Chapter 6

466 12 0
                                    

Seraphina's Pov

Nagising ako dahil sa malakas na tawa ng isang babae, unti unti kong minulat ang aking mga mata at bumungad saaking harapan si Mark at isang babaeng may itim at napaka habang buhok hanggang sa kanyang talampakan, Tumayo at lumapit ako sa kanila.

"Gising ka na pala binibini." Nakangiting saad niya.

"Who are you?" Naka kunot ang noong tanong ko.

"Ako si Luwina ang tagapangalaga ng kagubatang ito." Dahil sa sinabi niya nag flashbacks sa isip ko ang mga nangyari, nahulog si Mark sa tubig, tinalon ko para tulungan, may pumulupot na baging aking paa at nawalan ako ng malay.

"Where are we?" Tanong ko ulit habang iginagala ang aking tingin.

"Nasa loob kayo ng isang illusion na ginawa ko." Naka ngiting sagot niya.

"Bakit mo kami dinala dito at anong kaylangan mo saamin?" Nanggigil na tanong ni Mark, kaya napatingin ako dito, napansin kong may mga sugat siya, mukhang naglaban sila kanina. Humalakhak ng malakas si Luwina.

"Nakakalimutan mo ata ginoo kayo ang may kaylangan saakin, kaylangan niyo ng mga sangkap hindi ba?" Sagot ni Luwina.

"What do you really want?" Tanong ko. Hindi niya kami dadalhin dito kung wala siyang kaylangan.

"When I saw you entered the forest I knew from that moment that you have a good heart at alam kong ikaw ang makakatulong saakin." Seryosong sagot niya.

"Anong tulong?" Tanong ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"Nararamdaman kong nalalapit na ang huli at pinakamalaking digmaan sa pamamagitan niyo at nang mga tanong ganid sa kapangyarihan, kaya't nais kong humingi ka ng tulong sa mas nakakataas na protektahan ang kagubatang ito dahil kapag nasira ang kagubatang ito tuluyan din kaming maglalaho." Nagsusumamo ang kanyang mata habang sinasabi ang mga katagang ito.

"I will help you." Dahil sa sinabi ko ay napangiti siya.

"Maraming Salamat binibini, Dahil diyan mas padadaliin ko ang paghahanap niyo ng mga kasangkapan na kaylangan ninyo." Tumango ako sa kanya at bumaling ng tingin kay Mark na nakahandusay, Anong nangyari sa kanya?

"Huwag kang mag alala buhay pa ang iyong kaibigan kaylangan ko lamang siyang patuligin sapagkat ayaw kong may gumambala sa ating paguusap." Nakangiting saad niya habang kinukumpas ang kamay, patungo sa direksiyon ko at maya maya unti unti na akong kinain ng dilim.

I HEARD my name being called by a distant voice, Nakakaramdam din ako ng isang malambot at malamig na bagay na dumadampi sa aking bibig tila binibigyan ako ng hangin.

Nakakaramdam din ako ng tila maliliit na kuryente galing sa taong nakahawak saakin. Unti unting luminaw ang aking pandinig at napabalingkwas ako habang umubo.

"Omygosh Sera ok ka lang!?" Natarantang tanong ni Alyana pagkalapit saakin, hindi ako makasagot dahil hinihingal ako na tila sobrang pagod na pagod ako.

"Ano bang nangyari Mark!?" Bahagyang tumaas ang boses ni Xyrel.

"I don't know, kukuha na sana ako ng Pure Spring water pero nahulog ako. I was trying to swim but I couldn't move, nung papikit na ang mata ko I saw Sera swimming towards me to help me. Pero yung baging biglang pumulupot sa paa niya at nagising nalang ako na may babaeng nakatayo sa harap ko." Natatarantang  saad niya sabay sulyap saakin.

"Babae?" Tanong ni William, ngayon ko lang sila napansin nandito pala sila, inilibot ko ang mata ko at tumigil ito sa lalakeng basang basa habang madilim na nakatitig saakin. Siya ba ang nagligtas saamin?

"Luwina ang pangalan niya" Saad ko at dahan dahang tumayo.

"Luwina! Yung diwatang taga bantay ng kagubatang ito!" Gulat na gulat na sabi ni Wendy kaya tumango ako.

Celestial Academy: Unveiling Destiny (Academy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon