Chapter 13

2.7K 65 1
                                    

Seraphina's Pov

Kumpleto sina Wendy pagdating ko sa dorm nila, mukhang naghihintay sila dahil nasa pintuan pa si Wendy at mukhang nagaabang. Nang mapansin niya akong palapit ay tumakbo siya patungo saakin.

"Sera! Halika kanina ka pa namin hinihintay." Saad niya at kinuha maletang hawak ko but I didn't let her dahil mabigat ito.

"Mabigat Wendy, ako na." Saad ko kaya napanguso siya.

"Let me help you.. Yang backpack mo nalang din." Sabi niya at kinuha saakin ang backpack ko kaya hinayaan ko nalang siya.

Pag dating namin sa loob ng dorm nila ay namangha ako, This place screams luxury. Hindi siya katulad ng dorm namin halatang mga importanteng tao ang nakatira dito. Naka upo silang lahat sa sofa pwera nalang kay Arianna at Sebastian na nakatayo ngayon sa harap ko.

"Wecome Sera!!" Sabay na Sigaw ni Arianna at Sebastian, may hawak pa silang mga confetti. I chuckled they are so OA but I appreciated their efforts to welcome me.

"Thank you." Sagot ko.

"Bakit ang tagal mo Seraphina?" Tanong ni Catherine .

"I took care of something first." Sagot ko saka lumapit sa tabi niya at umupo. Ansakit ng paa ko dahil sa paghahanap kay Alyana kanina.

"Dito na tayo magdinner Huwag na tayong pumunta sa cafeteria. Magluluto ako ipapatikim ko kay Sera ang mala high class na luto ko." Saad ni William at ngumiti saakin kaya nginitian ko naman siya ng tipid. Naghiyawan sila kaya nagulat ako.

"Yown oh! Antagal narin mula noong nagluto ka." Sagot ni Sebastian.

"Yeah you really should, I miss your food na kaya." Sabi naman ni Arianna

"You should cook my favorite kuya!" Sabat ni Wendy at lumapit kay William at kumapit sa braso niya, natatawa namang tumango si William saka siya tumingin saakin

"Do you have any particular food you like Sera? I can cook it for you." Saad niya. Dahil sa sinabi niya ay napangiti ako, He is the first person who told me that he'll cook for me. That's really nice of him.

"Anything will do." Sagot ko. tumango naman siya at nagtungo na sa Kusina ata.

"While he is cooking, let us help you organized your things." Saad ni Wendy, tututol na sana ako nang magsalita siya ulit.

"No buts Sera, Ilang beses mo nang tinanggihan ang alok ko ha nakakatampo ka na." Sabi niya at ngumuso kaya wala akong nagawa kundi pumayag.

"Let's go girls!" Sabi ni Arianna at tumayo saka kinuha ang backpack ko na nasa tabi niya.

"Kayo nalang I won't come." Napatingin ako kay Asara na maarteng nagsalita. Nasa tabi niya si Flynn kaya hindi ko rin maiwasan ang mapasulyap sa kanya na nakatitig saakin. Inirapan ko lang siya at umiwas ng tingin.

Naiinis ako sa kanya at kay Asara kahit wala naman silang ginagawang masama. I signed before standing.

"Kung ayaw mo hindi ka namin pinipilit." Sagot naman ni Arianna at inirapan si Asara. Hindi ko nalang sila pinansin at kinuha ang maletang dala ko.

"Tulungan na kita diyan Sera mukhang mabigat may hagdan pa naman." Alok ni Catherine pero umiling ako.

"Kaya ko na." Sagot ko at ngumiti ng maliit.

"Let me carry it girls, Ang mga babae hindi dapat nahihirapan." Saad ni Arisson na nasa tabi na pala namin ni Catherine, Kumindat pa ang loko.

Kinuha na niya mula sa kamay ko ang maleta kaya wala akong nagawa kundi ibigay nalang. Pero nagulat kaming lahat nang tumayo si Flynn at kinuha kay Arisson ang Maleta.

Celestial Academy: Unveiling Destiny (Academy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon