Seraphina's Pov
Two days had passed mula noong mangyari ang insidente sa dining area, so far naging tahimik naman na si Asara.
Nandito kaming lahat sa classroom namin. Tahimik lang kaming nakatambay dahil wala kaming guro.
May sariling mundo ang isa't isa, may nagbabasa ng libro, Pinaglalaruan ang kanilang kapangyarihan at meron ding nakatulala lang.Gaya ni Arianna na nasa left side ko nakatulala lang. And guess who is at my right side right now, no other than Flynn. Itong lalakeng ito busy naman sa paglalaro sa isang kamay ko na nasa ilalim ng mesa. Hinayaan ko nalang dahil kahit hindi ko aminin sa aking sarili ay gusto ko naman.
Ilang beses ko na siyang sinuway sa mga ginagawa niya pero ang tigas ng bungo ayaw paawat. Buti nalang at hindi ito napapansin ng mga kasama namin kundi it will be definitely awkward.
"Ang boring.." Basag ni Arianna sa katahimikan.
"Kung nakakamatay lang ang boredom kanina pa ako pinaglalamayan." Saad naman ni Sebastian.
"Kaylan ba kasi ibibigay ni Headmaster ang mission natin sabi niya within this week.." Naka kunot ang noo na saad ni Wendy.
"Patience, Wendy... Patience." Sagot naman ni Alexander dito pero inirapan lang siya ni Wendy.
"Hahanap nangalang ako ng chikababes sa labas." Sabi ni Arisson saka tumayo pero hinila naman siya ni Catherine kaya napaupo ito.
"Bawal ang lumabas unggoy." Naiinis na saad Catherine.
"Oo na po babe hindi na lalabas, baka magselos ka pa." Nakangisi namang sagot ni Arisson.
"Selos mo mukha mo!" Naiinis paring sagot ni Catherine. Masyado namang halata ang babaeng ito.
"Ang ingay niyo natutulog ang tao eh.." Sabat ni William na kakagising lang.
"Ito ka-" Hindi natuloy ni Catherine ang sasabihin dahil tumunog ang speaker at narinig namin doon ang boses ni Headmaster.
"Calling the attention of section diamond, proceed at my office now. I repeat calling the attention of section diamond proceed at my office now." Naghiyawan naman ang mga kasama ko dahil sa narinig.
"Sa wakas! It's mission time!" Sigaw ni Sebastian.
"Let's goooo!" Saad naman ni Wendy at tumatalon pa habang hinihila ang katabi niyang si Alexander patayo.
"Mag teleport na tayo." Sabat ni Asara saka lumapit kay Arisson ganun din ang ginawa ng ibang lalake at ni Catherine. Halata mong walang may gustong lumapit kay Flynn. Kawawa naman bakit ba naman kasi naka kunot na naman ang noo mukha tuloy siyang galit.
"Tara na Sera." Excited na saad ni Arianna at humawak sa kamay ko ganun din ang ginawa ni Wendy sa kabila. Napasulyap ako kay Flynn na naka tingin saamin.
"You go first." Saad niya kaya tumango ako at nag teleport na sa labas ng pinto ng office ni Headmaster. Naabutan namin dun ang iba na naghihintay.
Kinatok ni Catherine ang pinto at saka ito binuksan, Nagsipasukan na sila kaya nagpahuli muna ako. Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si Flynn kaya nagulat ako noong bumulong siya. Nagtaasan naman ang mga balahibo ko sa batok dahil sa malamig niyang hininga na tumama dito.
"Let's get inside." He said as he gently push me towards the door. Dirediretso na akong pumasok at saka umupo sa tabi ni Catherine. Si Flynn naman ay sa tabi ni Elijah dahil doon nalang ang may space na natira.
"Alam niyo naman na siguro kung bakit ko kayo ipinatawag." Panimulang saad ni Headmaste.
"Meron kaming report na natanggap mula sa Earthenreach Kingdom. Mayroon daw mga bandido ang gumugulo sa isang village doon, Sa Mooswood Village. They are robbing, hurting and kidnapping the villagers. Maraming ginagawa ang mga palace guards sa Earthenreach kingdom kaya sa inyo na ibinigay ang mission na ito." Pagkatapos magsalita ni headmaster ay napasulyap ako kay Elijah. Nasasakupan nila iyon, He must feel horrible.

BINABASA MO ANG
Celestial Academy: Unveiling Destiny
Fantasy[COMPLETED] In Celestial Academy there is a prophecy speaks of a woman destined to hold the balance of light and dark, capable of shaping the future based on the choices she makes. Her power is immense, and both sides-good and evil-are racing to fi...