KABANATA 33
PHONE NUMBER
"Ah, sorry guys. I called him kasi siya lang ang makakatulong saakin ngayon sa kusina. Wala tayong chef ngayon, bub." Luciano said.
"Ngayon pa talaga nawala." Bulong ni Thailee.
Dumiretso na si Liam kay Luciano. Hindi ko siya kayang titigan pero nakita ko sa peripheral ko na bago siya pumasok sa kusina, tumingin muna siya saakin.
"Okay lang ba sa'yo na andito si Liam?" Thailee asked.
Ilang segundo ako hindi nakasagot dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Kaya ko ba? Hindi ko alam.
"Ah, nasan ang CR dito?"
'Yun nalang ang mga katagang lumabas sa bibig ko dahil wala akong masabi.
"Sa dulo, liko ka lang."
Tumango ako at agad na dumiretso duon.
Pag kapasok ko sa CR ay nabitawan ko na ang bag ko sa sobrang panghihina. Humarap ako sa salamin at bumibilis na ang pag hinga ko dahil sa pag pipigil na umiyak.
Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa baka hindi ko na mapigilan ay marinig nila ako, nag eecho paman din dito.
Gusto kung murahin, saktan at gawin ang lahat para masaktan lang si Liam pero alam ko pag gawin ko 'yun ay mas masasaktan ako.
Dahil kahit anong gawin ko, meron parin talaga, meron parin siyang parte sa puso ko na kahit sinong tao na dumaan sa buhay ko ay hindi kayang palitan ang pwesto ni Liam.
Agad ko kinuha ang foundation ko dahil sobrang pula ko na. Dapat hindi nila mahalata na nag kaganito ako. Dapat lumabas ako na parang walang nangyari, at dapat lumabas ako na parang handa ko ng harapin si Liam.
Kaya mo 'to, Rhea. Kaya mo 'to.
Nanlaki ang mata ko dahil andito na pala si Thailee sa labas ng CR nag hihintay saakin.
"Are you okay?" She asked.
Tipid akong ngumiti. "Yea. Tara na."
Sabay na kaming nag lakad papunta duon at umupo na kami agad.
Lumabas na si Luciano dala ang pagkain at nasa likod niya si Liam.
Bumibilis ang tibok ng puso ko ng tuminggin siya saakin kaya sa pagkain nalang ako tuminggin.
Nanlaki ang mata ko dahil tumabi siya saakin. Bakit? Nakakainis ka talaga Liam!
"So how are you, Rhea? Ngayon lang ata tayo makaka pag usap ng maayos simula nung umalis ka."
I smiled. "I'm good."
"Buti nga at naka uwi din itong si Liam kasi sabi ko bakasyon naman, it's time for him to go home."
Tuminggin ako sakanya at ang mata niya ay nasa baso lang.
"By the way, mag kapitbahay-"
Natigilan si Luciano sa pag sasalita dahil siniko siya ni Thailee.
Thailee smiled. "Kain na tayo."
"Yes."
Tuminggin ako kay Liam dahil nag salita siya.
"Huh?" Si Luciano.
"We are neighbors."
Nabitawan ko ang tinidor at nanlaki ang mata ko sakanya.
"Beverly Hills, right?" Si Liam at tuminggin saakin.
I fake my smile. "Yea. So it was really you."
"At first, I thought it wasn't you. But when I saw Noel at your house, I can confirm that it was you."
Tumango lang ako at kinain ang meatballs na andito sa plato ko.
"Are you together-"
"I don't wanna talk about it."
Pinutol ko ang sinasabi niya. Wala siyang karapatan na itanong 'yun saakin!
"Ow." Ani ni Luciano.
"Stop it, Luciano. Ano ka ba!" Rinig kung bulong ni Thailee. "Let's eat." Thailee smiled to me.
Walang nag sasalita saamin habang kumakain kami at tanging mga kutsara at tinidor lang ang may ingay habang kumakain kami.
Akward talaga. Hindi ako makapaniwala na andito ako at nangyayari 'to.
"Thanks, guys. It was a great catch up. Sa uulitin, I guess?" I smiled.
"Yes! Of course! I would love that! By the way, number mo pa rin ba ang number mo dati?" Thailee asked.
"Ah, hindi na. But I can give you my new number." I gave Thailee my card.
"Thanks." Aniya.
"Ingat!" Si Luciano.
I smiled to them at sumakay na sasakyan.
Nasa likod ni Luciano si Liam at seryoso lang siya nakatinggin saakin. Umalis na ako at nakita ko sa side mirror na lumapit si Liam kay Thailee at tiningnan nito ang card na binigay ko.
Tuminggin ako sa oras and it's two pm. I wonder kung ano ang ginagawa ngayon ni Noel.
Pag karating ko sa bahay ay nakita ko siya sa kusina kumukuha ng tubig.
"Hey." Aniya.
"Hey." I said at umupo sa dining chair.
"Kumusta? Hindi ka ba pinag kaguluhan sa labas?" Noel chuckled.
I smiled. "Hindi naman but uhm, Noel. I have something to tell you."
Huminga ako ng malalim. Sabihin ko nalang kay Noel ang nangyari ngayon. Ayoko na mag lihim sakanya.
"I met Luciano and Thailee kanina sa grocery store, aksidente lang. They invited me na mag lunch sa restu nila and unexpected na mag kita din kami duon ni Liam- oh my God!"
Nagulat ako dahil nalaglag ni Luciano ang stainless na baso na hawak niya.
"Liam?" Luminga siya saakin.
Dahan dahan akong tumango. "So he's the reason why you aren't picking up my calls-"
"No. Of course not. Pinatay ko ang cellphone ko dahil nag uusap kami ni Thailee. You know, she's my friend."
"And then, what happened next?" Aniya at umupo na rin sa dining chair.
"Thailee asked me kung ang phone number ko pa ba ay yung dati ko so I told her na hindi na si I gave her my new phone number-"
"Rhea, hindi mo 'yan pwede ibigay basta basta. You are a public figure and your number is your private information."
"Thailee is my friend, Noel. I know her." Seryoso kung sabi.
"Thailee is your friend, who is Luciano's wife, right? And Luciano is Liam's friend, so what now? Alam mo ba ang sunod na mangyayari? Pwede nila ibigay 'yun in public to gain- kung ano man ang gusto nila." Naka kunot na noo na ani ni Noel.
"Hindi ako nag iisip ng ganyan because kilala ko sila. Oo nasaktan ako ni Liam, pero alam ko, hindi niya 'yun gagawin, alam ko. May tiwala parin ako sakanya kahit papano. Huwag ka mag alala, Noel. Hindi siya kasing sama ng iniisip mo."
YOU ARE READING
Let Me Love You (Let Me Trilogy Book 3)
Ficção GeralTime has passed and they are getting older, but why they can't still get what they wanted when they were young? Is it okay to focus on something even though you know in yourself that it is not for you? If you love someone, you must love them right...