Chapter 24

2.3K 52 0
                                    

Seraphina's Pov

It was still four in the morning pero gising na ako hindi ko nga alam kung nakatulog ba ako dahil kahit nakapikit ang aking mga mata gising na gising naman ang diwa ko. I keep on thinking kung ano ang mangyayari kung makikita ko ang mga taong iyon.

Hindi ko nga pala naipaalam kina Flynn na sasama ako sa mission wala sila dito pagdating ko kagabi. Maybe they were at the Cafeteria that time, ganoong oras kasi kami nagdidinner. Dahil hindi na ako makabalik sa pagtulog I decided to get ready although Five am ang time ng meet up namin.

I spend almost twenty minutes getting ready and now I'm already here, downstairs waiting for them. I'm wearig dark green baggy pants paired with a fitted croptop. My hair was done in messy bun and few strands fell on my face. Ilang minuto pa akong naghintay bago sila sunod sunod na bumaba.

"Sera?! You're going?" Wendy excitedly ask me at saka lumapit. Ikinawit na naman niya ang kanyang braso saakin, her favorite gesture. Tumango ako.

"I thought you won't? Sabi ni Flynn kahapon." Pure curiousity was written on Alexander's face. Napatingin naman ako kay Flynn na sa likod nila. Seryoso ang ekspresyon na nasa mukha niya.

"Nag bago ang isip ko." Nag iwas ako ng tingin sa kanila. I felt guilty kasi mission namin yun and it was my responsibility to go as part of the highest section pero naisipan kong hindi pumunta. I heard a scoffed.

"So ganun nalang yun? Pupunta ka hangga't gusto mo at kung ayaw mo, ayaw mo nalang!?" It was written on Asara's face how much she is pissed with me. Napatitig ako dito. I can't tell them the real reason kung bakit naisipan kong umayaw.

"I have my reason." Sagot ko dito.

"No you don't. Excuse ang meron." Hindi man nila sabihin I know that some of them are annoyed with me.

I displayed my emotionless face "If you don't want to beleive me then don't." Malamig ang boses na saad ko saka nauna ng lumabas bitbit ang bagpack na kinalalagyan ng mga gamit ko.

I clenched my fingers. If they don't beleive me, I don't fucking care. Hindi ko inalintana ang sumisidhing kirot sa aking puso. Napakaliit lang na bagay hindi nila ako mapagkatiwalaan paano pa kaya kung mabigat na. Naaninag ko si Headmaster sa labas ng gate na naghihintay pero may kasama siya. I squinted my eyes to get more clearer view and by the masculine appearance, that's Mr.Collins.

"Miss Seraphina! I'm glad you came Iha. I know you had a reason for thinking of not coming and I understand that pero masaya parin ako dahil nakapunta ka. Catalina told me in my dreams na mas mabilis niyo siyang mahahanap kung kasama ka kaya gayun nalang ang kagustuhan kong pumunta ka." Labis ang pagkakangiti ni headmaster. Tumango naman ako at ngumiti ng tipid at hindi pinansin ang sinabi niya.

"Goodmorning headmaster, Mr. Collins" Bati ko sa kanilang dalawa.

"Good morning" Mr. Collins greeted me back with his deep voice.

"Nasaan ang iba, iha?" Nagtatakang tanong ni Headmaster

"Nahuli po but they are coming." Sagot ko. I curiously eyed Mr. Collins. I am curious why is Mr. Collins here, Kasama ba namin siyang pupunta sa Mortal world?

Sabay sabay kaming napatingin dahil sa pinang galingan ng boses na aming narinig. They are here. Iniwasan ko ang tumingin sa kanila at hindi ko sinadyang tumama ito kay Mr. Collins who was looking at me. Mabilis siyng napaiwas ng tingin habang namumula ang tenga. What's with him and his red ears? Lagi ko nalang siyang nahuhuling ganyan.

"Headmaster matagal na po ba kayo dito?" Nagtatakang tanong ni Arianna saka lumapit sa aking tabi.

"Hindi pa naman masyado Iha. Ano kumpleto na ba kayo?" Tanong ni headmaster. Ramdam ko ang isang prisensya sa aking tabi. Even if I don't look at him, nakilala ko siya dahil sa bilis ng pagtibok ng aking puso.

Celestial Academy: Unveiling Destiny (Academy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon