| | KABANATA 6 | |

36 4 0
                                    

KABANATA 6














EMAIL








"Ouch!" Bulong ko dahil sobrang sakit ng ulo ko pag bukas ko ng mata ko. Tuminggin ako sa paligid at wala ako sa bahay at sa condo ko!

Nasa bahay ako ni Noel. What the hell? Nasobrahan talaga ako kagabi.

Narinig ko na biglang pagbukas ng pinto dito.

"Hey, hey! Dahan dahan lang."

Nakita ko na palapit si Noel saakin at may dalang isang basong tubig.

"Are you okay now?"

Dahan dahan akong tumango. "Ah! Ano ba 'to?! Ang dami kung ininom. May trabaho pa ako ngayon. Sabi na talaga na hindi ako iinom eh!"

Umiling iling naman si Noel. "Don't worry. I already called your PA na hindi ka makaka pasok ngayon dahil masama ang pakiramdam mo. Huwag mo ng pilitin ang katawan mo, Rhea. Baka mas lalo ka pa mag kasakit. Mag pahinga ka muna and tara na, ready na ang breakfast."

Tumango ako. "Susunod ako."

Pag kalabas ni Noel ay dahan dahan akong pumasok sa CR niya dito sa kwarto. Parang nasusuka pa nga ang lalamunan ko.

Ang damit ko ngayon ay ang damit ko pa pala kagabi. Tuminggin ako sa paligid at may nakita akong black sando, sobrang laki saakin kasi kay Noel 'to. Ito nalang muna ang susuotin ko kasi mas komportable ako sa damit na 'to.

Nag hilamos ako at inayos ko ang muka ko at tinali ang buhok ko, magulo ang pag kakatali ko pero okay na 'to, si Noel lang naman ang makakakita. Lumabas na ako sa kwarto at umupo na ako sa upuan na nasa harap ni Noel.

"Hiramin ko muna 'to ah?"

"Sure." Noel smiled.

"So anong nangyari kagabi? Sila Audi, Kim, Mariah at Ashlyn? Sino ang nag hatid sakanila?"

He smiled. "Ang nangyari kagabi ay uminom ka. Napasobra ata and your girl friends, hinatid ko sila isa isa."

Nanlaki ang mata ko. "What? Isa isa?"

"Yep. I don't want to disturb anyone last night. Responsibilidad ko kayo kagabi since ako ang nag imbita sainyo."

Pinikit ko ang mata ko at hinawakan ang noo ko at tuminggin kay Noel. "Thanks, Noel. I really appreciate it."

He nodded and he smiled. "You're welcome. Kumain ka na. Gumawa din ako ng soup para sa hangover mo."

Katapos ko kumain ay uuwi na sana ako ng biglang nag salita si Noel na ihahatid nalang daw niya ako. Tumango naman ako, since mag tr-trabaho siya, dadaan naman siya sa condo ko kaya ihanatid nalang daw niya ako.

"Thanks, Noel. I really appreciate it. Makakabawi din ako." I said.

"Huwag mo na isipin 'yan." He smiled. "So, alis na ako. Bye, Rhea!"

"Bye! Ingat!"

Pumasok na ako sa condo ko at humiga ako sa sofa, gusto ko pa matulog pero mas gusto ko mag trabaho. Kinuha ko ang cellphone ko at mag memessage ako sa GC namin.

Rhea:

Guys, thank Noel for bringing you all home last night.

Walang nag reply sakanila dahil mga tulog pa 'to. Mas maraming nainom silang apat kaya sigurado ako na sobrang tulog pa sila.

Buti nalang talaga hindi kami pinabayaan ni Noel. Kahit anong oras na kami nakauwi kagabi ay nag tr-trabaho padin si Noel ngayon. Kaya agad akong dumiretso sa CR at naligo na. Papasok parin ako ngayon kahit ten am na.

Agad akong nag bihis at tinawagan si Hazel.

"Hello, ma'am. Good morning.."

"Good morning, Hazel. I will come to work today, and I'm sorry I'm late. I want hot coffee on my table."

"Copy."

Lumabas na ako sa condo ko at agad na dumiretso sa parking lot at dumiretso na sa sasakyan.

Buti nalang at walang mga paparazzi na naman na nag pipicture sa sasakyan ko habang byahe ako.

Nakarating na ako sa opisina ko at linagay na ni Hazel ang kape at ang mga papeles na kailangan ko aprobahan.

"So, ma'am, your meetings for today were just moved to tomorrow, and there is another article about you and Sir Noel."

I looked at Hazel. "Stop reading those articles. You know, it's not true. Give me my schedule."

"Here."

Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang messages ng mga kaibigan ko. Nag padala pala sila ng pagkain sa opisina ni Noel para mag pasalamat daw.

"Hazel, order a pizza."

"Copy, ma'am."

Grabe hindi pa pala ako nag lu-lunch. Okay na 'to na pizza nalang muna. Mamaya na ako kakain ng madami, mamayang gabi.

Madilim na pala. Mamaya na ako uuwi. Mag oovertime nalang ako since late naman ako pumasok.

"Hello po ma'am. Good evening. Overtime na naman po kayo?"

I smiled. "Oo kasi late na ako pumasok. Uuwi na kayo?"

"Yes po."

I nodded. "Sige, ingat."

"Sige po. Ingat din po kayo dito at sa pag uwi niyo."

Tumango ako at ngumiti.

Nag la-laptop ako ngayon ng biglang may nag pop saakin ng isang email.

Lumakas ang pintig ng puso ko. No! Impossible!

From williamstainfield@gmail.com

Hi, Rhea. You will probably see this one year from now. I'm sorry I didn't ask permission properly before I left. I'm deeply sorry. I know you saw the letter and the three words. But did you see the letter I left on our favorite terrace? I was waiting for you here in Santorini. But I guess you did not read the letter because you didn't come here, or you read the letter but you just didn't come here because you hate me.

I know it's weird that I left the other letter on our terrace. I left it there because if you miss me, you will go to the terrace and find the letter.

Lastly, I just want to say sorry. I know my auntie went to our condo, and you know, I know she said bad things to you. I'm also sorry for what happened to Raul. He's a good friend and a good brother.

I love you, my babe. I will be waiting for you. Let me love you right this time. I don't think I loved you right before because I left you without saying a proper good-bye.

So now, Let Me Love You right this time.

-Liam

Let Me Love You (Let Me Trilogy Book 3)Where stories live. Discover now