Chapter 53

2.3K 51 9
                                    

Seraphina's Pov

Kumakalam ang aking sikmura pagkagising ko kaya napagdesisyunan akong maligo agad, mabuti nalang at may natira pa akong mga damit sa dati kong kwarto dito sa dorm namin nila Alyana noon.

I wore a wide leg denim pants paired with a white fitted crop top, bahagyang nakikita ang aking pusod ngunit hindi ko ito inalintana. I can wear whatever I want, hindi naman ako nandito para mag-aral.

Hindi ko pinansin ang mga tingin na ipinupukol ng mga Estudyante saakin ngunit hindi nakatakas sa aking pandinig ang mga bulungan nila.

What is she doing here?

Bakit girl bawal ba? Wala naman siyang kasalanan kaya may karapatan siyang bumalik.

I felt bad for her.

Same teh pinagbintangan ba naman sa kasalanang hindi naman niya ginawa.

Nalaman niya na atang nabunyag na ang totoo kaya bumalik na siya.

Napataas ang aking kilay. Nabunyag na pala ang katotohaan kaya naman pala ibang iba na ang pakikitungo nila saakin. I mentally shook my head.

Now they are saying that they felt bad for me pero noon kung itrato nila ako ay parang ako na ang pinakamasamang tao sa mundo.

Maraming tao ang nadatnan ko sa cafeteria at hindi naman ako nagulat nang madatnan kong nandito ang grupo ng royalties dahil ramdam ko ang malalakas nilang presensya mula sa labas.

I didn't spare anyone a glance even though I can feel their stares at the back of my head. Mabilis akong kumuha ng pagkain saka nagtungo kung nasaaan ang tatlong tao na abalang abala sa kinakain. Hawak ng kaliwa kong kamay ang tray kung nasaan ang inorder kong pagkain habang ang kanan naman ay nakapasok sa loob ng bulsa ng pants na suot ko.

Nakatutok ang mga mata nilang lahat kaya hindi ko maiwasang mainis. I am not some sort of celebrity pero kung panoorin nila ang bawat galaw ko ay daig ko pa ang artista. Nakita ko ang gulat ng tatlo nang ilapag ko ang aking pagkain sa kanilang mesa.

"S-seraphina?!" Malakas na saad ni Crystal habang nanlalaking mata na nakatingin saakin.

Umupo ako sa tabi ni Ace na ngayon ay hindi rin maipinta ang mukha. "Oh? Close your mouth."

"Seraphina?! Ikaw nga! Shet kang babae ka! Bakit ngayon ka lang?!" Hinila niya ang ilang hibla ng buhok ko kaya napa aray ako. Narinig ko ang singhapan ng iba. Napaka Oa.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Not my hair Crystal."

"Kaylan ka pa dumating?" Tanong ni Allen nang makabawi ito sa pagkagulat.

"Yesterday." Maikling sagot ko saka sinimulang kumain. I can't remember the last time I ate. Nagugutom na ako.

"At bakit ka lang ngayon nagpakita aber?" Nakataas ang kilay na tanong ni Crysal.

I sighed. "Sorry. I just got caught up with something." Napatingin ako kay Ace na hanggang ngayon ay wala paring imik. Naka nganga pa ang gago, halatang hindi talaga niya inaasahan ang pagdating ko. Kumuha ako ng isang piraso ng fries saka ito mabilis na isinubo sa kanya.

Ramdam ko ang masamang na titig niya mula sa kanilang table pero hindi ko ito pinagtuunan ngpansin.

"Wake up Ace." Mabilis siyang nagbawi ng tingin. I heard Allen and Crystal chuckled.

"Gulat na gulat Ace?" Sarkastikong saad ni  Crystal. "Kaylangan ka pa talagang subuan, para-paraan ka rin eh no." Saad ni Crystal sabay tawa. Nakatanggap naman siya ng masamang tingin mula kay Ace.

Celestial Academy: Unveiling Destiny (Academy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon