Chapter 12

2.8K 60 1
                                    

Seraphina's Pov

We are currently looking at the bulletin board infront of us, Naka paskil dito kung saang section kami kabilang.

"Omygosh! Sabi na eh sa Diamond mapupunta si Sera, I'm so proud of you girl." Tumitiling saad ni Alyana. I chuckled, ang pangalan ko pa talaga ang una niyang hinanap at hindi ang pangalan niya.

"And you are in the section Amethyst. I'm also proud of you Alyana." May maliit na ngiting saad ko din.

She pouted. "Anong nakakaproud dun eh para sa mga hindi masyadong magagaling duon, buti pa nga si Sofia napunta sa Sapphire." Tila nagtatampong saad niya.

"It's understandable naman you're just a healer kaya malamang sa mababang section ka mapupunta." Napakunot ang aking noo sa sinabi ni Sofia. Bakit ganyan siya magsalita?

"Sorry ha hindi kasi ako kasing lakas mo ano lang naman ako, I'm just a merely healer." Hindi naktakas saakin ang sakit sa mga mata. Tumalikod na siya at nagmamadaling umalis.

"You can tell her that nicely, bakit naman pinagmukha mo siyang parang ang hina hina niya." Naka kunot ang noong saad ko saka sinundan si Alyana.

"Hey" Tumabi ako sa kanya sa paglalakad.

"Sera gusto ko munang mapag-isa, You should go to your class ok lang ako." Sabi niya nang may pilit na ngiti, tututol na sana ako pero mabilis na niya akong iniwan. Napa buntong hininga ako, Maybe she really do need a space.

I WAS looking at the door in front of me, rinig ko mula dito ang ingay nila mula sa loob. Unti unti kong binuksan ang pinto at tumambad saakin ang mga royalties na nagkukulitan. Napatigil sila sa kanilang ginagawa at napatingin saakin.

"Sera?! OMG I knew it! magiging kaklase ka na namin." Sigaw ni Wendy at lumapit saakin saka ako niyakap ng mahigpit.

"Hindi na siya makahinga Wendy." Natatawang saad ni Arianna Habang lumalapit saamin at hinila ako mula kay Wendy.

"Welcome to our Section Sera." Matamis na ngiting saad niya at hinila ako sa pwesto nila at saka ako pina upo.

"You're the only students here?" Tanong ko habang inisa isa silang tiningnan.

"Oo kami lang I mean tayo na." Maangas na saad ni Arisson sabay kindat saakin. Ngumuwi ako.

"Burn! Wala pang sinasabi Aris pero sa reaksyon palang basag kana. " Sambit ni Sebastian sabay tawa.

"Grabe babe wala pang tayo sinasaktan mo na ako." He dramatically said saka umakting na nasasaktan.

"Tumigil ka nga Aris, Huwag mong landiin si Seraphina she deserve someone who's more handsome than you." Saad ni Catherine saka inirapan si Arisson.

"Yieee nagseselos ang baby ko, don't worry loyal ako sayo." Nakangising sagot ni Arisson.

"Gago huwag ang pinsan ko." Biglang sambit naman ni Alexander.

"Pasensya kana sa kanila Sera, Ganyan talaga sila." William said with his kind smile. I really like his smile, parang hindi mo maiwasang ngumiti rin kapag nakita mo siyang ngumiti.

"It's fine." May maliit na ngiting saad ko.

"Mas gumaganda ka kapag ngumingiti ka." May matamis na ngiting saad ni Catherine.

"Tumpak ka dyan Cath." Saad ni Wendy sabay thumbs up pa.

"Para nga akong natomboy noong una kong makita siyang ngumiti." Natatawang saad naman ni Arianna. Hindi ko mapigiling mapamulahan ng mukha dahil sa mga puri nila. Hindi ako sanay.

"Stop flattering me, I am embarrassed." Sagot ko at umiwas ng tingin, tumama naman ito sa lalakeng nakaupo mag-isa sa gilid.

He looked pissed because of his clenched jaw. Mukhang kanina pa siya naka titig saakin kaya mas lalo pang namula ang mukha ko.

Celestial Academy: Unveiling Destiny (Academy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon