Chapter 32

2.2K 52 0
                                    

Wendy's Pov

Nasa biyahe kami ngayon papunta sa lugar kung nasaan si Catalina. Nakasakay kami sa sasakyan na gaya ng unang sinakyan namin, na tinatawag ni Sera na bus. Ang sabi ni Sera ay aabutin kami ng limang oras bago makarating dun. Speaking of Sera, Kahapon pa sya tahimik mula nung makauwi kami sa hotel galing sa Orphanage.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa sa kanya dahil sa mga napagdaanan niya noong bata pa siya. I almost cried yesterday while listening to them. It's not our intention to hear what they are talking about pero hindi soundproof ang kwarto kung saan sila nag-usap kaya narinig namin.

Sumulyap ako kay Sera na nakapikit sa tabi ni Aiden. Noong una ko siyang nakilala akala ko siya iyong tipo na walang koproble-problema. Kaya sobra ang gulat ko na may madilim pala siyang nakaraan.

I smiled sadly. Hindi na nga niya kilala kung sino ang mga magulang niya hindi pa naging maayos ang childhood life niya.

"Muntik na akong malunod sa lalim ng mga buntong hininga mo Wens." Nagbibirong sambit ni Alexander na nasa aking tabi. Sumulyap ako dito.

"Iniisip ko lang kasi ang nangyari sa Orphanage kahapon." Mahinang sagot ko. His forehead formed  a line.

"Nakikita ko ang awa sa mga mata mo." He looked at me intently. "But don't let Sera see it.. She won't like it." Umiwas ako ng tingin sa sinabi niya.

"You're right. Hindi ko lang talaga maiwasang maawa sa kanya.. I can't imagine how much she suffered, ang bata pa niya nun Alex." Narinig ko ang pag buntong hiniga niya bago sumagot.

"There is a reason for eveything Wendy, tandaan mo yan." Saad niya sabay pitik sa noo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Malay natin, maybe she is destined to face something more bigger in the future and in order for her to succeed she must experience those things when she was a child to become stronger." Natulala ako nang ngumiti siya. He chuckled softly when he glanced at me.

"K-kailan ka pa n-naging philosopher ha!?" I swiftly avoided his gaze. He saw me staring at him!! Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko kaya tumalikod ako sa kanya. Dinig ko na mas lumakas pa ang pagtawa niya bago sumagot.

"Hmm let me think.. Ngayon lang ata." Natatawang sagot niya.

"Kayong dalawa huwag kayog maglandian sa harap namin." Sabat ni Arisson na nasa likod namin Katabi si Elijah. I blushed more because of what he said.

"Bakit naiinggit ka? Pag inggit pikit." Pangaasar ni Alexander.

"Gago! Ang daming babae na pwedeng landiin diyan." Pabalang na sagot ni Arisson. Narinig ko ang pagkainis sa boses niya pero hindi parin tumigil si Alexander sa pangaasar sa kanya.

"Pero yung babaeng gusto mong landiin.. hindi ka pinapansin." Sabay na nagtawanan ang mga lalakeng kasama namin except kay Flynn, Elijah at Arisson.

Arisson like someone? Noon ko pa naririnig na inaasar nila Alex si Arisson pero hindi ko alam na totoo pala.

Sumulyap ako kina Arisson nang hindi siya sumagot. He was glaring so deadly at Alex while breathing heavily, mukhang napikon na. Tinapik ko ng mahina ang ang braso ni Alex kaya napatingin siya saakin.

"Tama na baka magalit pa." Mahinang sambit ko sakanya. Tango lang naman ang naging sagot niya.

Seraphina's Pov

My back and bottom was hurting when we got off the bus. I looked around us.. Maraming puno ang bumungad saakin.

This place still look the same, kung may nagbago man ay ang mas nadagdagan pa ang mga puno na nakatanim. I felt a sense of Familiarity, this is the place I once called home. Dito ako dinala ng umamapon saakin noon.

Celestial Academy: Unveiling Destiny (Academy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon