Chapter 54

2.6K 56 18
                                    

Seraphina's Pov

The quiet rustle of pages and the soft whispers of the other students created a comforting backround noise as I sat at the corner of the Library.

Nandito ako dahil gusto kong iwasan si Aiden. I still couldn't get over what happened yesterday, paulit ulit na pumapasok sa isip ko ang mga mata ni Aiden na puno ng pagsusumamo.

Nakatutok ang mga mata ko sa librong binabasa nang marinig ko ang pagtunog ng aking tiyan, reminding me that I hadn't eaten since breakfast. I ignored it, too engrossed in reading to care.

Out of the corner of my eye, I saw a familiar figure approaching. I looked up to see Aiden, holding a tray with what looked like a food. My heart skipped a beat, but I quickly masked my surprise with a cold expression.

Ang taong iniiwasan ko ay nandito na naman, paano ko na siya iiwasan ngayon.

"Sera." He said softly, stopping infront of my table. "Baka nagugutom ka na."

I glance at the tray, there was a sandwich, some fruit and a small bottle of juice. I felt a pang of nostalgia, naaalala ko ang pangyayari dito sa library noon. Ganitong ganito rin, dinalhan niya ako ng makakain.

I swallowed the lump on my throat, I couldn't let my self be swayed by his gestures again.

Tandaan mo Sera, Someone out there is destined for him.

"Hindi ako nagugutom." I said flatly, turning my attention back to my book.

Napabuntong hininga siya bago inilapag ang tray sa ibabaw ng mesa. "You need to eat, love. You can't keep going like this."

I didn't respond, my eyes fixed on the pages in front of me. Ramdam ko ang titig niya saakin, filled with concern and something else-regret, perhaps?

"Love, please." He continued. "Just eat something, I don't want you to get sick." There is a hint of desperation on his voice. Napatingin ako sa pagkaing dala niya. Gusto kong tumanggi but the look on his eyes stopped me.

I sighed deeply. Walang imik kong kinuha ang pagkaing dala niya. Walang nagsasalita saamin habang kumakain ako.

He was smiling at me when I finished eating the food he brought.

Inirapan ko siya. "Sayang ang pagkain kapag hindi ko kinain, Walang ibig sabihin ang ginawa ko."

He chukled lowly. "Hindi ko naman sinabing meron." Hindi ko sinagot ang sinabi niya.

"Can we talk?" He asked me softly.

Umiling ako. "Nag-usap na tayo Aiden. There's nothing to talk about anymore." Tumayo ako.

"Thank you for the lunch but I should get going ." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at nagmamadali nang umalis.

Nagtungo ako sa garden na kung saan kami magkikita ni Ace. Mamaya pa sana kami magkikita pero kaylangan ko ng umalis dahil kung hindi ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masabi ko pa ka Aiden lahat ng kinikimkim kong nararamdaman.

"Kanina ka pa ba?" Tanong ni Ace na kararating lang. Umiling ako, kahit isang oras na akong nandito.

He sat down beside me. "Sinabi ko sayo noon na may sasabihin ako sayo diba?" Tumango ako. I have a hunch what he is going to tell me but I hope I am wrong.

"Alam mo ba noong una kitang nakita sobrang nagandahan ako sayo." Nakangiti siya ng matamis.

"Sinabi ko nga sa isip ko na ikaw na ata ang pinaka maganda sa lahat ng babaeng nakilala ko." Hindi ako sumagot.

"Pero noong nakasama kita at mas nakilala pa mas nagandahan ako sa ugali mo.. Seraphina alam kong may ideya ka na kung ano ang sasabihin ko." Nakita ko sa gilid ng aking mata ang mariing titig niya saakin.

Celestial Academy: Unveiling Destiny (Academy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon