CHAPTER 18
Lahat na yata ng mata. Sa kanila na nakatingin. Nagbubulungan at may iba pang palihim na kumukuha ng pictures para lang makuha ang maamong mukha ng binata para sa gallery nila.
Nasa upuan na sila. Katabi ni Noah si Sherry habang itong si Mia naman ay nasa kaharap lang ng dalaga nakapwesto. Hindi nya alam kung anong ire-react dahil hanggang ngayon ay tuliro pa rin ito sa kanyang nakikita.
Yes.
Noah is dangerous for her friend. Alam na alam nya 'yon. Pero ano bang gagawin nya sa sitwasyong ito? An option would be, tatanggihan nila ang alok nito, obviously.
Pero dahil na rin sa kakaibang karisma ng binata. Wala ring kakayahan si Mia na tumanggi pa sa sasabihin ni Noah. Kunting titig at ngiti lang. Hundred-percent syang magiging alipin nito at gagawin ang lahat makita lang na ngumiti ulit ang binatang ito.
Paano ko ba hindi napagmasdan ng ganito kalapit ang mukha mo? Noah? Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Mia habang pinagmamasdan ito.
But Noah's attention was completely away from him at ayos lang 'yon sa kanya. Dahil kung sa kaibigan nyang si Sherry naman ito mapupunta, malamang ayos lang sa kanya. Totally fine! Finer han the finest cushion in the world.
Kumakain si Mia sa pagkaing inorder ng lalaking ito. Habang ang isang set ay para naman kay Sherry. "Ano bang ginagawa mo rito?" pabulong na tanong ng dalaga. Hindi nya gustong tingnan si Noah at kumain na lang. Tutal libre naman. Tatanggi pa ba sya? Ang sarap kaya 'pag libre!
"Hindi ba obvious? I'm feeding my baby. Ayokong nagugutom ka." sabay hinawakan ang hibla ng buhok ng dalaga't inayos ito sa likod ng tainga ni Sherry.
Mahinang pagtili ang nagawa ni Mia.
But Sherry glared at her friend and looked sideway at the guy. "Hindi ako bata kaya tigilan mo na itong kalokohang 'to, Noah. Nakakahiya ka." galit nitong saad at sabay lamon ng pagkain.
"Aalis ako kapag pumayag kang ligawan kita." she can feel the warm of his breath to her ears sa sobrang lapit nito.
Ito namang si Mia ay abot-langit ang ngiti habang humihigop sa juice nya. Nililipat-lipat ang titig sa dalawang ito.
Sherry glared away. "Sorry. Study first ako e." pagtataray nito bago kinuha sa mesa ang juice at uminom doon.
Napabuga ng hangin si Noah, while Mia couldn't control on slapping her face in disbelief.
Ngunit mas lumapit pa si Noah sa tabi ng dalaga at ilang pulgada na lang ay mahahalikan nya na ito sa leeg. Nailang si Sherry dahil do'n pero pinigil nyang wag tumili.
"Let me clarify something here. Miss Sherry." bulong ng binata at inamoy ang pabangong kumapit sa leeg ni Sherry.
Nagulat ang dalaga dahil do'n.
"I'm not asking you. Because that's a statement and there's no other answer than a simple yes, naiintindihan mo? Eat your fill, baby. Kita tayo mamaya."
Sabay tumayo ang binata at nakapamulsang umalis doon. Pinagtitinginan na si Sherry ng mga taong nandito dahil do'n.
Napanganga naman si Mia at tila mas lalong kinikilig dahil sa nasasaksihan nya.
--
Pauwi na silang dalawa. Nang may mapansin silang tao sa may dulo ng pasilyo dahilan upang mahinto rin sila't mapabalik ng lakad papalayo.
"Why is that freak inside the school?" bulong na naiinis ni Sherry sa kaibigan.
"Hindi ko rin alam." mabibilis na paglalakad ang ginagawa nila makababa lang sa building gamit 'yong hagdanan sa kabilang dulo ng pasilyo.
BINABASA MO ANG
Classmate [COMPLETED]
RomantikWhen Sherry and Noah got stucked inside a closed classroom. They need to stay there for the whole one night with only the two of them. Until something happened to them uncontrollably that eventually changes into a wild lust of satisfaction. Mature C...
![Classmate [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/354519193-64-k658500.jpg)