Chapter 1

11.2K 159 3
                                    

Sa isang daigdig ay matatag na nakatayo ang paaralang tinatawag na Celestial Academy, isang paaralan kung saan nagtitipon ang mga indibidwal mula sa iba't ibang kaharian upang hasain ang kanilang mga kapangyarihan.

Sepharina, a feisty woman with long, curly brown hair and deep gray eyes, is walking towards the wide and majestic gate of the Celestial Academy.

Sa kanyang pagpasok ay naramdaman niya ang kakaibang sensasyon sa kanyang katawan na batid niyang mula sa invisible barrier ng akademya. Her arrival turned heads and raised eyebrows among the students, ngunit hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin dahil abala siya sa pagtingin sa mga nakakamangha at matatayog na gusali. Ngayon lamang siya muling nakakita ng ganito kalaking gusali dahil ngayon lamang siya nakalabas sa gubat na tirahan niya.

Tunay na napakaganda pala dito, saad ng dalaga sa kanyang isipan.

Gamit ang kanyang mahika ay natunton niya ang headmaster's office nang hindi naliligaw. Kumatok siya sa pintuan ng opisina ng headmaster upang humingi ng pahintulot na pumasok. Narinig niyang sumagot ang tao sa loob, kaya't binuksan na niya ang pinto at pumasok.

Bumungad sa kanya ang isang hindi katandaang lalaki.

"What can I do for you, miss?" tanong nito sa dalaga.

"I'm a new student. Nandito po ako para kunin ang schedule at dorm number ko," malamig ang boses na pagkakasabi ng dalaga.

"You are Miss Seraphina Everhart?" The headmaster raised his eyebrow.

"Opo," she replied.

"Okay, here's your schedule and your dorm key. Your dorm number is 335-nasa loob na ng kwarto mo ang mga kakailanganin mong gamit. By the way, I am Headmaster George, but just call me Headmaster. That's all, iha. You may go," nakangiti ang headmaster, ngunit mariin ang titig nito sa dalagang nasa harap niya.

May kakaiba sa dalagang ito, saad niya sa kanyang isipan.

"Thank you, Headmaster," saad ng dalaga at ngumiti ng tipid saka tumalikod at lumabas.

Ramdam ng dalaga ang nakakatusok na titig ng headmaster sa kanyang likuran, ngunit hindi niya ito pinagtuunan ng pansin.

Habang naglalakad, ramdam ng dalaga ang mga tingin na ipinupukol ng kanyang mga kapwa estudyante sa kanya-may mga namamangha dahil sa taglay niyang kagandahang maihahalintulad sa isang diyosa, may naiinggit, at may nanghuhusgang tingin. Ngunit, gaya ng kanina, hindi niya ito pinagtuunan ng pansin.

Bahagyang napatigil sa paglalakad si Seraphina at napatitig sa isang lugar na puno ng nagliliparang paro-paro at mga makukulay na bulaklak.

"What a beautiful place," she whispered.

Makalipas ang ilang minuto, natagpuan na rin niya ang kanyang dorm. Sa kanyang pagpasok ay bumungad sa kanya ang maaliwalas na sala. Kulay puti ang pintura ng mga dingding na siyang dahilan kung bakit naging sobrang maliwanag ang paligid.

Sa kanyang paglilibot ng tingin ay natagpuan ng mata ng dalaga ang isa pang dalaga na may itim at maikling buhok at kulay berdeng mata, na kakalabas lamang mula sa isang pintuan.

Seraphina stared at her, not knowing what to do. Sa ilang taon niyang pamumuhay sa mundong ito, ngayon lamang kasi siya nakasalamuha ng ibang tao.

"Sino ka? Paano ka nakapasok dito? Magnanakaw ka ba? Naku, miss, wala kang mananakaw-mahirap lang kami," sunod-sunod na tanong ng dalaga.

"I'm Sera-" Hindi natuloy ni Seraphina ang kanyang sasabihin dahil sumabat na naman ang babaeng may berdeng mata.

"Omg! Miss, ngayon ko lang narealize-ang ganda mo pala, ang puti mo ha, parang kasing puti ng gatas," namamanghang saad nito at lumapit sa kanya kaya't bahagya siyang napa-atras.

"Than-" Hindi na naman naituloy ni Seraphina ang kanyang sasabihin dahil muling sumabat ang babae.

"Pero sayang lang ang ganda mo, magnanak-" Sa oras na ito, si Seraphina na ang pumutol sa sasabihin ng babae.

Masama ang tingin na iginawad ni Seraphina sa babae. "Hindi ako magnanakaw. I am your new dorm mate."

Natulala nang ilang segundo ang babae na tila ba pinoproseso ang sinabi ng magandang dalaga sa kanyang harapan.

"Pasensya na. Nagulat lang kasi ako bakit may bagong tao dito sa dorm. Nakalimutan kong sinabi pala ni headmaster na may bago kaming dorm mate," napakamot siya sa kanyang ulo dahil sa nararamdamang hiya.

"Uhm, ako nga pala si Alyana Lifewarden from Earthenreach Kingdom sa Land of Terra-isa akong healer. Yung nasa kanang pinto pala yung kwarto mo, yung puti," nakangiting saad niya.

Seraphina nodded. "I am Seraphina... I want to rest if you don't mind," sagot ni Seraphina. Alyana nodded shyly. Mabilis na tumalikod si Seraphina at nagtungo sa pintuang itinuro ng dorm mate niya.

"Nga pala, nice to meet you! Friends na tayo ha!" pahabol pa ni Alyana, ngunit hindi na siya pinansin ni Seraphina at nagpatuloy na lang sa pagpasok sa kanyang kwarto.

Pagpasok pa lang ni Seraphina ay ibinagsak niya agad ang kanyang katawan sa kama at hindi na nag-abalang ayusin ang mga dala niyang gamit o magpalit man lang ng damit dahil sa pagod.

Nakatitig lamang siya sa puting kisame.

Malayo ang nilakbay ng dalaga kaya ganoon na lamang ang kanyang pagod. Hindi niya akalain na napakalayo pala ng Celestial Academy mula sa Coastspring Land ng Aquaria Kingdom kung saan siya nagmula. Halos limang araw din siyang naglakbay. Mabuti na lamang at nakatagpo siya ng isang kabayong naliligaw sa gitna ng isang kagubatan sa Aaerolia Kingdom na siyang ginamit niya upang mapabilis ang kanyang paglalakbay.

"Sana ay hindi ako nagkamali sa desisyon kong magtungo dito," she whispered before closing her eyes.

TO BE CONTINUED

Thank you for reading!

Celestial Academy: Unveiling DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon