Seraphina's Pov
It's been three days mula nang makauwi kami galing sa Earthenreach Kingdom. Binigyan kami ng three days rest ni Headmater kaya ginamit ko ang mga araw na iyon para mag hanap ng impormasyon, just like now nandito ako sa Library instead na nasa room ako ngayon.
Tinakasan ko sila Wendy dahil ayaw akong tantanan laging nakabuntot saakin at lalo naman si Flynn na kulang nalang ay sa kwarto ko matulog. Minsan na ding pumasok sa isip ko na hayaan siyang matulog sa kwarto ko, Muntik na nga akong madulas sa banyo nang bigla ko nalang naisip iyon. Nagiging weird na ako when it comes to him, hindi ko na nga makilala ang sarili ko ngayon malayong malayo na sa dating ako. Wala along paki-alam sa mga tao noon lalo na kung lalake but when it comes to Flynn ang dali dali niyang pasukin ang sistema ko.
I deeply sighed. I should focus on what I am doing hindi yung kung ano ano ang iniisip ko baka kung saan na naman mapunta.
Hawak ko ang isang puting libro na ang title ay Divine. Sobrang maalikabok ito at halata mong ang luma na. This book accidentally fell, hindi ko nga alam kung saang parte ng bookshelves ito galing. Parang milagrong nahulog nalang bigla. I didn't hesitate to open it sa sobrang curious ko kung ano ang nilalaman nito.
Tumambad saakin ang blankong pahina. Bakit ito blanko? I moved to the next page pero blanko din ito. Ganun ang ginawa ko hanggang sa pinaka last na page ganun padin. What heck! Ano ang silbi ng librong ito kung wala naman palang kalaman laman. Sa inis ko padabog kong isasara na sana nang biglang unti unting nagkaroon ng larawan ang pinaka unang pahina.
Muntik ko na itong maihulog dahil sa aking nakita. I know them.. I fucking know them so well but there is one image that I don't recognize. Nanginginig kong hinaplos ang imahe nito. Napakaamo ng mukha niya. Long curly brown Hair, a gray doe eyes, small pouty lips and a small pointed nose.
S-she looks like me. Nanginginig ang kamay ko na nakahawak sa libro. I can't beleive it.. Sino siya? Bakit kasama niya sina Freyja? Is she one of them? B-bakit kamukha ko siya?
Halos mahilo ako dahil sa dami ng tanong na bumabagabag sa isip. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili dahil parang pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay but despite of it, The warmth that I felt by just looking at her image didn't go unnoticed by me as I stare at her.
Esmeralda.
That's her name. Nakasulat ito sa taas ng larawan niya ganun sa ibang larawan sa tabi niya. Vishnu, Freyja, Loki and Isis.
Looking at their image gives me a nostalgic feeling. Hindi maitatanggi na ibang ibang ang kagandahan at kakisigan nila sa mga normal na nakikita ko araw araw. Their looks are so majestic but you can still notice na mukha parin silang mas matanda saakin. How old are they again? sa tagal kong kilala sila hindi ko man lang alam kung ilang taon na sila. Gusto ko silang puntahan at kausapin but I don't now how. Malalim akong napabuntong hininga at saka tumayo. Tama na muna siguro ito nahihilo na ako dahil nadagdagan na naman ang iisipin ko.
Tulala lang akong naglalakad papuntang cafeteria nang may mabunggo akong matigas. Nag angat ako ng tingin at mas nagulat pa ako sa mukhang sumalubong saakin kaysa sa pagkabunggo ko sa dibdib niya. Malamlam ang matang sumalubong saakin.
"Why are you not yourself? Is there a problem?" Makikita ko ang pag-aalala sa mga mata niya kaya hindi ko magawang umiwas ng tingin kahit pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante. Is he worried about me?
"Please talk baby.. I'm worried" Did he hear my thoughts again?
"Nalilito na ako Flynn... Hindi ko na alam kung makakapaghintay pa ba akong masagot ang mga katanungan ko." Tunog pagod ang boses ko. Totoong napapagod na ako. Sa ilang araw kong walang pahinga sa paghahanap ng mga impormasyon wala akong nakuha kundi puro mga katanungan lang.

BINABASA MO ANG
Celestial Academy: Unveiling Destiny
Fantasy[COMPLETED] In Celestial Academy there is a prophecy speaks of a woman destined to hold the balance of light and dark, capable of shaping the future based on the choices she makes. Her power is immense, and both sides-good and evil-are racing to fi...