KABANATA 29
EVERY PART
Nasa treehouse kami ngayon ni Noel at tapos na din kami mag dinner kaya napag desisyonan namin na dito nalang muna kami.
Ang ganda dito, nakikita namin ang buwan at mga butuin and nakikita ko din dito ang bubong sa bahay ni Raul at sa likod naman namin ay nakikita ko ng medjo ang eskwelahan dito.
"Any plans for tomorrow?" Noel asked.
"Uhm, gusto ko pumunta sa burol at dumaan sa bahay."
"Oh, nice. Samahan na kita-"
"Huwag lang muna, Noel. Gusto ko muna na mag isa ako mag libot-libot dito sa probinsya. Tsaka kabisado ko na 'to, alam ko panaman paano umuwi." I smiled.
"You sure? Baka pag kaguluhan ka."
"No, don't worry. Kilala ko ang mga tao dito."
Tumango siya. "By the way, sorry nga pala kagabi. Tumabi na ako sa'yo kasi antok na antok na din ako."
Tumango ako at ngumiti. "It's okay. Pagod na pagod tayo kagabi kaya hindi na din tayo nakapag ayos sa hihigaan natin."
"Ngayong gabi, sa baba na ako matutulog. Binigyan ako ni tita ng extra na foam."
Tumango ako. "Okay sige. Humiram pala ako kay tita Lucy ng bike para bukas."
Noel chuckled. "Marunong ka mag bike? Parang never kita nakita na nag bike."
"Marunong ako. Bata palang ako marunong na ako mag bike and madali lang naman aralin ang bike." I smiled.
Pag ka gising ko ay nakita ko na natutulog pa si Noel and dahan dahan akong lumabas sa bahay. Pag kabukas ko sa bintana ay naaninag ko agad ang sunrise na malapit sa bukid. Ang sarap ng hangin.
Nag timpla na ako ng kape at habang nag titimpla ako ay narinig ko na may nag lilibot ng pandesal kaya bumili ako.
Lumabas ako sa bahay para duon mag kape at natatamaan ako ng sunrise kaya ang sarap sa pakiramdam. Habang nag kakape ako ay nakikita ko naman ang mga batang naka school uniform na papunta na sa eskwelahan nila.
Then, I remember about that school. Huminga nalang ako ng malalim.
Napatinggin ako dahil bumukas na ang pinto ng bahay nila tita Lucy kaya agad na akong pumasok sa bahay para maligo. Suot ko ngayon ang black shorts and white t-shirt lang dahil ayoko mag dress kasi mag bi-bike ako.
Tulog pa ang mga tao dito kaya dahan dahan akong lumabas sa bahay. Agad na akong dumiretso sa bahay nila tita Lucy at nakita ko siya nag nag wawalis sa bahay nila.
"Good morning, tita Lucy."
"Oh, good morning. Anduon sa likod hija ang bisikleta. Pero mag almusal ka muna."
"Tapos na po ako mag almusal, tita. Thank you po."
"Ganon ba? Sige, mag ingat ka ha."
Tumango ako. "Opo, salamat."
Agad na ako pumunta sa likod nila at kinuha ang violet na bike at may basket pa sa unahan nito kaya ang cute. Kay Nicole siguro 'to.
"Mauna na ako, tita."
"Ingat ka."
Sa likod ako dumaan kahit malayo kasi ayaw ko muna dumaan sa bahay ni Raul. Mamaya ko na 'yan dadaanan pag pauwi na ako. Pupunta muna ako sa burol.
Madaming bumati saakin dahil ilang taon na daw ako hindi umuuwi. That's why I love it here, because I can be who I really am. Hindi ko kailangan mag panggap o maging sino para sa gusto ng ibang tao.
Nakarating na ako sa burol at tuminggin ako sa puno ng mangga madami ang bunga nito kaso hindi ko kaya pumunta sa taas para kunin ang mga ito.
Tuminggin din ako sa bahay nung mag asawa na tumulong saamin noon, andyan panaman ang bahay kaso hindi ko lang alam kung sila pa ang nakatira o may nakatira pa ba diyan.
Pipicturan kuna sana ang paligid kaso pag kapa ko sa bulsa ko, hindi ko na pala nadala ang cellphone ko.
Dahan dahan ako bumaba sa burol at pag kababa ko ay huminga ako ng malalim. Dadaan ako sa bahay ni Raul.
Tuminggin ako sa langit. "I miss you, Raul." Bulong ko.
Mas madali nalang ang pag uwi ko ngayon dahil hindi ako lilibot dahil dito ako dadaan sa bahay ni Raul.
Habang papalapit na ako ay hindi ko ma kontrol ang pag pedal, parang nanghihina ako kaya ang bagal nang pag pedal ko.
Nakita ko na, napapalibutan na ito ng mga puno kaya hindi na makita ng buo ang bahay. Dahan dahan tumulo ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan kasi baka may makakita pa saakin.
Dito lang ako sa labas. Hindi ko pa kaya pumasok. Ni hindi ko kaya lumapit sa gate o kahit hawakan manlang ito. Hindi ko pa kaya sa ngayon. Hanggang dito lang muna ako. Hanggang tinggin.
I can't do it right now because every part of that house has happy memories of me, Raul and Liam.
Parang pinipiga ang buong kalamnan ko. Parang sa ngayong punto, gagawin ko ang lahat makita, maramdaman at mayakap ko si Raul.
May mga araw na sobrang na mimiss ko siya kaya nag bisi-bisihan nalang ako para hindi ko siya ma miss ng sobra.
"Rhea!"
Lumingon ako at nakita ko ang nag aalalang muka at patakbo na dito na si Noel.
"Where have you been? I've been calling you kaso naiwan mo ang cellphone mo."
"Ah-" Hindi ko pinagpatuloy ang boses ko kasi nag cr-crack. Dahil siguro sa pag pipigil ko umiyak.
"Hey, what happened? Are you okay? Did you cry? Your cheeks are so red."
"No, I'm okay. I'm sorry, naiwan ko ang phone ko."
Tumango siya at tuminggin sa bahay ni Raul. Huminga siya ng malalim at malalim siyang tuminggin saakin.
"I told you, just come here, if you are already ready."
"I am ready, Noel. But it still hurts me."
"I know, I understand. I know. I'm sorry dahil wala din akong pwedeng gawin o kayang gawin para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo."
I nodded. "I just wish Raul were here. I just wish everything could go back to how it was before. I don't care where the world takes me. I just want Raul beside me."
YOU ARE READING
Let Me Love You (Let Me Trilogy Book 3)
Ficción GeneralTime has passed and they are getting older, but why they can't still get what they wanted when they were young? Is it okay to focus on something even though you know in yourself that it is not for you? If you love someone, you must love them right...