Seraphina's Pov
I stood by the window of the infirmary watching the students buzzed with excitement. Hindi ko man rinig ang mga pinaguusapan nila but I can read the movements of their lips. They are obviously talking about Fiona, Aiden's mate. Napangiti ako ng mapait.
Nirinig ko ang pagbukas ng pinto sa aking likod ngunit nanatili lang akong nasa labas ng bintana ang tingin.
"You're awake." It was Arisson's voice. Rinig ko ang mga yabag ng kanyang mga paa patungo sa aking tabi.
"Grabe! Pinag-alala mo kami ng kapatid ko ha." I didn't look at him. Bakit hindi siya galit saakin?
"Where's Catalina?" My voice is void of any emotion as well as my face.
He sighed. "So you remember what happened?"
I nodded. "Answer my question."
"Nasa bahay ni headmaster."
"How is she?" Nakita ko ang pagsulyap niya saglit saakin bago itinuon ang mata sa labas ng bintana.
"Ang sabi naman niya ay Okay na siya." Napansin ko ang panay na pagsulyap niya saakin.
"If you have questions.. just ask me." I know what he will ask and I will answer it honestly.
"A-ano ang nangyari kahapon? bakit mo iyon ginawa kay Miss Catalina?" Kahapon? Kung ganon ay halos isang araw na akong walang malay.
Hindi ako agad sumagot nang may marinig akong pumasok.
"Sera? OMG! you're awake." Mabilis na lumapit si Arianna saka ako niyakap.
"OKay ka na ba? Wala bang masakit? Ano ba ang nangyari kahapon ha?" Hindi ko pinansin ang ibang mga tanong niya.
I sighed deeply. "I don't know... Hindi ko kontrolado ang sarili ko kahapon." Nagkatinginan sila.
"I had to urge to destroy.. to kill someone." Umiwas ako ng tingin. "Alam ko ang mga ginagawa ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko." Napayuko ako. I am ashamed. Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin, lalong lalo na si Catalina.
Arianna held my hand. "It's Okay Sera. Wala ka namang nasaktan o nasira." Her voice was soft.
Umiling ako. "I hurted Catalina Arianna. Paanong wala akong nasaktan?"
"You didn't. Wala namang kahit anong sugat si Miss Catalina." I avoided Arisson's gaze. Walang sugat physically but I know I did a damage inside her. Naramdaman ko iyon kahapon, ang pagkawala ng isang mahikang hindi ko alam na mayroon ako.
"She is not hurt physically Arisson but I know I hurted her! Please.. don't lie just to make me feel better." Umiwas siya ng tingin. "I hate it."
Hindi ko alam kung anong uri ng mahika ang naramdaman ko kahapon ngunit ang alam ko ay delikado ito.
"Bakit hindi natin puntahan si Miss Catalina Sera? Para narin malinawan tayo kung ano talaga ang nangyari kahapon." She was looking at me gently.
"Ano ang mukhang maihaharap ko sa kanya Arianna?" I said in defeated tone. Mas humigpit ang hawak niya sa aking kamay.
"Don't worry. Hindi naman siya galit." She smiled softly. "Alam mo bang sinabi niya pang sunduin namin siya pag nagising ka na." What she said didn't made me feel better.
"Not now." Tumango naman sila. "Naiintidihan namin Sera"
"How about kainin muna natin itong binili kong pagkain? Hindi pa ako nag uumagahan eh." Inakbayan ako ni Arisson saka ako iginaya sa kama kung saan ako natulog. I was not uncomfortable with his touch so I let him.
BINABASA MO ANG
Celestial Academy: Unveiling Destiny (Academy Series 1)
Fantasy[COMPLETED] In Celestial Academy there is a prophecy speaks of a woman destined to hold the balance of light and dark, capable of shaping the future based on the choices she makes. Her power is immense, and both sides-good and evil-are racing to fi...