Chapter 51

2.3K 47 0
                                    

Wendy's Pov

"ENOUGH!"

Everyone stopped because of that powerful and authoritive voice that came from the man with deep black eyes. Tila nagaapoy ang kanyang mga mata dahil sa galit. He was standing at the center of the Arena kung nasaan ang mga council members.

It was Aiden.

Parang tutang tumigil naman ang lahat at nagsibalikan sa kanilang upuan kaya't ganun din ang ginawa namin. Tumayo ang aking ina, si Queen Marie.

"Everyone please calm down. Ayaw namin ng gulo at ayaw namin kayong masaktan kaya't kung maari ay huminahon kayo." Malamyos ang tinig niya na siyang nagpangiti saakin. Her voice never fail to calm me. Ang pinaka paborito ko kay mama ay yung boses niya.

"Huwag kayong mag-alala dahil mayroon pa kaming isang ebidensya na sana naman ay paniwalaan niyo na." Saad naman ng Ina ni Elijah. Si Queen Elisia. Lumabas ang isang babaeng naka yuko, naka uniporme siya ng katulad namin.

"Is that Sofia?!" Gulantang na tanong ni Catherine sa aking tabi. Tumango ako. Kahit ako ay hindi makapaniwala at nalilito narin.

"Let me introduce to you, Sofia Alistair. The daughter of the third council member, Ibara Alistair." Marami ang nagulat sa sinabi ni King Arnold at kasama na ako doon. Are you kidding me?! Alistair. That surname rings a bell at hindi ko gusto ang pumapasok sa isip ko.

"I also want to introduce to you, Fiona Alistair, the eldest daughter of Ibara Alistair but sadly she's not here." Oh god. Hindi maganda ang kutob ko dito.

"That bitch is not my daughter! My only daughter is Fiona." Sigaw ni Ibara Alistair. Nakita kong napayuko si Sofia habang nakayukom ang kanyang kamao. Is he denying his own flesh and blood? what a cruel father.

Walang pumansin kay Ibara Alistair at nakatutok lang ang lahat ng mata kay Sofia.

"Now Ms. Sofia Alistair, please start talking. Tell us what you know about your father's plan as well as the other council member." Saad ni King Ethan.

"I d-don't know how to start." Her voice was trembling. Tumayo si Aiden sa pagkakaupo at lumapit kay Sofia. He was looking at her coldly.

"Let me ask you a question and just simply answer." Malamig na saad ni Aiden. That's much better.

"Are you really the daughter of third council member?" Tumango si Sofia.

"I need words." Aiden's voice was hard. Napalunok ako, shet nakakatakot naman si Aiden. I look at Sofia with pity, I felt bad for her.

"Oo a-anak niya ako p-pero sa ibang babae." Marami ang nagulat sa sinabi niya.

"Tangina kang babae ka! Sinungaling." Sigaw na naman ng ama ni Sofia. Sinamaan ko ito ng tingin. Tangina mo rin gago! Kung nasa malapit lang ako nito ay baka binusalan ko na ang bibig.

"Tell me what is your father's plan with the other council members."

"P-plinano nilang sakupin ang apat na kaharian." Sasabat na naman sana ang ama ni Sofia ngunit dahil sa kung anong bagay na nilagay ng knight sa bibig niya ay hindi ito makapagsalita. I almost laugh because of how he look.

"How did they start their plan?."

"H-hinikayat nila ang mga bandido na umanib sa kanila kapalit ng malaking pera at mga ariarian. Inuutusan nilang guluhin at pagnakawan  ang mga maliliit na villages sa apat na kaharian. N-nakita ko rin ang mga dinakip ng mga bandido na mga kababaihan, ginagamit nila silang parausan at tinatrato na parang alipin." Umingay na naman ang mga mamamayan ngunit ngayon ay dahil sa galit na, ngunit isang malamig na tingin lang ni Aiden ay nagsitahimik sila.

Celestial Academy: Unveiling Destiny (Academy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon