Noah sa gilid nya kaya't sa gulat ng dalaga'y walang isip-isip nitong naihampas sa noo ng binata ang makapal na librong 'yon. "Oww! Fuck!" ungol nito't napahawak sa noo.

"Ah sor—... nevermind. Dapat pala nilakasan ko." sabay mataray na iniwan doon si Noah na gulat na gulat pa rin.

Noah badly wants to grab this girl, pin her back against the wall and kiss her till she moans. Pero may parte kay Noah na gusto nyang baguhin sa sarili nya.

Classmate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon