CHAPTER 24

286 5 0
                                        

CHAPTER 24

Tahimik si Sherry at Noah sa kanilang upuan.

Amoy na amoy nila ang masarap na handa ng mama ni Sherry sa kanilang lamesa ngunit dahil sa matutulis pa sa karayom na titig ng mama nito'y tila naestatuwa na lang silang dalawa roon.

They finished praying. Mga sampung minuto na ang lumilipas ngunit hanggang ngayo'y wala pa ring ni isa sa kanila ang gumagalaw upang simulan na ang pagkain.

Noah was already used to confront people, ngunit sa mama ng babaeng nagugustuhan nya'y tila isa na lamang syang maliit na kuting na nakakita ng malaking aso.

Para na syang sinasaktan nito sa utak kaya't napapalunok ang binata na pilit ngumiti na inangatan ng tingin ang mama ng dalaga. "P-pwede na po ba akong kumain?" nauutal din sya. Akala nya madali lang harapin ang ganito, masyado syang kampante no'ng nasa bahay pa sya pero ngayong nasa aktuwal na labanan na sya, parang nalusaw lahat ng kapal sa katawan nya at nahihiya kahit na ang huminga.

"Ano bang pangalan mo?" matigas na tanong nito sa binata.

"Ma. Tinanong mo na sya kanina pa sa pinto. Wag mong sabihing nakalimu—"

"Hindi ikaw ang kausap ko, dalagang maharot."

"Ma! Hindi nga kami magjowa! Ilang beses ko bang lilinawin 'yon sa inyo?" sigaw ni Sherry.

Masama syang tinitigan ng kanyang mama na nakataas ang isang kilay. "Sinisigawan mo 'ko?"

Sherry's trying her best to calm down. "Ang ibig ko pong sabihin. Wala po kaming relasyon ni Noah. Kaya please po. Paniwalaan nyo naman ang anak nyo. Kahit ngayon lang." nakikiusap si Sherry sa mama nya.

"Totoo ba ang sinasabi ng anak ko?" nilingon naman nito si Noah.

Ngumiti ang binata. "Ang totoo po nyan. Nililigawan ko po ang anak nyo."

"Which is, hindi ko naman po pinayagan." sabay dilat ang matang tumitig si Sherry sa binata. Then nalipat ang tingin sa kanyang mama. "Kaya po sana. Wag na natin 'tong palakihin pa. Pramis. Hindi po talaga ako magjo-jowa ng gaya nya. Babaero po sya at—"

Tinaas ng mama nya ang kamay kaya't nahinto si Sherry sa pagpapaliwanag. Nalipat ang tingin sa binata. "Marunong ka bang magluto?"

Nagtaka ang dalaga sa sinabi ng kanyang mama. Gusto nyang sumabat upang magtanong subalit mabilis namang tumango si Noah. "Mahusay po akong magluto."

"Sabi ng anak ko, babaero ka raw."

"Hindi ko po 'yon kayang i-deny sa inyo. Pero nagbago na po ako. Mula nang makilala ko ang anak nyo wala na akong nakitang ibang babae maliban sa kanya." sabay palihim namang gumapang ang kamay ni Noah sa gitna ng hita ng dalaga.

Bahagyang nagulat si Sherry nang maramdaman ang kamay doon kaya't nanlalaki ang mata nitong tumingin sa binata. Sabay pasimpleng winakli ang kamay ni Noah at binalik ang tingin sa kanyang mama.

"Mga kabataan talaga ngayon. Ang daming alam na pakulo kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan." diretsahang komento naman ng mama ni Sherry sabay lamon ng handa nya.

"Tama ka, ma. Kaya wag ka pong maniwala sa—"

"Pero para sa anak ko. Paniniwalaan kita." nabigla pareho si Noah at Sherry sa sinabi nito.

"P-po?" tanong ni Noah. He definitely did not expect that words to come out from Sherry's mother.

Si Sherry naman ay napamaang ang bibig.

Tumingin ang mama nya sa binata na may kunot ang noo. "Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko payag akong ligawan mo ang anak ko. Pero kapag nalaman kong pinaiyak mo ang anak ko. Kilala ko ang mga magulang mo kaya mag-ingat-ingat ka sa mga sinasabi mo. Dahil sisiguraduhin kong magsisisi ka sa oras na iniwan mo si Sherry, maliwanag ba?"

Classmate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon